Marco-2

1070 Words
"Kilala mo ko?" Gulat na tanong niya. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na tanging tumatakip sa hubad niyang katawan. Humakbang ang lalaki palapit. Wala sa loob na napaatras siya. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Anong malay niya kung tauhan ito ni Ramon? At maya maya lang, lilitaw na ang demonyong iyon. Hindi pa rin siya dapat magtiwala. Kahit sabihing gwapo ang lalaking kaharap. Kahit pinapainit nito ang pisngi niya. "Wala naman yatang hindi nakakakilala sa isang Savannah Cortez sa bansang ito," walang emosyong sagot nito habang patuloy sa paglapit. "Huwag kang lalapit!" hiyaw niya. Itinaas niya ang flower vase na hawak. "Put it down, Savannah," sabi nito sa pangalan niya sa kakaibang tinig. Tinig na tila bagong gising. Na para bang kakatapos lang mag make love. Ano ba ang naiisip niya? Nasa ganitong sitwasyon siya tapos make love pa ang naisip niya. Ganoon na ba siya katigang? Bente uno na siya pero wala pa siyang s*x life. Virgin pa rin siya hanggang ngayon. "Anong ginagawa ko rito? Nasaan ako?" hiyaw na tanong niya habang patuloy sa pag-atras. "Ibaba mo iyan at sasagutin ko ang lahat ng tanong mo." "Hindi! Anong malay ko kung... Kung tauhan ka pala ni Ramon!" "Ramon?" Kunot noong tanong nito. Napahinto ito sa paglapit. "Sinong Ramon?" muli nitong tanong habang nakatitig sa mga mata niya. Kahit sa malabong ilaw lang, masasabi niyang magaganda ang mata ng lalaki. Sino ba ito? Bakit napakagwapo at ang lakas ng dating? Bakit nabubulabog nito ang pagkatao niya? Sanay naman siya sa mga gwapong lalaki. Ang dami niyang nakakatrabahong gwapo at malalakas ang dating. Pero kakaiba ang dating ng lalaking ito. May kakaiba siyang nararamdaman dito. Atraksyon na hindi pa niya naramdaman kahit kanino. "Si Ramon Salazar ba ang tinutukoy mo?" igting pangang tanong nito at muling humakbang palapit. "Huwag kang lalapit!" muli niyang sigaw. Umatras pa siya nang umatras para makalayo. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang dulo ng paa niya sa may hagdan. Napatili siya. Binitawan niya ang flower vase. Bumagsak ito at nabasag sa lakas ng ingay. Mabilis siyang nalapitan ng lalaki at hinapit sa bewang para hindi siya tuluyang mahulog. Nagtitili siya sa takot at napakapit sa malapad na balikat nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng mga paa niya sa sahig. Binuhat siya nito nang walang kahirap-hirap. Inilayo sa may hagdan. Lumakad ito habang buhat siya. Mahigpit siyang nakahawak sa balikat nito. Magkadikit na rin ang mga dibdib nila. Narinig niya ang kakaibang kabog ng dibdib niya. Pumasok sila sa silid kung saan siya nagising kanina. Kumalat ang liwanag nang buksan nito ang ilaw. Nanlaki ang mga mata niya nang ibaba siya nito sa may paanan ng kama. Dumulas pababa ang kumot na tumatakip sa kanya. Napunta na sa bewang ang puting kumot. Nakalabas na ang dalawang dibdib niya at nakadikit sa puting t-shirt ng lalaki. Bahagya itong yumuko. Nadako ang mga mata nito sa hubad niyang dibdib. Nagtitili siya. Buong lakas niyang itinulak ang lalaki palayo at mabilis na hinila ang kumot para takpan ang sarili. Pabagsak siyang naupo sa kama. Tiningala niya ang lalaking walang ekspresyon sa mukha. Samantalang siya, mahihimatay na sa hiya. Dahil nakita nito ang