3

1761 Words
DIANE’s POV Ako ang um-attend bilang kapalit ni Mommy para kalungin sa kumpil si Mae. Kaming dalawa ni Ate Zel ang magkasama at ang taga palengke na kinuhang Ninong ni Mae. Si John ang kinuha niyang Ninong. Anak ito nung nasa kabilang pwesto at inirereto ito sa akin ng Mama niya. Ayaw ko kay John. May hitsura siya, matangkad, at mukhang mabait pero hindi ko siya type. Kanina pa nga panay lapit nito sa akin pero hindi ko naman siya kinakausap. Pinaayos na ang mga kukumpilan at katabi kaming mga Ninang at Ninong. Hindi ine-encourage na maraming Ninang at Ninong. Hangga’t maaari ay isang pares lang. Si Mae ang kinuha niya ay isang Ninong at dalawang Ninang. Nag-volunteer kasi si Ate Zel kaya kinuha na rin siya. “Inaanak, dito tayo pumila. Dito ka! Excuse me! Isa lang daw po ang tatapat sa kumpilan.” Malakas ang boses nito at napa-atras si John at ito ang nakatabi ko. Itinabi rin niya ang kakalungin niya sa kumpil kay Mae. Napatingin ako rito. “Manong, dahan-dahan naman. Makadaan ka parang sa iyo itong lugar.” Sinungitan ko na ito. Nilingon naman niya ako. “May mali po ba sa ginawa ko? Hindi po ba ninyo narinig ‘yung sinabi po kanina? Isa lang daw po ang tatapat sa aanakin natin. Saka hindi po Manong ang pangalan ko.” Mahinang sagot nito sa akin. Halos ilapit na nito ang mukha niya sa akin para marinig ko ang sinasabi niya. “DJ, hindi naman si Manong ‘yang kausap mo. Tingnan mo ang damit niya, hindi tulad ni Manong. At ang kulay ng kanyang mga mata ay iba rin kay Manong.” Tiningnan ko itong muli. “May problema po ba, Miss Cutie?” sambit nitong muli sa akin. Napailing ako sa sinabi niya. Pero ang boses kasi niya katulad nung kay Manong. Ganoon ‘yung boses niya. Parang mas mabait pa sa kanya si Manong. May pagka-antipatiko yata ito. Sana si Manong ang tumawag sa akin na cutie. Hindi siya. “Sorry po. Akala ko po ikaw ‘yung nagdedeliver ng gulay sa amin. Diane Jessica po ang pangalan ko at hindi cutie.” Pagtatama ko pa rito. Parami nang parami ang tao kaya naman nagsisiksikan na. Panay rin ang urong nito papunta sa akin. Nasasagi na ang aking katawan nito. Pero marami talaga ang tao kaya hindi ko rin masigawan. Nakaharap ka kami sa unahan kaya nasa likod na niya ako. At sa pag-urong niya, tumatama na ang mayaman kong dibdib sa likuran niya. Hindi naman ako maka-urong pa dahil naiipit na rin si Ate Zel. Umalis na nga si John dahil naiinitan na ito. Hindi na kinaya ang halo-halong amoy ng mga tao rito. Hindi nga siguro si Manong itong nasa harapan ko kasi hindi matapang ang pabango niya tulad ng gamit kahapon ni Manong. “Miss Cutie, bakit mo ako tinawag na Manong? Sino po ba ang tinutukoy ninyo?” Pilit akong nililingon nito kahit ibang sikip na. Hindi pa nakuntento at humarap na sa akin. Magkaharap kami nito kahit na masikip ang pwesto. Jusko po, magkadikit na ang aming katawan na dalawa. Nasa may taas ng tiyan niya ang aking mga svso at ano ‘yung matigas sa tapat ng aking puson? Ito na yata ang kanyang p*********i. Bakit naman titigas? Ang init dito at lahat naman ay balot na balot. “Pwede ka naman nakatalikod. Bakit ka pa humarap? Kamukha mo po kasi si Manong ‘yung nagdedeliver po ng gulay sa aming pwesto. Pwede