5

1135 Words
SHADON’s POV Nakipag-kwentuhan na lang ako sa Tatay ni Mae habang ang magkakasama sa trabaho ay nag-iinuman. May iba pa silang kainuman na mga babae. Mayroon din para sa lalaki pero mas pinili ko na hindi talaga mag-inom dahil paano na si Diane kapag nalasing ito? Wala man kaming relasyon ay kailangan ko siyang ingatan. Ako na ang nagdesisyon na ihahatid ko siya kapag uuwi na siya. Malapit lang daw rito ang bahay ni Zel kaya mabilis lang siyang makakauwi. Pero si Diane ay may kalahating oras pa bago ang sa bahay nila. Alam ko kung saan siya nakatira. Sinabi na sa akin ni Mae. Tama rin iyon dahil may plano rin akong manligaw. Kailangan ko muna makausap ang kanyang Mommy bago ako manligaw kay Diane. Bago man sa akin ang lahat pero iyon ang alam kong tamang gawin. Kay Daddy Aki na rin nanggaling na huwag namin siyang gayahin. ‘Yung mauuna ang mga bagay na ginagawa ng may relasyon at mag-asawa. Kaya iyon ang basehan ko. Kailangan ko muna paghirapan ang matamis na Oo ni Diane. At una sa dapat kong ligawan ay ang parents niya. Wala naman akong sinasabi na hinihintay ko si Diane kaya hindi pa ako umaalis. Unti-unti na silang nababawasan dahil mga nalalasing na. Sa tono ng boses ni Diane ay lasing na ito. “DJ, sino sa manliligaw mo ang tipo mo?” tanong sa kanya ni Zel. “Wala! Wala naman sa nanliligaw sa akin ang type ko.” “Ibig bang sabihin na wala sa manliligaw mo kasi meron ka ng natitipuhan?” pagbabago ni Zel ng kanyang tanong. “Uy, pasimple ka Ate Zel, ha! Secret iyon at hindi ko sasabihin. Iniisip ninyo siguro na lasing na ako kaya sasabihin ko na ang sikreto ko. Hindi ninyo malalaman kung sino siya.” Nagulat pa ito sa sinabi niya at siya mismo napatakip sa bibig niya. “Meron ngang nagugustuhan ang dalaga. Magkakaroon ka na ng boyfriend, DJ. Akala ko ba ayaw mo pa?” “Wala naman akong sinabi na mag-boyfriend ako. Alam naman ninyo ang mga plano ko sa buhay. Importante pa rin para sa akin ang pamilya ko at ang pangarap kong magtrabaho sa ibang bansa. Iyon ang priority ko at hindi boyfriend. Kapag nandoon na ako sa Amerika, marami pa akong makikilala at baka nandoon ang aking forever.” Gusto kong umaray at hindi pa pala niya ako kino-consider. Baka hindi naman ako ang type niya tulad ng sinasabi ni Mae sa akin. “Sige, suportado ka namin sa plano mo. Alam naman namin na kasama kami sa papadalhan mo ng maraming chocolates at mga sapatos.” “Sige ba. Running shoes ang ipapadala ko agad sa iyo. Mae, may takbo tayo next week. Baka makalimutan mo. Ask ko pa ang friend ko kung tuloy siya para makisabay na lang tayo sa kanya. May sasakyan iyon.” Ani Diane. “’Yun ba yung friend mo na may gusto sa iyo?” paglilinaw ni Mae. Malinaw na malinaw sa akin ang mga pinag-uusapan nila. Hindi nabanggit ni Mae ang tungkol sa pagtakbo na sinasabi nito. Kung kailangan lang pala nila ng sasakyan ay pwede ko silang ihatid. Ako na lang at baka mamaya ay mapilitan pa si Diane na sagutin ang kaibigan niya. Kailangan kong makipaglapit sa kanya. Kailangan ako ang kasama niya sa fun run na pupuntahan nil ani Mae. “Mauuna