NAKAGAT ni Winter ang labi upang pigilan ang sarili na mapangiti. Parang kanina lang ay hinihiling niya na makita ulit ito at heto nga nasa harapan na niya ito. Hindi pa nga lang nito napapansin ang presensiya niya dahil busy ito sa pagtingin sa mga alahas.
“Lumi, can you—” Napahinto ito sa pagsasalita ng magtama ang mga mata nila. May ilang sandali din sila nagtitigan bago ito nag-iwas ng tingin agad. “Lalabas muna ako, Lumi. May tatawagan lang ako saglit. I’ll leave that to you.”
Ngumiti ang babaeng kasama nito. “Yes, Mr. Elizalde.”
Kumunot ang noo niya. Her heart sank when he just went out of the store, not even giving her a glance. Hindi yun ang inaasahan niyang reaksyon mula dito. Napabuntong-hininga na lang siya at nilapitan ang babaeng kasama nito.
“Hi. Can I help you with anything?” nakangiti niyang tanong dito.
The woman lifted her head and smiled, “Oh, can I look at this necklace?”
“Sure. Wait lang,” magalang niyang sagot dito. “Here you go,” aniya at inabot dito ang tinuro nitong isang diamond necklace.
Tinitigan nitong maigi ang necklace saka bago ulit tumingin ng iba pang necklace na naka-display. “Ah, how about that one. Can I also see that?”
“Yeah, sure. Let me get it out for you.”
“Thanks,” anito at saka kinuha sa kanya ang isa pang necklace. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawang kwintas.
“Para kanino po ba ang kwintas?” she asked curiously.
“It’s a birthday gift actually,” sagot ng babae na hindi man lang siya nilingon.
She nodded her head at hindi na ulit nagsalita. Hinayaan na lang niya muna ito na mamili sa dalawang kwintas. Tumingin siya sa labas ng store pero hindi niya na makita ang lalaki. Mr. Elizalde ang narinig niyang tawag ng babae kanina dito. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang kalamig at katalim ang tingin nito sa kanya—na ang dating sa kanya ay para siyang kinasusuklaman nito.
“Excuse me, how much is this?”
Ibinalik niya ulit ang atensyon sa babae. “Oh, wait, that would be…” Huminto siya saglit at may tiningnan mga list saka niya sinabi sa babae ang price ng necklace.
“Okay, I’ll get this one,” nakangiti nitong sabi.
Inaya niya ito sa counter at ibang tao na ang nag-asikaso dito. Lumabas muna siya saglit ng store at tumingin kaliwa’t kanan pero maski ng lalaki ay hindi niya nakita. Bagsak ang mga balikat niyang bumalik ulit sa loob. Nakita niya nga ito ulit ngunit saglit lang. Mas mabilis pa sa alas kwatro ito na naglaho.
MATALIM ang tingin ni Noah habang naglalakad siya pabalik sa parking area. Nagdahilan na lang siya kay Lumi na may tatawagan pero ang totoo ay gusto niya lang umiwas. Never he was expecting he would see that woman again. Malakas siyang napamura. This is the third time na nagkita ulit sila ng babaeng yun. Nang-aasar ba talaga ang tadhana?
Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok sa loob. Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga at saka pinikit ang mga mata. Was there a reason at pilit silang pinagtatagpo ng babaeng yun?
“Aalis na po ba tayo, Sir?”
Nagmulat siya ng mata at tiningnan ang driver niyang si Mark na nasa unahan. “No, not yet. Wala pa si Lumi.” He sent his secretary a message telling her that he went straight back to his car. Kung sakaling magtanong man ito mamaya ng dahilan ay sasabihin na lang niya dito na biglang sumama ang pakiramdam niya.
May ilang minuto din ay natanaw na niya si Lumi na naglalakad patungo sa sasakyan. Binuksan nito ang pinto at sa tabi niya umupo.
“Were you able to buy a gift?” tanong niya agad dito.
Lumi smiled at him. “Yes, Mr. Elizalde. Here, take a look,” wika nito at inabot nito ang necklace box.
He opened it, and a satisfied smile crossed his face. “It’s beautiful. Maganda talaga ang taste mo pagdating sa mga alahas, Lumi. I’m sure magugustuhan ito ni Ms. Reynolds,” aniya na ang tinutukoy ay ang isang VIP member nila and who was also a close friend of him. Sa susunod na araw na ang kaarawan nito at nag-decide nga ito na sa hotel na mismo ice-celebrate ang birthday nito.
“I’m sure of that since mahilig sa jewelries si Ms. Reynolds.” Ibinalik niya ulit kay Lumi ang necklace box. “Bago ko po pala makalimutan, Mr. Mendoza is asking me for an update about the proposal he sent.”
“Oh, that.” Muntik na niyang makalimutan ang tungkol dun. “I’ll check it later. Hindi ko pa actually nababasa ang proposal.”
“Noted, Mr. Elizalde.”
He gazed out of the window. Ang isip niya ay nasa babae kanina. Now he found himself intrigued by her. Sino nga ba ang babaeng yun na kahawig ni Jewel?
NAPAKUNOT ang noo ni Noah nang pagdating niya mula sa office ay naabutan niyang umiiyak ang anak. Ang ilang kawaksi naman ay hindi malaman ang gagawin kung paano mapapatahan ang anak niya.
“What’s happening here?” tanong niya agad at nilapitan si Kestrel na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.
“Eh, kasi sir, ayaw niyang kumain. Hinahanap niya si mam.”
Natigilan siya bigla sa narinig na sagot ng isang kawaksi. His heart broke into pieces as he saw his son longing for his mom. “Ako na ang bahala dito,” aniya. Tumango naman ang mga ito at iniwan na silang dalawa ng anak niya. Pinunasan niya ang luha nito.
“Kailan po natin makikita si mommy, daddy?”
He breathed deeply as he watched his son. “I’ve already told you, right? Wala na si mommy,” mabigat sa loob na sagot niya.
“No! Nakita natin sa mall si mommy. Hindi mo lang pinansin siya.”
“That’s not her. It was someone who looks like your mom.” He sighed. Tiningnan niya ang nakahandang pagkain sa la mesa. Without Jewel, this house that once had been lively felt like an empty box now. “You should eat, Kestrel. Ayaw ni mommy ng pasaway, di ba? Your daddy is here. Sabay na tayong kumain.”
Umiling ito. “Mommy first.”
He raked his hand through his hair. Hindi na niya alam ang gagawin. If only Jewel was still here. Kung hindi lang sana ito nagmatigas ng ulo noon ay baka kasama pa nila ito ngayon.
“Can she be my mommy?”
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ng anak. “What do you—No, Kestrel. She can’t be your mommy.”
“Pero gusto ko po siya, daddy. I wanna see her again. Please, daddy?”
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng anak. Tumigil na ito sa pag-iyak. “You know I can’t say no when you ask me like that, Kestrel. Magiging good boy ka na ba ulit pag nakita mo ulit siya?”
Mabilis na tumango ang anak niya. “Yes po, daddy.”
“Okay, I’ll look for that woman again,” sagot niya.
Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ni Kestrel. “Talaga po, daddy?”
He nodded, “Yeah, so be a good boy na bago pa magbago ang isip ni daddy. Kumain ka na.”
“Okay po, daddy!”
Napangiti siya nang makitang hindi na matamlay ang anak. Kung gusto talaga ulit makita ni Kestrel ang babaeng yun ay pagbibigyan niya ang anak. Kahit ba ayaw niyang makita ang babaeng yun, if that would make his son happy, he’d do it.