ka na pong tumalikod ulit.” Wika ko rito. “Talaga? Sino mas gwapo sa amin?” tanong pa niya sa akin. “Hindi ko alam. Bakit mo pati itinatanong ‘yan? Tumalikod ka na at may sinasabi si Father.” Wika ko rito pero hindi pa rin siya kumilos. “Ate Zel, palit po tayo ng pwesto.” Kung ayaw niya kay Ate Zel na lang ako makipagpalit. Mabilis pa sa alas-singko na tumalikod ito. Tumanggi rin naman si Ate Zel dahil lalaki ang nasa harap ko. May pagka-manang din si Ate. Dahil tumalikod na siya, hindi ko na rin pinilit si Ate Zel. Iba talaga feeling ko rito sa lalaking nasa harapan ko. Iba talaga ang pakiramdam ko rito sa lalaking ito. Parang siya si Manong – ang kumuha ng first kiss ko. Pero iba ang mata niya at ayos ng buhok niya ngayon. Pati nga pananamit. Nakakahiya rin kung magkamali ako. Hindi ko alam kung papansin ba ito? Kaya isa pang nakakapagtaka dahil ang Manong na kilala ko ay pino kung kumilos. Ito hindi! May pa-selfie pa siya at talagang nagpapansin napatingin pa ako at nakita kong nakuhaan ako. Napakataas ba naman ng pagkakakuha niya. Basta may iba akong pakiramdam sa lalaking ito. Nang matapos ang kumpilan ay kadikit ko pa rin ito sa paglabas. Wala na ‘yung kinalong niya sa kumpil. Nakikisabay pa siya sa akin sa paglabas. Hindi lang ako sigurado kung kamay niya ang nasa likuran ko. Parang hinaharangan hindi naman kasi dikit na dikit sa katawan ko. Napapatingin ako rito at hindi nakaligtas sa akin ang paglabas ng dila nito para basain ang kanyang mga labi. Napalunok naman ako nang makita ito. Pero bakit? Bakit ganito ang reaksyon ko? Bigla akong nag-init. Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki. Si John nga kahit may pa-flying kiss pa minsan ay wala lang sa akin. Hindi ko pinapansin pero ito, parang ito ang labi na humalik sa akin kahapon. Walang nakakaalam sa nangyaring kiss except kay Manong at sa witness plus ako. Sikretong malupit talaga iyon. “Saan ang kainan?” tanong nito at sa amin talaga nakaharap. As if kilala niya kami. “Anong kainan? Mali po yata kayo ng sinabayan. Hindi po ito ang inaanak ninyo. Naligaw na yata kayo.” Dahil nasa labas na kami at maluwag na ay pinakatitigan pa ako nito. Tila may sasabihin siya pero hindi na niya itinuloy. “Ay, sorry! Akala ko kayo ‘yung kasabay ko kanina. Pero kung invite moa ko, Miss Cutie, willing naman akong sumama sa iyo.” “Feeling close? Kanina ka pa dikit nang dikit. Hindi kita gustong kasama. Ngayon lang kita nakita, malay ko ba kung masama kang loob at baka mamaya may baril d’yan sa bulsa mo.” Gusto ko lang makasiguro kung may baril ba siya o wala. Dahil kung wala, malamang sa malamang ang pagkalala ki niya iyong naramdaman ko. “Wala akong baril. Bakit mo naman natanong? Kahit tingnan mo pa o gusto mong hawakan? Pwede naman kahit alin sa dalawa.” Loko talaga ito. “Naku, aalis na po kami. Sayang ang oras ko sa iyo.” Masungit kong sambit dito at nagmadali na akong tumalikod dito. Nauna na sina Mae at Ate Zel. “Ingat, Miss Cutie! Ang sexy mo lalo kapag nakatalikod ka.” Sigaw pa nito. Maraming nagsasabi na sexy ako kapag nakatalikod. May pagka-chubby ako at biniyayaan pa ako ng hinaharap at likod. Kaya kapag nakatalikod ako, ang daming nagagandahan sa shape