Pagkatapos kong mag shower ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Balak ko kasing pumunta sa silid ng mga babies ko. Kununot ang noo ng makita ko ang likod ni Duke na papasok ito sa loob ng library habang may kausap sa kanyang cellphone. Agad akong lumapit sa library upang malaman ko kung sino ang kausap ng magaling kong asawa. Nakaawang naman ang pinto kaya itinapat ko roon ang aking tainga. "Anong balita? Nalalam mo ba kung saan siya pumunta at kung sino ang kanyang kasama?" Kumunot ang aking noo. "Sino kayang kausap ng lalaking ito?" baliw na kausap ko sa aking sarili. "Saan gym siya nagpunta?" tanong ni Duke sa kaniyang kausap. Napatakip ako sa aking noo ng mahulaan ko na kung sino ang kausap ng asawa ko. Umiiling na lamang akong umalis sa harap ng pinto ng library. Talagang in

