Chapter 02

1302 Words
PARA bang napako sa kinatatayuan niya si Noah nang makita niya ulit ang babaeng yun. At base na rin sa reaksyon nito ay mukhang naalala din siya ng babae. Pareho silang natulala sa isa’t isa. None of them tried to look away. Para ba siyang na-hypnotize bigla dito. Siya ang unang nagbawi ng tingin at napatingin sa anak niya. “Kestrel, don’t just run like that.” Ganun na lang ang kaba niya nang makita ito kanina na bigla na lang tumakbo. “Let’s go.” Lumapit siya kay Kestrel at hinawakan ang kamay nito. “No!” hiyaw nito na ikinagulat nilang pareho ng babae. Maski ang ibang tao sa paligid nila ay napatingin sa kanilang tatlo. “Mommy is here. Why are you ignoring her daddy?” Tiningnan niya ulit ang babae sa harapan niya. Para bang dinudurog ng pino ang puso niya habang tinitigan ito ng matagal. ‘No, she’s not Jewel,’ sa isip-isip niya. She may look like her but they were two different persons. Her aura was different compared to Jewel. “She’s not your mommy,” malamig niyang sagot sa anak. Kestrel pulled his arm from his grip. Lumapit ulit ito sa babae at yumakap sa binti nito. “Mommy, come with us,” aya sa kanya ng bata. This time ay nakangiti na ito. “Please, mommy?” Her gaze shifted from his son to him. Halata sa mukha nito na naguguluhan ito sa nangyayari at hindi alam ang sasabihin sa anak niya. He heaved a deep sigh. Kinuha niya ang anak niya at binuhat ito. “I’m sorry for disturbing you,” wika niya sa babae at ngumiti. Ngumiti ito sa kanya. “It’s okay,” she replied. His jaw clenched. Even her voice was different. Namura niya ang sarili sa isipan. So stupid of him. Why, of course. Magkaiba ang dalawa. Hindi dahil sa magkamukha ito at ng asawa niya ay ganun na rin ang boses nila. “We… we have met already, right?” Hindi niya sinagot ang tanong nito. “I’m sorry we need to leave now,” ang sabi na lang niya dito. “No, daddy!” hiyaw ni Kestrel at nagsimula na naman itong umiyak. “Mommy is here. She’s alive.” Hindi niya gustong makitang nagkakaganito ang anak niya. Nasasaktan siya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi siya ang mommy mo. Umuwi na lang tayo kung magwawala ka rin naman.” Tinalikuran na niya ang babae at naglakad palayo dito. Humigpit ang hawak niya kay Kestrel habang naririnig itong tinatawag na mommy ang babaeng yun. Nadudurog ang puso niya sa nakikitang pangungulila ng anak sa ina nito. “WE need to come up with new creative packages for the party…” The Chief Marketing Officer continued his report while Noah absent-mindedly stared at the copy of the report being presented to him. He couldn’t focus with his meeting as he kept thinking about his son. Umalis siya kanina ng bahay na hindi man lang sila nagkakausap. Pagkatapos ng nangyari sa mall last Saturday, nagtampo ng sobra sa kanya si Kestrel. Sinubukan naman niyang kausapin ang anak pero hindi pa din siya nito pinapansin. Dalawang araw na ang nakakalipas na hindi sila nagkakausap ni Kestrel ng matino. Mahina siyang napamura. Napahinto bigla sa pagsalita ang CMO kaya napaangat ang ulo niya. Nasa kanya ang tingin ng lahat ng staff na nasa meeting room. “May problema po ba Mr. Elizalde? May hindi ba kayo nagustuhan sa suggestions namin?” the CMO asked, a worried look on his face. He rubbed his temples. “Let’s end this meeting for now,” seryoso niyang sabi. Wala rin naman siyang naiintindihan sa meeting dahil lumilipad ang isip niya. He rose to his feet and handed the copy of the report to his secretary and left the conference room. “Inform them that we will resume the meeting tomorrow morning,” utos niya kay Lumi. “Yes, Sir,” rinig niyang sagot nito. Papasok na sana siya sa loob ng office niya nang may maalala siya bigla. Binalikan niya ulit si Lumi sa desk nito. Napahinto