dibdib niya. Hindi lang nakita. Nadikit pa. "As if naman na hindi mo ibinibilad sa publiko iyang katawan mo," may talim ang salita nito. "Hindi ko binibilad ang katawan ko sa publiko!" angil niya. Yes, she is one of the famous models in their country. Kumikita siya ng malaki gamit ang katawan niya. Pero hindi ibig sabihin noon ibinibilad na niya ang sarili. Most of her photos may daya. Lalo na ang mga bikini niya. Pero wala na siyang magagawa doon. Iba talaga ang tingin ng iba sa trabaho niya. Para sa kanya, walang mali sa pagpapakita ng katawan sa publiko. May respeto siya sa katawan niya. Hindi niya pinapakita ang hindi dapat. Wala siyang pakialam sa mga taong hinuhusgahan ang trabaho niya. Basta dito siya kumikita. Ito ang bumubuhay sa kanya. "Hindi ako batang mangmang, Miss Savannah," tuya nito. Masamang tingin lang ang pinukol niya rito. Hindi niya ugaling itama ang maling akala ng mga tao sa kanya. "Bakit ako narito?" tanong niya. Sa pagkakatanda niya, Marco Leonardo ang binanggit nitong pangalan kanina. Medyo pamilyar ang tunog. Hindi lang niya alam kung saan niya narinig iyon. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. Iba na ang tono. Tila nag-aalala bigla. Samantalang kanina tinutuya siya nito. "Nawalan ba ko ng malay?" Tumango ito. "Anong nangyari sa iyo at tumatakbo kang sira ang damit mo at walang sapin sa paa?" tanong nito. "Naglalaro ba kayo ng lover mo, then suddenly you got lost?" panunuya na naman. Nagkibit balikat siya. "Si Ramon Salazar ba ang lover na humahabol sa iyo?" patuloy nito. Matalim na tingin ang pinukol niya rito. "Ikaw ba ang naghubad sa akin?" pang-iiba niya sa usapan. Naiinis na naman kasi siya sa panunuya nito. "Yes," agad na sagot nito, may pagmamalaki pa. "Anong... Na... nakita mo?" utal-utal na tanong niya, kabado. "What?" "I mean..." Hindi niya magawang ituloy. "Punit ang damit mo, at wala kang malay. Kaya hinubaran na kita at ginamot ang sugat mo sa noo," sabi nito. Napahawak siya sa noo. May benda roon. Marahil nang mawalan siya ng malay kanina, tumama ang ulo niya sa semento. Buti na lang at hindi nabagok. "May mga sugat ka rin sa paa mo. Pinunasan ko na rin kanina at nilagyan ng gamot," dagdag pa nito. "Sa... salamat," nahihiya niyang pasasalamat. Estranghero ito. Pero nararamdaman niyang mabuting tao ito. Wala itong balak gawan siya ng masama. Kung may balak man ito, sana kanina pa, noong wala siyang malay. Lalo na't ito na ang naghubad sa kanya. "Magpahinga ka na muna. Bukas na lang natin pag-usapan kung ano man ang nangyari sa iyo. Don't worry, safe ka dito. Hindi ko type ang mga babaeng pinagpi-fiestahan ng mga kalalakihan ang katawan." Napaangat siya ng ulo sa huling sinabi nito. Anong ibig sabihin nitong pinagpi-fiestahan ang katawan niya? Dahil ba modelo siya at nagkalat ang mga larawan niyang halos hubad sa magazine at internet? Hindi na lang niya ito papatulan. Beside, mukhang safe naman talaga siya rito. Kailangan niya ng matutuluyan ngayong gabi. Kung aalis siya, saan siya pupunta? Baka mapahamak pa siya kung muling lalabas. Hindi lang nag-iisa ang mga taong katulad ni Ramon. Lalo na't hindi siya pamilyar sa lugar. "Marco, right?" tanong niya. "Marco Leonardo," confident na pakilala nito. "I'm hungry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD