SHADON’s POV Excited na akong makita ang Misis ko kaya maaga pa lang ay nagtungo na agad ako sa Agency na pinuntahan niya para doon na lang ako maghintay. Ayos lang na ako ang maghintay kaysa mamuti ang mga mata niya kapag natagalan ako. Hindi na ako nagpa-abot pa sa rush hour. Kung abutan man kami sa pag-uwi ay okay lang – mahalaga magkasama na kaming dalawa. Tingin ko naman ang mga halik ko ang magsasabi kung gaano ko siya na-miss. Walang laman ang isipan ko kundi siya at ang oras na pagkikita namin na dalawang muli. Nagkukwentuhan lang kaming dalawa habang papunta sa restaurant kung saan ako nagpa-reserve. Lahat ng pagtigil namin dito sa Manila ay gusto kong maging memorable. Pagbalik namin sa Santa Monica ay sa bahay nila siya muli uuwi. Kaya nga gusto kong makasal kami para iuuwi

