NAGISING bigla si Liam nang mag-ring ang phone niya. With a groan, he reached for his phone on top of the bedside table. Kaagad niyang sinagot ang tawag. “Hello,” inaantok pa niyang bati. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya at tiningnan ang oras. Lagpas alas-dose na ng madaling araw. “Oopsie! Nagising ba kita, kuya?” Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang boses na iyon. “And what do you think?” sarkastikong tanong niya sa kapatid. “Do you know what time already is here?” He heard Samantha chuckle on the other line. “I know, I know,” natatawa pa rin nitong sabi. “It’s just that I thought you’re still awake doing God knows whatever it is.” He pinched the bridge of his nose, and threw a quick glance at the woman sleeping beside him. Mabuti na lang at hindi ito nagising sa tunog

