PINAGMASDAN ni Winter ang reflection niya sa salamin habang ginugupitan siya ng bakla. Nakatayo naman sa gilid si Emma. “Do we really have to do this?” tanong niya sa kaibigan. Tiningnan niya ang reflection ni Emma sa malaking salamin sa harapan niya. “Why, of course,” nakangiti nitong sagot. “I’m sure pasasalamatan mo ako after nito. Aba, tinutulungan na kita para naman mas maging attractive ang dating mo kay Noah.” She let out a sigh. “But I don’t think that this will help,” aniya. “At ano sa tingin mo ang makakatulong? Are you just going to wait? Ano ba naman yan, Winter? Sa sitwasyon mo ngayon, ikaw na dapat ang gumawa ng unang hakbang. Inaasahan mo bang basta-basta na lang niya makakalimutan yung namatay niyang asawa? Hindi ganun yun, Winter.” Natahimik siya. May punto naman ang k

