DIANE’s POV “Oh my!” impit kong tili pagka-alis ni Shadon. Itatago ko pa ba ang kilig sa dalawang kasama ko? Ang hirap kayang itago. Kanina pa ito habang papunta kami rito. Gusto niya talaga ako. Wala pa naman namimili at naka-ayos na ang dalawa. Lumapit ang mga ito sa akin at mga kinikilig din ang mga kaibigan ko. “DJ, kayo na ba ni Ninong?” tanong sa akin ni Mae. “Ninong?” paglilinaw ko pa rito. “Oo, Ninong ko si Manong Shadon. Dalawang pares ang kinuha ko nung kumpil ko para may partner din si Ate Zel ay Ninang Zel pala.” Hindi ko pa nga natatanong si Mae tungkol sa sweetness nila ni Shadon nung kumpiln niya. Pero ngayon alam ko na ang sagot. “Kaya kapag nagkatuluyan kayo, magiging ninang na rin kita. Kayo na ba?” dagdag pa ni Mae. “Hindi pa kami. Nanliligaw pa rin siya. May a

