Paglabas niya ng opisina nagtungo siya sa boutique kung saan naroon ang Mama niya at si Savannah. Kakatawag lang niya sa asawa kaya nalaman niyang naroon pa ang dalawa. Agad nga siyang sinabihan ng Mama niya na maghintay na lang siya sa labas ng boutique at huwag ng pumasok sa loob. Kilala niya ang Mama na mapamaihin pa rin kahit nasa modernong taon na ito. Habang nagmamaneho pasulyap-sulyap siya sa dalawang bouquet na nasa passenger seat. Dumaan siya sa suki niyang flower shop para bilhan ang Mama niya at si Savannah ng bulaklak. Wala siyang biniling cake o cookies para sa asawa, dahil nautusan niya kanina ang secretary niya na magpa reserve para sa kanila ng asawa. Nais niyang i date muna ang asawa ngayon. Hindi alam ni Savannah ang tungkol sa date na ito, biglaan lang kasi. Isa pa nais

