“Be brave, Sweetheart, you have me...” Ang mga salitang ito ang pumawi sa lahat ng nararamdaman ko. Lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak ko sa t-shirt ni Heussaff at lumipat ito sa kanyang baywang. Mahigpit ko siyang niyakap at tahimik na sumunod sa bawat galaw ng kanyang katawan. Ilang sandali pa ay lulan na kami ng sasakyan nito, at marahil ay ang kanyang tauhan ang may gamit ng aking motor. Malaking pasasalamat ko talaga na nasa tabi ko si Heussaff, dahil sa kanya ay tila gumaan ang lahat para sa akin. “Yes, he’s right, kailangan kong maging matatag. Hindi ko dapat na hayaan na lamunin ako ng aking emosyon. I have him, at sapat ng dahilan ‘yun para kalimutan ko na ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko. Naisip ko rin kasi na kahit umiyak pa ako ng dugo ay hindi na maibabalik ang lahat.