na ako, DJ. Baka makatulog na ako rito kung hindi pa ako uuwi. Kailangan kong umuwi at maaga pa ang gising ko bukas. Kundi baka mapagalitan ako ni Nanay Donielyn.” Ani Zel at tumayo na ito. “Salamat, inaanak. Uwi na si Ninang. DJ, ingat ka mamaya sa pag-uwi mo.” sambit pa nito. Nagbeso-beso pa sila. “Bye, Manong. Nandito ka pa pala. Anong ginagawa mo? Hinihintay mong mawalan ng kausap si Mae? Ikaw ha!” wika nito sa akin. Lumapit naman si Mae. “Ninang, umuwi ka na at huwag kang mangulit diyan.” Hinawakan na it oni Mae at iginiya palabas ng bahay. Naiwan na lang si DJ at nagsunud-sunod ito nang tungga ng alak. “Diane, tama na iyan.” Awat ko na rito. Alam kong lasing na ito at ang ulo nito ay bumabagsak na. Nakabalik na rin si Mae mula sa paghahatid kay Zel. “Manong, ihatid mo na po si DJ at baka mapagalitan siya ni Nanay Donielyn. Hindi ka naman papagalitan ni Nanay Donielyn kung ikaw ang maghatid sa kanya. Basta ingatan mo, ‘Nong.” “Hahaha! Ayos lang sa iyo na ihatid ako ng manliligaw mo Mae? Manliligaw nga ba o kaya na? Baka naman may label na kayo pero hindi naman ninyo sinasabi sa akin. Tayu-tayo na lang ang narito, itatago ko ang sikreto ninyong dalawa.” Kung anu-ano na ang sinasabi ni Diane. Halatang wala na ito sa katinuan. “Tama na iyan, Diane. Wala kaming relasyon ni Mae at hindi ko siya nililigawan. Kung mayroon man ay sigurado ako sa sarili ko na hindi si Mae iyon.” Wika ko pa rito habang titig na titig ito sa aking mga mata. Si Mae naman ay pumasok sa kusina nila at kukuha ng maligamgam na tubig para mapunasan kahit ang mukha lang ni Diane. “Unfair naman kung may relasyon kayo ni Mae tapos nag-kiss na tayong dalawa. Mabuti na lang at hindi totoo ang iniisip pala namin ni Ate Zel. Sino ba ang nililigawan mo? May gusto ka na ba? Ako kasi may gusto na ako. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo. Pero kung pipilitin mo ako, pwede ko naman sabihin. Sa isang kondisyon!” inilapit pa nito ang kanyang mukha sa akin at itinaas ang isang daliri, Hindi naman ako makasagot sa kanya dahil lasing na lasing talaga ito. “Anong kondisyon?” nagtatakang tanong ko rito. “Kiss me, first! I-kiss mo ako ulit pero ayaw ko na ‘yung ganoon kabilis. Bakit kasi kung kailan ako nakapikit saka mo ako pinagbalakan na i-kiss? Hindi ako naniniwala sa ipis na sinabi mo. Maghapon kong hinanap ‘yung ipis pero wala. Kiss mo na ako. Gusto ko ‘yung kiss na sinisipsip ang mga labi. Tulad nung sa napanood ko. Wait kunin ko ang aking phone.” Sa kakahanap niya nung sinasabi niyang palabas ay dumating na si Mae pero hindi pa rin niya nakikita. Gusto ko sana na ako ang magpunas sa kanya, kaya lang ay lumabas din ang Inay ni Mae at nag-aalala ito sa dalaga. Baka kung ano pa ang isipin nito na hindi dapat. Sa ngayon ang kailangan ay mahimasmasan muna si Diane bago ko siya iuwi sa kanila. At walang pwedeng mag-uwi sa kanya sa ganitong sitwasyon kundi ako lang. Paano kung pinatulan ko ang sinabi niya na i-kiss ko siyang muli? Sino naman ang sasabihin niyang crush niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD