Chapter 01

1247 Words
NAISANDAL ni Winter ang ulo sa bintana ng bus. Pagkatapos ng buong araw na nakatayo ay nakaupo na din siya. Hindi rin biro ang pagiging isang sales lady. Naihilot niya ang nangangalay niyang mga binti. Palagi na lang ganito ang scenario araw-araw. She was getting too tired from it. Para lang siyang nanonood ng movie na ilang beses nang ipinalabas. She was hoping that something exciting would happen in her life. Her life right now, kung ikukumpara niya sa lasa ng ulam ay sobrang tabang. Wala man lang konting spices. Napadako ang tingin niya sa isang mamahaling kotse na katabi ng bus na sinasakyan niya. “Ang swerte naman," she muttered under her breath. Lahat ng mga gusto nila ay nakukuha agad ng mga ito. Pero siya kailangan pa niyang magpakahirap bago niya makuha ang ilang bagay na gusto niya. She glanced at her wristwatch. Pasado alas dyes y media na. And she was already starving. At pagdating niya sa bahay kung maabutan niya ang kanyang ina na naglalaba ay tutulungan pa niya ito. Bukod sa trabaho niya ay pinagkukuhanan din nila ng pera ang paglalabada ng tiyahin niya. Minsan nga ay naawa na siya dito. Kahit pagod ay pinipilit pa rin nito ang maglaba. She sighed. Bumaba siya ng bus na bagsak ang mga balikat niya. Maglalakad pa siya ng unti saka ulit sasakay ng tricycle papunta sa kanila. Pagdating niya sa kanila ay naabutan nga niya ang kanyang ina na naglalaba. Nagmano siya dito. “Nay, tulungan ko na po kayo dyan mamaya.” Umiling ito. “Wag na, anak. Magpahinga ka na lang. Alam kong pagod ka din sa trabaho mo.” Nakaramdam siya ng lungkot. Ang nanay niya kahit matanda na ay naglalabada pa din para lang sa kanilang ikakabuhay. Mabigat sa kalooban niya ang makita ang ina sa ganun sitwasyon. Pero dahil hindi sapat ang kinikita nila ay kailangan din nitong kumayod. Tumango na lang siya. Pumasok na siya sa loob ng bahay at nakasalubong ang kapatid niyang si Nathan. “Oh, bakit hindi ka pa tulog? Hindi ba’t maaga ang pasok mo bukas?” “May tinatapos lang akong assignment, Ate,” sagot nito sa kanya. “Saglit lang, ate. Ipaghahanda kita ng makakain mo.” “Thank you," nakangiting sabi niya kay Nathan. Papasok na siya ng kwarto niya ng bigla ulit siyang tawagin ng kapatid niya. Napatingin siya dito. “Bakit?” Napakamot naman ng ulo si Nathan. “Si Aling Martha pala nagpunta kanina. Naniningil na sa renta sa bahay.” Napasimangot siya bigla. “Masyado naman atat yang si Aling Martha. Kung makasingil ng malaki dito sa bahay akala mo mansyon itong paupahan niya," reklamo niya. Pero kung tutuusin ay mas maayos pa din talaga ang paupahan ni Aling Martha kumpara sa ibang paupahan dito sa lugar nila. Yun nga lang ay may kamahalan ang renta. “Sige, ako na ang bahala dun," aniya. Buti na lang at malapit na din ang sahod nila. Pagkapasok niya sa kwarto ay pabagsak siyang nahiga sa kama niya. She stared at the ceiling and sighed. Gusto na niyang makaalis sila dito at magkaroon din ng sariling bahay. Mahirap din ang mangupahan. Yung kakabayad mo lang pero ayan na naman at sisingilin ka. Idagdag pa ang bayarin sa kuryente at tubig. Isinubsob niya ang mukha sa unan. Mababaliw na yata siya. Tatanda yata siya ng maaga dahil sa mga isipin niya. Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumilip si Nathan. “Ate, nakahanda na ang pagkain mo.” Bumangon siya. “Sige, susunod na lang ako." Tumayo siya at isinara ulit ang pintuan. Nagpalit muna siya ng damit bago lumabas. Naabutan pa niya sa sala ang kapatid. Nakasubsob ang ulo nito sa ginagawa nitong homework. Sandali siyang nahinto. “Matagal pa ba yan?” “Malapit ng matapos, ate,” sagot ni Nathan na hindi man lang siya nililingon. “Nga pala, ate, kailan niyo po ako bibilhan ng laptop? Mas maganda po kasi sana kung may sarili akong laptop na magagamit sa pag-research.” “Osya, sige, pag nagkapera ako bibilhan kita ng laptop. Sa ngayon hindi pa kaya eh. Wala pang pera si ate,” sagot niya. Nakita niya ang bahagyang paglungkot ng mukha ni Nathan. “Wag kang mag-alala bago matapos ang taon na ‘to bibilhan kita ng laptop.” Nathan’s face lit up. “Sinabi mo yan, ate. Antayin ko yan.” Ngumiti siya. “Oo, promise ko yan. Basta ba pagbutihan mo lang sa pag-aaral, ah?” aniya kahit sa loob-loob niya ay hindi niya alam kung saan kukuha ng pera pambili ng laptop na gusto ng kapatid niya. Hahanap na lang siguro siya ng paraan. Pwede naman siyang mag-loan kung sakali. Sapat na para sa kanya ang makita na nag-aaral ng mabuti ang kapatid niya. Gusto niya itong makitang maging matagumpay sa buhay. At kahit mahirap, ay kakayanin niya para sa kapatid at ina niya. NAPABUNTONG hininga ng malalim si Winter nang makita niya ang mga presyo ng laptop. It was Saturday kaya naisipan niyang pumunta ng mall para tumingin-tingin ng laptop. Halos malaglag naman ang panga niya nang makita kung gaano kamahal ang laptop na gusto ni Nathan. May bukod siyang ipon para sa pambili ng laptop ng kapatid pero hindi pa sapat iyon. Nag-ikot-ikot pa siya sa mall at naghanap pa ng ibang store na pwedeng bilhan ng laptop. Bagsak ang mga balikat niya pagkatapos. She checked the time on her phone. Masyado pang maaga para bumalik siya ng bahay. Magpapalamig muna siya sa mall. “Dapat ba kayang inaya ko na din si Emma dito?” she asked herself habang tumitingin ng mga damit. “Ah, no,” umiiling niyang sabi. Knowing her friend, sigurado siyang mapapagod siya sa kakahila nito sa kanya sa pagtingin-tingin ng mga damit. May pagka-fashionista din kasi ang kaibigan niyang yun. Lumabas siya ng clothing store at sa isang bookstore nagtungo. Mas pipiliin pa niya ang bumili ng libro. She loved reading. Halos madami na din siyang libro sa bahay nila. Ang iba pa ngang libro niya ay binabalutan niya ng plastic cover. Pinaglandas niya ang kamay sa bookshelf at huminto ng makita ang isang libro na may title na The Catastrophic History of You and Me. Kinuha niya iyon at binasa ang likuran ng libro. “Dying of a broken heart… now that sounds interesting,” aniya pagkatapos mabasa ang blurb ng novel. Dahil may pera pa naman siya ay dumiretso ng counter para bilhin ang libro. Lumabas siya ng bookstore na may ngiting nakaguhit sa labi niya. She had something to r******w. Since may sapat pa naman siyang pera ay bibilhan niya ng pasalubong ang kapatid at ang kanyang ina. Maybe she would buy two boxes of pizza since she suddenly had cravings for pizza. “Mommy!” Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang batang tumatakbo papunta sa kanya. Ganun na lang ang gulat niya ng niyakap ng batang lalaki ang binti niya. “Mommy, I miss you,” wika ng bata. Siya naman ay hindi alam ang gagawin. Napagkamalan pa siya ng bata na ina nito. Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang bata at nakita niyang umiiyak ito. Yumuko siya at pinunasan ang luha nito. “Naku, nagkakamali ka yata. Hindi ako ang mommy mo,” she said gently to the child. The kid shook his head. “Yes, you’re my mommy!” “Kestrel!” Awtomatikong napaangat ang ulo niya bigla. At ganun na lang ang gulat niya nang makita ang lalaki na na nagmamay-ari ng boses na yun. Her heart skipped a beat and then began to pound in her ears. It was the guy she met at the cemetery from the other day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD