SHADON’s POV Pagkagaling namin mula sa boarding house ng Misis ko ay dumiretso na kami ng uwi sa Santa Monica. Hapon na rin naman kaya umuwi na kami. Busog pa ang lahat at dumaan na lang kami sa isang fast food chain para mag-take out. Masaya ako dahil pwede ko na ulit makita araw-araw ang Misis ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapalingon sa kanya. Nakatulog ang misis ko. Maaga kasing nagsimula ang exam nila kaya maaga siyang gumising. Maaga siyang nagpunta sa testing center. Okay na rin iyon para makapagpahinga siya. “Shadon, gusto mo bang palitan kita sa pagmamaneho? Baka ina-antok ka na.” Tanong sa akin ni Mang Jess. “Nakakahiya po.” Tugon ko rito. “Bakit ka mahihiya? Kami nga ang naka-istorbo sa iyo. Sige na, para makatulog ka kahit sandali.” Nasa expressway na kami kaya hindi