ito sa ginagawa nito at nag-angat ng ulo. “May kailangan pa po ba kayo Mr. Elizalde?” “I have a question. Posible ba kaya na may isang tao kang kahawig? Like is there a small chance for that to happen? Kahit ba hindi kayo magkakilala o magkamag-anak ng taong yun?” Sandaling natahimik si Lumi at tila ba nag-iisip ng isasagot. “That’s possible to happen Mr. Elizalde. May nakikita nga ako na ganun. Though I don’t know how that happens.” Napatango-tango siya at nginitian ang sekretarya. “Thanks. And by the way, are you done preparing the reports that I asked you?” “I’m almost done with it, Mr. Elizalde. After lunch I can give it to you.” “Good. I’ll wait for it,” aniya at dumiretso na ng pasok sa office niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya pagkaupo at niluwagan ang neck tie na suot. Napasandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata. ‘So it’s possible, huh?’ he thought to himself. Jewel was right. Sadyang mapaglaro nga ang tadhana. To think that it found a way to make his and that woman’s path crossed together. Ang tanong lang na gumugulo sa isipan niya ay para saan at pinagtagpo silang dalawa? Para lang ba maligalig ang mundo niya? No, he didn’t need that especially at this time. PINANOOD ni Winter ang kaibigan niyang si Emma habang tuwang-tuwa itong nakaharap sa salamin. Suot nito ang bagong damit na binili nito kanina lang sa mall. May date ito bukas kaya ganun na lang ang ginagawang paghahanda nito. She let out a sigh. “Pang-ilan mo na ba yan, Emma?” tanong niya dito ng hindi na siya makatiis. Tinapunan siya nito saglit ng tingin. “Ang alin ba ang tinutukoy mo?” “Yung ka-date mo bukas. Wag mong sabihin na bagong boyfriend mo na naman yun. Aba, hindi ba kaka-break niyo lang ni Brent last month? Ang bilis mo naman yata maka-move on.” Emma giggled, “I can’t help it, Winter. Super bait kasi ni Jacob kaya ayun, nahulog agad ang loob ko sa kanya.” She rolled her eyes at her friend. “Alam mo ang rupok mo din ‘no? Kaunting pakita lang sa’yo ng kabaitan at unting pa-sweet lang gusto mo na agad.” Sumimangot si Emma. “Whatever,” mataray nitong sabi at saka bumalik ulit sa pagtingin sa salamin. Ang iba nitong binili na damit ay sinubukan na din nitong suotin. “Palibhasa kasi ikaw hindi pa nagkaka-boyfriend kaya mo nasasabi yan.” “Anong connect nun?” Napahinto si Emma saglit at naupo sa tabi niya. “Tell me, have you ever fallen in love with someone?” Nagulat siya sa tanong ng kaibigan at hindi kaagad nakasagot. Iniwas niya agad ang tingin dito. “I… I don’t know,” she replied. Hindi niya naman masasabi na love talaga ang naramdaman niya noon sa ibang lalaki. It was more like an admiration or crush. Narinig niyang bumuntong hininga ng malalim si Emma. “Naaawa ako sa’yo, Winter. Baka naman tumanda ka niyang dalaga. Tingnan mo nga hanggang ngayon wala ka pa din boyfriend. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip na baka hindi talaga lalaki ang type mo at—” Hinampas niya agad sa braso si Emma. “Baliw ka talaga,” natatawa niyang sabi dito. “Aray naman!” reklamo nito habang hinihimas ang braso nito. “Sinasabi ko lang naman. Tanggap pa rin naman kita kung sakaling ganun nga.” “Ewan ko sa’yo,” natatawa pa din niyang sabi. “But seriously, Winter. Wala pa bang lalaki ang nakakakuha ng atensyon mo? Don’t you have someone you like right now?” Hindi na siya umimik. Bigla niyang naalala ang lalaking nakita niya sa mall. She was certain they had already met. Ito ang lalaking nakita din niya noon sa cemetery ng binisita niya ang puntod ng ama niya. She didn’t know why but she felt as though her heart was being pierced by a thousand knives every time she would remember his cold gaze.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD