Chapter 8: Mindy's Birthday

1939 Words
Hindi ko naiwasan ang pagpatak ng luha ko nang makita kung gaano kaganda ang pagkakangiti ni Arthur habang hawak ang cake. Ang katotohanang sa unang pagkakataon ay may nakaalala ng birthday ko bukod kay manang ay tila ba isang panaginip sa akin hanggang ngayon. Nakangiti, lumuluha kong hinampas ang braso nya. Hindi ko alam kung paanong sasabihin ang pasasalamat sa kanya. Akala ko kagabi ay magiging ordinaryong araw lamang ito tulad dati pero heto ngayo't may sorpresa sa akin ang lalaking ilang araw ko pa lang nakakasama. Sa isang iglap ay parang napunan ng kaunti ang kakulangan sa puso ko. Nakakatawa, ano? Ang makita lang si Arthur sa harap ko at binabati ako ay nagbibigay na sa akin ng ibang saya. "Hipan nyo na ho, Ms. Mindy. Baka hindi na natin 'to makain." Nakangusong itinuro nya ang cake. Simple lamang iyon. Isang maliit na round cake, may mga disensyong bulaklak palibot at isang fondant flower sa taas ng nakasulat na happy birthday. Hindi mukhang mamahalin pero napakaganda. Agad akong lumapit sa kanya, pinagdaop ko ang mga palad saka pumikit. Wala akong ibang hiniling. Tanging mga salita ng pasasalamat lamang ang sinabi ko habang nakapikit. "S-salamat." Emosyonal na saad ko saka hinipan ang kandila. Kitang-kita ang tuwa sa mga mata ni Arthur nang ilapag ang cake saka ako alalayan maupo. Kinikilala ko ang mga inilalatag nya sa aking harapan. Bawat pagkain ay bago sa aking paningin pero hindi ko maitatangging nakakatakam. "Tikman nyo ho ito," salita nya. Nang mag-angat ako ng tingin ay hawak na nito ang isang tinidor at may nakatusok na kulay orange. Ah! Nakita ko na ito sa social media. Tatango-tangong tinignan ko si Arthur na mukhang tanga dahil sa laki ng pagkakangiti habang pinanunuod akong lunukin iyon. This is good ha? "It's egg waffle, right?" Tanong ko saka muling kumuha pero agad akong napatigil nang manahimik sya. Nagtatakang pinanuod ko syang ibaba ang kamay at umasim ang mukha. Did I do something wrong? "What?" "Kwek-kwek ho yan, Ms. Mindy. Wag nyo nang paartihin pa ang tawag," aniya na tila ba dismayado ang mukha. Kwek — ano?! Naiilang na tumawa ako saka sya tinanguan. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain bago pa topakin itong si Arthur. Lahat yata ng pagkain na nasa harapan ko ay natikman ko na pero nananatiling tahimik si Arthur. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko syang nakatitig lang sa kanyang kamay. Seryoso at mukhang malalim ang iniisip. "What's with the deep sign?" Tanong ko saka muling sumubo ng kwek-kwek daw. Ilang ulit kasi syang bumuntong hininga. Pansin ko ang pagmamadali nyang itago ang kamay sa likod kaya naman naisip ko na baka may itinatago sya roon. Hawak ang tinidor ay tumayo ako't nagpunta sa kanyang likuran pero tulad kanina ay mabilis nyang iniiwas sa akin ang kanyang kamay. "Ya! What's that?!" Tanong ko. Halata naman na may itinatago sya 'no! "Arthur!" Pagtawag ko nang mabilis nyang isinilid sa basket na naroon sa kanyang gilid ang bagay na iyon. Nang tangka kong abutin iyon ay mabilis nyang iniligay iyon sa pagitan ng kanyang mga binti. "Wala ho yon, Ms. Mindy." Pilit ang ngiting saad nya. "Then let me see." Inilahad ko ang kamay ko pero imbis na iabot sa akin ay kinuha nya ang kutsilyo saka humiwa ng maliit sa cake. "Pasensya na ho kayo't ito lang ang nakayanan ko ha? Pero masarap naman po iyan," saad nya at inilagay sa harap ko ang malaking parte ng cake. Sandali akong natigilan. Sinasabi nya ba na binili nya 'to gamit ang pera nya? Gusto ko sana syang kwestyunin pero parang nakakabastos naman yon, hindi ba? "Why is mine bigger than yours?" Nagtatakang tanong ko. Halos tatlong subo lang yata yung cake na kinuha nya eh. "Busog ho ako, Ms. Mindy." "Liar, Arthur." Marahas kong kinuha ang plato nya saka hinati sa gitna ang cake at ibinigay iyon sa kanya. Kita ko ang pagtutol sa mukha nya pero wala itong nagawa nang ipunas ko sa kanyang pisngi ang icing na pasimple kong kinuha kanina habang hinihiwa ang cake. Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo nang makita syang natigilan pero agad na nagbawi. Tuald ng inaasahan ay hinabol nya ako. Panay ang pagsigw nito na baka madapa ako at hindi nga sya nagkakamali dahil nang marating ko ang tuktok kung nasaan kami ay agad akong nawalan ng balanse't humalik sa damuhan. Pwe! Hindi masarap! Promise! "Ms. Mindy!" Malakas na sigaw nya saka mabilis na tumakbo palapit sa akin at inalalayan akong tumayo. "Ayos ka lang ho ba?" Kitang-kita ang pag-aalala sa kanya. Magsasalita pa lang sana ako nang— "Arthur!" Ramdam ko ang malamig na icing sa kabuuan ng mukha ko. Kakaunti lang ang nilagay ko sa kanya pero parang ang icing ng cake na ibinigay ko ang inilagay nya sa mukha ko! Rinig ko ang malalakas nyang paghalakhak habang papalayo. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko saka patakbong bumalik sa aming pwesto't kinuha ang bote ng softdrinks na naroon. "Arthur!" I shouted. Hinabol ko sya habang paulit-ulit na inaalog ang bote na hawak. Nang maging sapat ang distansya naming dalawa ay binuksan ko iyon saka hinayaan na umapaw at basain sya ng inumin. "Ms. Mindy, sayang yan!" Sigaw nya. Agad itong huminto at malaki ang buka ng bibig na tumingala't pilit na sinasalo ang inumin sa ere. Tumatawang bumalik ako kung saan nakalatag ang blanket at naupo. Hindi ko maramdaman ang pagod dahil pulos saya ang nagingibabaw sa akin. Basang-basa si Arthur sa coke nang bumalik sa pwesto namin. Mas lalo akong napahagalpak ng tawa nang makita na iba na ang kulay ng puti nyang damit. "Masaya ho ba kayo?" Tanong nya, nakangiti. Hindi nito iniinda ang lagkit ng inumin na dumikit na sa kanyang katawan. Tumango ako bilang tugon saka humiga. Ipinatong ko ang aking ulo sa dalawang braso at tiningala ang malawak na langit. Nang manatiling nakaupo si Arthur ay agad kong tinapik ang tabi ko. Nakangiti naman syang nahiga rin doon. "It's been a long time since I experienced this happiness again." Panimula ko. Nanatili ang nga mata ko sa bughaw na kalangitan. Pinanunuod kong magkarerahan ang mga ibon sa payapang tanawin na nasa aking harapan. "I thought partying, clubbing and man hunting is the most fun thing I ever did in my life but looking at the sky today—" ngumiti ako nang maalala ang unang beses na magpunta ako sa club, ang unang beses na matuto akong uminom. "—I think I missed half of my life." Nilingon ko sya. Hindi na ako nagulat pa nang makitang nakatingin na sya sa akin. Nanatili syang tahimik. Nang ibalik nya ang kanyang paningin sa kalangitan ay naiwan akong nakatitig sa kanya sa loob ng ilang minuto. "I wasted my life for nothing. Akala ko kasi nandoon ang saya sa clubs, party at kahit saan basta may alak at lalaki." Pagpapatuloy ko. Palihim kong pinunasan ang mga luha nang maisip kung bakit ako humantong sa ganoon. I always point finger dahil sa kinahinatnan ko, I was lost. No one's there to guide me on the right path. I always blame dad for how I turned out. He ignored me. He always put me aside mula nang mamatay si mom. Kaya naman I turned to those drinks na magdadala sa akin ng kasiyahan. But the happiness that the alcohol gives was just only temporary. Kapag humupa na ang tama ng alak nandoon nanaman ang kakulangan sa puso ko. "I wished I invested myself more on this kind of view and not wasted my life," saad ko saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. It was my fault kaya nagkaganito ako. When dad was ready to reach out for me, to take care of me, I isolated myself. I build a wall between us. Ngayon ko lang yata naamin na kasalanan ko kung bakit nagkaganito ako. "Hindi pa naman po huli ang lahat." Iyon lang ang sinabi ni Arthur pero parang buong pagkatao ko ay naipatindi nya sa akin sa sandaling panahon. Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang minuto. Dinadama ang malamig na hangin at minamahal ang pag-awit ng mga ibon sa mga punong nakapaligid sa amin. Sabay naming pinanuod ang paglubog ng araw. Wala na yatang mas sasaya pa sa araw na ito. Nang magdilim ay agad akong inalalayan ni Arthur na tumayo. Magkahawak ang kamay na sabay naglakad kami patungo sa sasakyan. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa aming nilalakaran. "Thank you," saad ko nang maiayos ang seatbelt. Nakangiting tumango pa sya muna sa akin bago nagsimulang magmaneho. Hindi ko maialis ang nga ngiti sa aking mukha hanggang sa marating namin ang bahay. "Kamusta?" Tanong ni Manang nang pumasok ako sa bahay. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Sa mga ganitong oras ko lamang nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina. Hindi ko naiwasang maging emosyonal nang mas lalo nyang higpitan ang yakap sa akin at haplusin ang buhok ko, "Happy birthday, anak," salita nya. Ramdam ko nang halikan nya ang buhok ko. "Magpahinga ka na muna, alam kong napagod ka sa naging lakad nyo. Tatawagin ko kayo kapag tapos na ang niluluto ko," dagdag nya pa. Pinunasan ko ang aking mga luha saka nakangiting tumango sa kanya. Nagtuloy ako sa kwarto at agad na naligo. Nang matapos ay mabilis akong bumaba para puntahan si Arthur. "Ate, nakita nyo po ba si Arthur?" Tanong ko sa isang katulong. Itinuro nya sa akin ang garden kung saan daw madalas tumatambay si Arthur kaya naman mabilis akong naglakad patungo doon. Hindi pa man ako nakakalapit ay agad ko nang natanaw ang lalaking hinahanap na nakaupo sa ilalim ng umbrella at seryosong nakatingin sa kanyang palad. Naroon nanaman ang malalalim nyang buntong-hininga nang tuluyan akong makalapit. "Hey!" Panggugulat ko. Tulad kanina ay agad nyang ipinasok sa kanyang bulsa ang kamay. "Ano ba kasi yan!?" Tanong ko saka naupo sa kanyang tabi. Umiling sya habang nakayuko. "That's my gift 'no?" Tanong ko. Nang mapansin kong natigilan sya ay agad kong inilahad ang aking palad. "Give it to me." "M-ms. Mindy." "Stop calling me miss, Arthur." Nakangiting saad ko saka inginuso sa kanya ang nakalahad kong palad. Isang malalim na hininga ang pinakawalan nya't inilabas iyon sa kanyang bulsa. Nagpapalit-palit ang kanyang paningin sa kamay ko at sa kanyang palad, mukhang nag-aalangan pa kaya naman mabilis ko iyong inagaw sa kanya. Natigilan ako nang makita ang isang bracelet. Simple lang iyon, itim ang tali at may isang bead na may letrang M na natitiyak kong para sa pangalan kong Mindy. "Pasensya na ho." Mabilis nyang inagaw iyon sa akin. Nang magtangka syang tumayo at maglakad paalis ay agad kong hinawakan ang laylayan ng kanyang damit dahilan para huminto sya. "Akin na," salita ko. Muli kong inilahad ang kamay ko. Nang hindi sya kumilos ay agad akong tumayo at inagaw iyon sa kamay nya. "I love this." Emosyonal na saad ko saka nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko malaman kung dapat ko pa nga bang itago sa kanya ang mga luhang pumatak dahil sa kasiyahan. "M-miss." Ramdam ko ang pag-aalala nya nang hawakan nito ang pisngi ko saka pinunasan ang aking mga luha. Natatawang yumuko ako. Bakit ba napakadrama ko? "Can you put this on me?" Tanong ko saka nag-angat ng tingin sa kanya. Inilahad ko ang aking braso saka iyon iniabot sa kanya. Nag-aalangan syang tumingin sa akin kaya mas lalo ko pang nilakihan ang pagngiti sa kanya. Nang maisuot iyon ay nakangiting hinaplos ko ang bracelet, "This is the first time that someone made me something. Thank you, Arthur. Thank you for making this day worth remembering," saad ko saka tumingkayad at ginawaran sya ng isang halik sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD