DIANE's POV Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapayakap kay Shadon sa tuwa. Kahit pinasan niya ako ay nagawa naming makalampas sa finish line. "Thank you sa pagpasan mo sa akin." wika ko sa kanya. Nakatingala pa ako sa kanya at ito naman ay nakatungo sa akin. Matagal na magkahinang ang aming mga mata. Naghihintay kung may gagalaw o mauuna. Kung ako ang kikilos ay kakailanganin kong tumingkayad pero tama ba na ako ang mauna? Pero ito ang gusto kong gawin. Bahala na kung salubingin niya ang mga labi ko. “Cut muna. Hindi pa pwede, Miss. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.” Anas nito sa akin. Inayos pa niya ng aking buhok na basa rin ng pawis. “Kailan iyon? Gusto mo ako, di ba? Hindi ka naman magpapagod kung hindi mo ako gusto, di ba?” unti-unti kong ibinaba ang paa kong nakatingkaya

