NARINIG ni Noah na bumukas ang pinto ng office niya at pag-angat niya ng mukha ay nakita niyang pumasok sa loob ng office si Keith.
“Have you finally got the information I need?" tanong niya agad dito.
Ngumiti ito at tinaas ang envelope na hawak. “Ako pa ba?” Lumapit ito at inabot sa kanya ang dala-dala.
He took the envelope from his hand. “What did you find out? Is there anything interesting about her?”
Keith shook his head. “Nothing. Aside from her resemblance to Jewel.”
Binuksan niya ang envelope at binasa ang laman nun. “Winter Brielle Claveria, huh? Well, she has a beautiful name,” he commented habang ang tingin ay nasa papel na hawak. Mas matanda dito si Jewel ng dalawang taon. Binasa niya ang lahat ng information na nakuha ni Keith tungkol dito but nothing particular caught his attention. “Are you sure this is all the information about her? Wala na ba talaga siyang ibang kapatid maliban dito sa Nathan na ‘to?”
“He’s the only sibling Winter has,” sagot ni Keith. “Ilang beses ko na din chineck yan, Noah. And I understand why you are acting like that. Maski rin ako ay nagulat nang makita ko siya. I even thought they were twins.”
Tinitigan niya ang ilang kuhang litrato nito at hindi niya maiwasan ang hindi mamangha. At habang tumatagal na tinitigan niya ang larawan nito, parang gusto niyang paniwalain ang sarili na si Jewel ito.
“Bakit biglang gusto mong malaman ang tungkol sa babaeng yan?”
“I don’t like her, Keith,” prangka niyang sagot sa kaibigan. “Hindi ko kayang makita ang mukha ng babaeng yun. Seeing her is like rubbing salt in the wound. And yet, I’m still intrigued by her. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.”
“Her uncanny resemblance with Jewel was surprising actually. Ang akala ko ay namamalik-mata lang ako ng una kong makita ang babaeng yan.”
“Kestrel wants to see that woman again,” aniya.
Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Keith. “Your son knows that woman?”
“Yes,” he replied nonchalantly. “Si Kestrel ang unang nakakita dito kaya tumakbo siya at tinawag na mommy ito. Kinailangan ko pang iuwi agad si Kestrel dahil kung hindi baka magwala pa ito sa mall.”
“Naiitindihan ko rin bakit ganun ang reaksyon ng anak mo. He misses his mom already.”
Bigla naman bumukas ang pinto ng office niya. His brows furrowed when he saw Diane. Kaagad niyang ibinalik sa loob ng envelope ang mga litrato ni Winter at ang ilang mga papel.
“May bisita ka pala,” ang sabi nito pagkakita kay Keith.
Nilingon ito saglit ni Keith saka ulit ibinalik ang tingin sa kanya. “Alis na ako,” paalam nito.
“Thank you, Keith,” sagot niya.
Sinundan naman ng tingin ni Diane si Keith hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng office niya. “He’s a P.I, right? At sino naman ang pinaimbestigahan mo sa pagkakataon ito?”
He stared at her for a moment before replying coldly. “That’s none of your business, Diane.”
She pouted her lips. “Oh, come on, Noah. Why do you always have to be so mean at me? Hindi ba pwedeng kahit minsan man lang ay maging mabait ka sa akin?”
Niluwagan niya ang tie niya. He felt suffocated being inside a room with this woman. “I’m sorry to tell you but that will never happen. Not even in your dreams.”
Tumaas ang kilay nito. “Kung hindi lang talaga kita gusto ay hindi ako magtitiis ng ganito. I don’t deserve this kind of treatment.”
“At sino bang nagsabi sa’yo na gustuhin mo ako? You already know that I’m mar—” he stopped midsentence. He almost forgot that he was already a widower.
Diane smirked. “Bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo? Oh yeah, patay na nga pala si Jewel. You’re now a widower. So it means, you can marry again if you like.”
His eyes narrowed at her. “Dream all you want but I still won't marry you. Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo noon na isang tanga ang magkakagusto sa’yo. And I’m not that stupid, Diane to fall for someone like you.”
“Oh, damn you, Noah!” sigaw nito at napatayo bigla.
“Oh, yes I'll be damned if I marry someone like you! It is like you’re asking me to live in hell,” he said through clenched teeth.
Hindi ito sumagot pero nakita niya ang pagkuyom ng kamay nito. Tumalikod ito at lumabas ng office niya na wala man lang paalam.
“GOODBYE! Ingat kayo,” nakangiti niyang sabi sa ilan niyang mga kasama bago sila tuluyang maghiwalay.
“Mag-iingat ka din, Winter,” si Amy. “Bukas ulit.”
Tumango lang siya. Pasado alas nwebe y media na din at pauwi na sila galing trabaho. May nasakyan naman siyang kaagad na bus at buti na lang may bakante pang upuan. Sa tabi siya ng bintana naupo.
Tiningnan niya ang mga pasahero na kasama niya sa loob ng bus. Lately she had this feeling that someone had been watching her. Or siguro guni-guni niya lang yun. Hindi niya alam.
Lumapit ang konduktor sa kanya at ibinigay naman niya ang bayad niya. Pagkakuha niya ng ticket ay ipinikit niya ang mga mata niya.
“May isang araw pa,” bulong niya sa sarili. “After this, pahinga na ulit.”
Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya pa ang kapatid sa sala. At gaya ng mga nakalipas ng gabi ay busy ito sa homework nito. Inikot niya ang tingin sa buong bahay at napakunot-noo.
“Nathan, si ‘nay nasaan?” tanong niya.
“Nagpapahinga na sa kwarto, ate. Pagod na pagod eh,” sagot nito.
Napatango-tango na lang siya. Inilapag niya ang bag sa upuan at naupo muna saglit. Pinagmasdan niya ang kapatid habang nagsusulat ito.
“Oo nga pala, ate. Pumunta dito kanina si Aling Martha at naniningil na ng upa.”
Napasimangot siya. Nawala pala sa isip niya ang pagbabayad ng renta. “Sige, puntahan ko na lang siya mamaya. Nakalimutan ko din kasi. Ang dami ko rin iniisip,” sagot niya at tumayo na din para magtungo sa kusina. She was already starving.
Pagkatapos niyang maghapunan ay dumiretso siya agad siya sa bahay ni Aling Martha para iabot ang bayad nila sa renta. Nasermunan pa siya nito dahil kung hindi pa sila pupuntahan ay hindi pa sila magbabayad. Humingi naman na siya ng pasensya dito at sinabing hindi na mauulit. Sadyang nitong mga nakaraang araw lang ay may gumugulo sa isipan niya.
Pabagsak siyang nahiga sa kama niya. Kinuha niya ang phone at may hinanap sa sss. Nakagat niya ang labi habang panay ang scroll. Hindi niya ito mahanap. But of course, tanging apelyido lang naman nito ang alam niya.
Winter sighed and stared at the ceiling. “Elizalde, huh?” she mumbled. That guy kept bugging her. Hindi niya ito maalis sa isipan niya. Bakit nga ba hindi niya tinanong ang babaeng yun kung ano ang pangalan ng lalaki? Base na rin sa pormal na pagtawag nito ay sigurado siyang hindi magkasintahan ang dalawa. She felt relief at that idea.
Napahikab siya at unti-unting bumigat ang talukap ng mata niya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog dahil na rin sa sobrang pagod.