"Don't forget mamaya susunduin ka ni Mama pupunta kayo sa designer na kakilala niya para makapamili ka na ng wedding gown," sabi niya kay Savannah habang palabas na sila ng pintuan para ihatid siya ng asawa sa kotse. "Yes po. Ilang beses mo na po sinabi iyan," Savannah said sabay kurot pa sa pisngi niya. "Baka kasi makalimutan mo," sabi niya at sinandal sa kotse ang asawa para mahalikan ito sa labi ng mas matagal. Kahit araw-araw nahahalikan at naaangkin niya ang asawa, ay tila lagi pa rin siyang sabik rito. Katulad na lang kagabi matapos ang mainit nilang pagtatalik sa loob bathroom ay nasundan pa iyon sa may mini bar. Nakuha pa nga niyang magalit noong una, pero naunawahan naman niya ang asawa. Natutuwa rin siyang hindi naglilihim sa kanya ang asawa. "Marco, baka makita tayo ng mga ka