ko. Curvaceous daw ako. At isa na ang lalaking iyon sa nakapansin. Nasa sasakyan na kami nila Mae at Ate Zel. “Tingin ko talaga si Manong, ‘yon.” Wika ko sa kanila. “Hindi naman DJ. Ang layo. Pwede pa kakambal ni Manong. Kasi siya na nagsabi sa akin kahapon na hindi siya magkakalong kundi ang kapatid niya. Baka siya ang kapatid ni Manong at kakambal pa.” paliwanang ni Mae. Sumosobra na ang lalaking iyon at siya pa ang aming topic. Ang swerte niya at nabigyan pa namin siya ng oras. “DJ, matanong ko pala. Bakit naman nag-walk out ka bigla kahapon? Ano bang pinagtalunan ninyo ni Manong?” ani Mae. Pakiramdam ko ay namula bigla ako dahil naalala ko na nag-kiss kami. “Ah, eh, wala naman. Kailangan kong pumunta sa restroom. Di ba, sinabi ko na sa inyo kahapon?” Hindi talaga pwedeng ipagsabi. Secret lang iyon. “Hmm, aminin mo nga sa amin, crush mo si Manong, ‘no?” “Nandito na tayo sa tapat ng bahay ninyo. Nagugutom na ako.” Totoo naman dahil magtatanghalian na talaga. Bakit ko aaminin sa kanila? Mamaya tuksuhin pa nila ako tapos malaman ni Manong at kapag nalaman niya baka samantalahin niya ang nararamdaman ko. Liligawan at kapag sinagot ko na siya at may nangyari sa amin baka iiwan lang niya ako. Ayaw ko ng madaliang ligawan. Dapat paghirapan ng kung sino ang panliligaw sa akin. Dahil ang gusto ko, kung sino maging boyfriend ko ay siya na rin ang magiging asawa ko. Kaya lang, mag-abroad pa ako. Magkakawalay kami at magiging long distance relationship. At kapag nagkaganoon malamang gagawa ng kataksilan dahil wala ako. Basta, ‘yung manliligaw at gusto ng matamis kong oo dapat maghirap para malaman ko kung seryoso talaga. “DJ, mauubos mo ba ‘yang pagkain mo?” pun ani Ate Zel. “Nandyan sa labas si Manong!” sigaw ng isang taga-palengke rin. Napatingin bigla ako sa pinggan ko. “Ate Zel, hatiin mo ito. Dito ka na kumuha ng pagkain mo, dali!” sambit ko bigla rito. “Sabi mo kanina gutom na gutom ka. Anong nangyari at biglang nagbago ang isipan mo?” “Kinuha ko talaga ito para sa ating dalawa.” Bulong ko rito. “Mae, ito na ang inihihirit mo. May regalo ako sa iyo, ha! Hindi mo na ako hihiritan.” Napatingin ako rito at may binigay nga siya kay Mae. Nakalagay pa sa magandang lalagyan. Tuwang-tuwa naman si Mae at hinila niya si Manong para papuntahin dito sa kuhaan ng pagkain. “Tara na doon, Ate Zel.” Wika ko kay Ate. Bigla akong nainis. Hindi ko alam kung kanino ako naiinis? Basta naiinis ako. Hindi man lang ako tiningnan. Si Mae lang ang kinausap niya. Nakalimutan na ba niya na kinuha niya ang first kiss ko kahapon? Tapos ngayon balewala lang. Sana kahit pakitang tao na “hi” man lang. Pero wala siyang sinabi sa akin. “Mabutas naman ang paper plate mo sa diin mong tumusok ng pagkain.” Sita sa akin ni Ate Zel. Dito ko pala naibuhos ang aking inis. “Ang tigas po kasi.” Palusot ko pero may gusto na akong tusukin talaga. Ang arte pang tumawa nito. Ano ba sinasabi sa kanya ni Mae at tumatawa siya? Tumitingin si Mae sa amin dahil siya ang nakaharap pero hindi ko naman marinig ang sinasabi niya. At itong kausap ay panay ang hagikhik. Nakakagigil talaga. Bakit ba iyan nagpunta pa kasi rito? Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD