DIANE’s POV Ilang buwan na kaming hindi nagkikita ni Shadon. Ang huling tawag niya ay noong nakita niya kami ni John at tumawag pa siya sa akin na si John ang sumagot. Mahirap at masakit. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako pero masasanay rin ako. Para sa kapakanan naming dalawa ito. Ayaw kong ma-pressure dahil matagal ko na itong pangarap. Bata pa lang ako at hindi ko pa siya kilala ay doon na papunta ang plano ko. Pupunta ako sa US at magtatrabaho. Pagbalik ko rito, sinisiguro ko na may sapat na akong ipon para hindi na ako muling bumalik at sa bayan na lang ako magtrabaho o di kaya ay magtatayo ako ng negosyo na ang mga items ay medical supplies. Sa pagtatrabaho ko noon bilang intern ay marami na akong nakilala na mga agent ng gamot. Kaya mas magiging madali sa akin kung pharm

