DIANE’s POV Simula ng ako ang tumao rito sa palengke ay halos kasabay kong kumain si Shadon simula almusal hanggang sa hapunan. Kung hindi kami kakain sa labas ay sa bahay siya nagdi-dinner. Okay lang naman na kumain siya sa bahay dahil libre ang sakay ko sa umaga at sa gabi. Safe pa akong nakakauwi. “DJ, hindi ba darating ang Ninong ko?” nagtatanong na ang kanyang inaanak. Sakto naman na tumunog ang phone ko. Isang mensahe ang natanggap ko at mula nga kay Shadon. “Hi! Nalulungkot ako na hindi ako makakarating ngayong lunch d’yan. Nandito sila Mommy at Daddy. Baka gusto mo na rito kumain sa bahay?” “Hello! Okay lang iyan. Minsan lang sila dumating kaya dapat enjoy-in mo na kasama mo sila. Sa susunod na lang kapag natapos na ang bakasyon nila. Baka kailangan muna natin maghiwalay par

