"Marco, wait!" Pigil niya sa asawa na mabilis na bumaba ng bathtub. Nagbalot ng hubad na katawan at bago pa niya mapigilan tuluyan na itong lumabas ng pintuan. "Marco!" Tawag pa rin niya sa asawa. Napakibit balikat na lang siya. Alam niyang pwedeng magalit ang asawa sa ginawa niyang pakikipag-usap kay Francis, pero honest naman siya rito kaya nga sinabi niya at nagpapaliwanag siya sa asawa. Hindi na niya nagawang punasan ang basang katawan, basta na lang niya binalot sa roba at nagmamadaling lumabas ng bathroom para makausap ang asawa. Katatapos palang ng masarap na pagsasalo nila, tapos ganito na agad away na naman. Kaya nga sinasabi niya sa asawa para maiwasan ang gulo nila. "Marco!" Tawag niya sa asawa nang makapasok sa loob ng silid nila. Kumunot ang noo niya nang hindi makita ang

