HINDI LUBOS maintindihan ni Winter kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ni Liam sa sinabi niya. Pero kung sabagay kahit noon pa man ay tila ayaw na rin talaga nito sa kanya. “How could you say something like that? Hindi kagaya mo si Noah na parang laro ang tingin sa pag-ibig,” singhal niya dito. Mapait na ngumiti si Liam. “Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin, Winter? Am I the devil and Noah is the saint?” Nakagat niya ang labi. Hindi niya sinasadyang saktan si Liam sa sinabi niya. “I-I didn’t mean it that way,” depensa niya. He sighed tremendously and ran his fingers through his hair. “Why him, Winter? Why does it have to be him?” Napailing siya. “Hindi kita maintindihan, Liam. Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo? Hindi ba dapat matuwa ka?” balik tanong niya rito. He clo

