Nakasimangot akong tumingin kay Duke ng pumasok siya dito sa loob. Nakikita ko ring hindi maipinta ang pagmumukha nito. "Palabasin mo ako ng silid na ito!" asar na sigaw ko rito. Ngunit walang tugon mula sa lalaki. Nilampasan lamang ako at pumasok ito sa loob ng dressing room. Hindi naman nagtagal ay lumabas rin ito. Ngunit madilim pa rin ang mukha. "Bakit hindi ka kumain ng almusal?" "Ayaw kong kumain! Gusto ko ng mamatay," pabalang na sagot ko rito. Nag-igting ang bagang nito sa aking mga sinabi. Mabibigat ang mga paa na lumapit siya sa akin. Itinaas nito ang palad upang hawakan ang aking panga ng mahigpit. "Huwag mong sagarin ang aking pasensya, Jenny!" Tumingin ako sa mga mata nito. "Makakuha lang ako ng baril or kutsilyo ay magpapakamay na lamang ako," asar na wika ko. "G

