'Dawalang linggo ang nagdaan. Sa ngayon nandito na kami sa mansiyon. Hindi naman kami nagtagal sa palawan. Isang linggo lang kaming nagtigil doon. Lalo at nag-aalala kami kay baby Dawson. Hindi ko rin kayang mawalay ng matagal sa baby ko. Tumingin ako sa aking katabi na si Duke. Tulog na tulog ang lalaki habang nakayakap sa'kin. Marahan kong inalis ang kamay niya sa sa bewang ko, dahil balak kong pumunta sa banyo. Tumayo ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya muling akong napabalik sa higaan. "Sweetie, anong nangyayari sayo?" tanong niya sa'kin ngunit may pag-aalala sa tono ng boses ng lalaki. "Wala naman nahilo lang ako," sagot ni Duke. "Mamaya ka na kasi bumangon sweetie," bulong niya at yumapos pa sa'king bewang. Ramdam kong may nabubuhay sa bandang ibaba ng lalaki. Lalo at wal

