DIANE’s POV Nandito ako ngayon sa bahay at hindi ako nakatulong kay Mommy sa tindahan namin sa palengke. Pag-uwi ko kagabi ay masama na ang pakiramdam ko. Uso yata ang sakit at dahil wala akong mask kaya madali ako mahawahan. Nag-message na ako kanina kay Shadon at alam na niya na may sakit ako. Sinabihan niya ako na uminom ng gamot at kumain. Sinunod ko naman. At alam ko rin naman ang dapat kong gawin dahil nursing student ako. Wala siyang sinabi na pupuntahan niya ako. Okay lang din naman sa akin na hindi siya pumunta para hindi ko siya mahawahan. “DJ, gising ka ba? May bisita ka rito. Nandito ang boyfriend mo.” wika ni Ate – ang kasambahay namin. “Sige po, ate. Lalabas po ako.” Sinuklay ko lang ang buhok ko at nagsuot ako ng facemask para hindi ako makahawa. Nakasuot lang ako n

