Chapter 03

1150 Words
TAHIMIK na pinapanood ni Winter ang mga katrabaho niya habang nag-uusap ang mga ito. Nakikinig siya sa mga ito at siya naman ay nasa sulok lang. It was their break time. “Wow naman, Sandra. Ang sweet naman ni Kevin para regaluhan ka ng mamahaling kwintas,” rinig niyang sabi ni Amy. Ngumiti ng sobrang pagkatamis si Sandra. “I know, right. Actually matagal ko ng gusto itong kwintas na ito kaso hindi ko lang mabili dahil mahal. Kaya nga nung nalaman ni Kevin ay binili niya ito para sa akin.” “Sana all may mayaman na boyfriend,” kinikilig pang sabi ni Amy habang tinitingnan ng maigi ang kwintas ni Sandra. She smiled bitterly. Hindi niya maiwasan ang mainggit kay Sandra. She had this sweet and loving boyfriend. Bukod pa dun ay mayaman din ang boyfriend. Hindi naman super yaman pero siguro may kaya lang talaga. At kung itatro niya nga si Sandra ay para itong prinsesa. “Oy, Winter. Bakit ang tahimik mo dyan sa sulok?” puna ni Jessa. “Nagmumuni lang,” sagot naman niya. “Ang sweet ng boyfriend niya ‘no?” ani Amy. She nodded her head. “Yeah, ang swerte mo sa boyfriend mo, Sandra. Wag mo ng pakawalan yun,” ang sabi naman niya dito. Lumapit sa kanya si Sandra at siniko siya sa tagiliran. “Ikaw ba wala ka pa din boyfriend. Wala pa din ba na nangliligaw sa’yo?” A soft chuckle escaped her lips. “Wala pa, eh,” sagot niya at napakamot ng batok. “Though hindi naman ako nagmamadali.” “Sige ka, tatanda ka niyang dalaga,” biro naman ni Jessa. Natawa na lang siya sa sinabi ng katrabaho. Hindi na lang siya kumibo. Nang tingnan niya ang oras ay tapos na pala ang fifteen minutes break nila kaya tumayo na siya at bumalik na ulit sa trabaho. BINUKSAN ni Winter ang isang balot ng malaking tsitsirya at tiningnan ang kaibigan na si Emma. Abot tenga ang ngiti nito. Hula niyang tungkol sa date nito ang dahilan kung bakit siya nito pinuntahan sa bahay niya. “Winter!” kinikilig na sabi ni Emma. She arched her eyebrows at her. “Ano na naman yan? Ano bang nangyari sa date niyo at ganun na lang abot tenga ang ngiti mo?” Kumuha muna si Emma sa tsitsirya na kinakain niya bago siya nito sinagot. “Wala lang. Ang sweet lang kasi ni Jacob kanina sa date namin. As in super gentleman. Hindi talaga ako nagkamali na sagutin siya.” Ibinato niya ang isang chip sa kaibigan niya. “Bwisit ka!” inis niyang sabi dito. “Akala ko kung ano na, yun lang pala? Ewan ko sa’yo. Siguraduhin mo lang na magtatagal kayo niyan ni Jacob. Baka sa simula lang yan,” saway niya dito. “Tse!” singhal nito sa kanya. “Kaibigan ba talaga kita at hindi mo man lang ako sinusuportahan?” “Oo,” she replied, rolling her eyes. “Paulit-ulit na lang kasi kitang nakikita sa ganyan sitwasyon, Emma. Ang bilis mong mahulog. Sa huli ikaw din nasasaktan.” Hindi nakasagot agad ang kaibigan niya. Patuloy lang ito sa pag kain sa tsitsirya na kinakain din niya. Mamaya lang ay napabuntong hininga ito. “Eh, sa ganito talaga ako.” Napakamot siya ng ulo sa naging tugon ni Emma. “Basta ang sinasabi ko lang wag masyadong marupok. At saka yang Jacob na yan pag sinaktan ka niyan, sinasabi ko sa’yo, hu-hunting-in ko talaga siya.” Napabulanghit naman ng tawa si Emma. “Oh my gosh, Winter! Ito ang unang beses na narinig kitang nagsabi ng threat.” She shrugged her shoulders. “Well…” “Anyway, may kaibigan pala si Jacob na single pa. Gusto mo bang ireto kita?” nakangising tanong sa kanya ni Emma. Umiling siya kaagad. “No way! Ayoko ‘no. Sa iba na lang,” mabilis niyang tanggi. Sumimangot naman ang kaibigan niya. “Tita! Pwede niyo po