Nakasimangot akong nakatingin kay Duke habang inaayos ang mga gamit ng baby namin. Ngayon kasi ang kabuwan ko at hinahanda na nito ang mga gagamitin ko. Nakakainis kasi, kahit kabuwanan ko na ay hindi pa rin ako tinigilan at umisa pa rin ito. Ang katwiran nito ay para raw mabilis lumabas ang mga baby namin. Sobrang bigat din ng tiyan ko lalo at kambal ang magiging baby namin. Lalo nga itong natuwa ng malaman sa ultrasound na boy at girl ang magiging babies namin. Biglang napangiwit ang mukha ko nang humilab ang tiyan ko. Kaya napatingin ako kay Duke. "Duke!" malakas kong pagtawag dito. May pag-aalalang tumingin siya sa akin. "Manganganak ka na?" tanong nito. "Oo! Ang sakit-sakit ng tiyan ko!" sigaw ko. Nagmamadaling lumapit sa akin ni Duke at walang babalang binuhat ako niya papalaba

