DIANE’s POV Paalis na kami sa aming bahay pero wala pa rin ang anino ni Shadon. Hindi nangyari ang napag-usapan naming dalawa noong mga nakaraang linggo na sabay kaming pupunta sa pagdadausan ng aming graduation. Kapag kaharap naman sina Mommy at Daddy ay ngumingiti ako. Para sa kanila ang araw na ito. Alam kong masaya sila dahil worth it ang lahat ng pagod nila para sa pag-aaral ako. Nakarating na kami sa venue at nakapasok na kami ni Mommy sa loob ng hall, pero wala pa rin si Shadon. Ang bilis naman niyang sumuko. Ayaw na niya talaga. Bakit kung kailan ito na ang araw na pinakahihintay namin dalawa, saka pa siya nawala? Baka ako lang ang naghihintay dahil umasa ako sa pinangako niya. Natapos ang graduation at nag-iiyakan ang mga kaklase ko dahil natapos na ang mga mahihirap na pi