bang pagsabihan itong anak niyo. Parang wala pa din po yata itong balak na magka-boyfriend.” Mula sa kusina ay lumapit sa kanila ang kanyang ina. Pinunasan muna nito ang basa nitong kamay. “Hindi ko din ba alam dyan sa kaibigan mo, Emma. Parang ayaw niya yata akong magka-apo.” “Nay naman,” nahihiya niyang sabi. Her mom laughed softly. “Biro lang, anak. Kung ayaw mo naman at wala pa talaga sa isip mo ang mag-boyfriend ay hindi naman kita pipilitin. Pero siguraduhin mo lang na pag nagka-boyfriend ay mabait yung lalaki. Kilitasin mo munang maigi.” She didn’t answer. Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng lalaki na nakita niya noon sa mall. She didn’t know why but she wanted to see him again. Posible ba kaya na mag-krus ulit ang landas nila? Or was it just a coincidence na nagkita ulit silang dalawa sa mall? “Oy, anong nangyari sa’yo at bigla ka na lang natahimik dyan?” Hindi niya pinansin ang tanong nito, but instead she asked Emma a question. “Naniniwala ka ba sa love at first sight?” A frown creased Emma’s forehead then her lips curled into a grin. “Why, do you already have someone you like right now?” “Ay, ewan ko sa’yo, Emma. Tinatanong kita tapos tanong din isasagot mo sa akin.” “Ikaw naman,” anito at natawa ng bahagya. “Wala naman masama magtanong, di ba? Na-curious lang kasi ako at bigla ka na lang nagtanong ng ganyan.” “Bigla lang pumasok sa isip ko,” dahilan na lang niya. “Well,” Emma started and shrugged her shoulders. “I don’t know about it. Hindi ko pa naman na-experience yun. But some say love at first sight is real. Bakit mo ba kasi biglang natanong?” Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan at natahimik na lang. ILANG araw na ang lumipas simula ng huli silang magkita ng lalaking yun. Aaminin niyang hinihiling niya araw-araw na magkita ulit sila. Gusto niya itong makausap at makilala ng lubos. She wanted to know the reason behind the sadness in his eyes. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganito sa isang estranghero. ‘Weird,’ she thought to herself. Maski rin ang una nilang pagkikita. When their gazes met, time stood still and things went into slow motion. Akala niya sa palabas niya lang makikita ang ganun. But then it happened to her. “Oy, Winter. Anong nginingiti mo dyan?” Napalingon siya kay Jessa. “Huh? Hindi naman ako nakangiti,” tugon niya. “Aysus,” nakangisi nitong sabi. “Wag mo ng i-deny. Kitang-kita ko kaya.” Natawa na lang siya at napailing-iling. Sa pag-iisip niya tungkol sa estranghero na yun ay hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya. But she just wanted to see that man once again. “Inspired ka na ba?” “Ano bang klaseng tanong yan?” balik tanong niya dito. “Hindi ko alam kung bakit atat na atat kayo na magka-boyfriend ako.” Si Jessa naman ang natawa. “Wala naman masamang magtanong, di ba? Para ka kasing baliw na nakangiti mag-isa dito.” “May naalala lang kasi ako na nakakatawa,” she lied. As if naman na sasabihin niya dito na isang lalaki ang dahilan sa likod ng ngiti niya. Magsasalita pa sana si Jessa pero hindi na nito natuloy dahil may biglang may pumasok na customers. Kaya naman napahinto din sila bigla sa pag-uusap para i-entertain ang mga ‘to. “Hello—” Anuman sasabihin niya sana ay naputol at nahalinhinan ng malakas na pagsinghap nang makita ang isa sa dalawang customers na pumasok. At sa muling pagkakataon ay bumilis na naman agad ang t***k ng puso niya. Her face lit up in happiness. It was that man again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD