DIANE’s POV Nagising ako na masakit ang ulo ko. At mas lalong sumakit dahil hindi pamilyar ang kwarto na nagisnan ko. Pumihit ako sa magkabilang side ko para tingnan si Mae. Wala siya sa tabi ko. Hindi ito ang kwarto ni Mae. Ilang beses na akong nakapunta sa kanila at hindi ganito ang bahay nila. Ang ganda pa naman ng panaginip ko kagabi. Kasama ko si Shadon. Hanggang sa panaginip na lang kami pwedeng magsamang dalawa. Kasalanan ko ang lahat. Pero nangyari na ang lahat. Kung talagang para kaming dalawa sa isa’t isa. Tadhana na ang gagawa ng paraan para sa aming dalawa. Kumpleto naman ang suot kong damit at nasa ibabaw ng bedside table ang bag ko. Pero kaninong kwarto ito? Bumangon na ako at nagtuloy ako sa bathroom na narito rin sa loob ng kwarto. Maganda ang kwarto at maganda rin an

