"May business trip ako at baka isang linggo ako sa Us," paalam ni Duke. "Okay!" sagot ko sa lalaki. Hindi na muling nagsalita si Duke. Kaya tahimik na lamang akong sumampa sa kama at kinuhang muli ang cellphone ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na paalis na ito. Hindi man lang lumapit sa akin upang humalik bago umalis, tuloy-tuloy lang siyang naglakad papalabas ng kwarto namin. Malungkot akong tumingin sa kisame. Sobrang laki na nang pinagbago ng aking asawa. Siguro'y nagsasawa na nga ito sa akin. At baka isang araw ay magulat na lamang ako na papaalisin na niya ako rito sa bahay. Iyon ang kailangan kong paghandaan. Pero kung sakaling mangyari iyon. Ano kayang mangyayari sa aking buhay? Hindi kaya mabaliw ako lalo na kapag mawalay sa aking mga anak. Nakatulugan ko na lamang ang aki

