DIANE’s POV Anim na buwan ang review ko at pagkatapos ay ang pagkuha ko ng board exam naman. Ganoon din katagal akong mawawala rito sa amin. Panibagong gastos na naman ito para sa magulang ko kaya mas lalo kong gustong gusto ko na makapasa at para makapagtrabaho na sa ibang bansa. Hindi naman para sa akin iyon kundi para sa pamilya ko. Gusto kong tulungan ang parents ko para sa pagpapa-aral ng mga nakakabata kong kapatid. Dalawa pa ang kapatid kong nag-aaral. Ang isa ay nasa high school at isa nasa elemtarya pa lang. Bata pa naman ako. Hindi naman masama siguro kung mag-asawa ako ng thirty years old. Mga seven years akong mag-work sa Amerika para maka-ipon ng sapat na pera para sa mga kapatid ko. May nababanggit na si Shadon tungkol sa paglagay sa tahimik. Patay malisya lang ako kapa

