"Arthur!" I shouted. I put on my last ring and walk towards my door.
Nang buksan ko ang pinto ay ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatayo na si Arthur sa harap ng pinto. Maganda ang tindig at diretsong nakatingin sa hallway ng bahay kung saan sya nakaharap.
"Can you stop acting....like that," nakangiwing saad ko. I pointed how he just stood there like a rock.
Blanko ang mukha nyang tumingin sa akin at gusto kong mainsulto nang tignan nya ako pailalim.
"Na ano po, Miss?" Inosenteng tanong nya.
I always find Arthur's voice sexy lalo na kapag nagsasalita ng tagalog. I don't know. It's just that I think his accent is not something you see everyday. He was like a foreigner who tries to speak Tagalog.
"That," I said pointing at his body, "You're kinda creeping me out. Lose and let your body rest while standing." Dagdag ko saka tuluyang lumabas ng aking silid. Buti na lang pumayag si Dad na i-lift na ang pagiging grounded ko. I'm back, baby!
I handed him my bag at nilampasan sya pero ganoon na lang ang paghinto ko nang marinig muli ang boses nya.
"Ano po ang suot nyong iyan, Ms. Mindy?" Puna nya. Tinignan ko ang buong katawan ko saka sya kunot-noo na tumingin sa kanya.
"Clothes? Duh?" I rolled my eyes in dismay, "How long have been living under the rock ba para hindi malaman na damit ang suot ko?" Sarkastikong tanong ko.
Hindi man lang nagbago ang itsura nya dahil sa naging tugon ko. Mukhang mahihirapan ako sa lalaking 'to at laging may puna.
"Ang damit po ay tumatabing sa katawan," he answered at muli tinignan ako mula ulo hanggang paa, "Ang suot nyo po ay isang maliit na tela na tinatago lang ang maselan nyong parte." Walang kasing seryosong saad nya.
Tumatabing? What the heck?
"Where do you think I am going ha?!" Inis na saad ko. Ibinagsak ko ang aking bag sa sahig saka nakapameywang na tinignan sya. "Should I wear my hoodie and pants sa beach ha?!"
This guys is really getting on my nerves. Second day nya pa lang pero ramdam ko na ang pananakit ng ulo ko dahil sa katangahan nya.
"Ikaw....You look like stupid!" Salita ko saka tinignan ang buong katawan nya. Nakangiwing tinignan ko sya nang proud na tumingin ito sa akin. "No one wears suit and black shoes sa beach!"
"Edi ako pa lang ang una."
"And you're proud ha?" Tanong ko. Pakiramdan ko ay masisiraan ako ng bait nang mas lalong lumapad ang pagkakangiti nya sa akin. "You're proud?" Hindi makapaniwalang salita ko. I took a deep breath and close my eyes, controlling my anger dahil baka sa isang iglap ay masapak ko sya nang wala sa oras.
"Wala namang masama sa suot ko, Ms. Mindy. Sa'yo ang mayroon." Sagot nya na inayos pa ang suit na kanyang suot.
Ha! And the guts of this man! Hindi ko alam kung saan nakuha ni Daddy ang taong 'to!
Agad kong kinainisan ang pagiging inosente ng mukha nya habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Argh! You're fired!"
"Alam mo naman pong ang Daddy mo lang ang pwedeng magtanggal sa akin sa trabaho, hindi ba?" Nakangiti, tila ba nang-iinis na saad nya.
Wala akong ibang nagawa kundi imasahe ang aking kamay sa sintido ko. Nakapikit akong humarap pagilid.
"Argh! Go change!" Sigaw ko.
Nang maramdaman ang kanyang pag-alis ay agad kong inilabas ang cellphone ko saka tinawagan si Dad.
"Where did you get this guy?!" Inis na tanong ko. I heard him laugh before ending the call without uttering a word.
I almost throw my phone dahil sa inis. Naglakad ako pababa saka dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang paborito kong beer at inubos iyon sa isang tunggaan.
Damn that man! He's not only a fxcking headache but also a pain on my ass!
"Ms. Mindy?" I heard Arthur called me for a hundred times pero nanatili akong nakatayo sa loob ng kusina.
Sumilip ako at halos tumulo ang laway ko nang makita kung gaano sya kagwapo sa suot nyang summer short at hawaiian polo. May nakalagay pa syang shades sa ulo nya na mas nakadagdag sa lakas ng awra nya.
"Ms. Mindy, bakit hindi po kayo sumasagot? Kanina ko pa po kayo tinatawag. Dapat po sumagot kayo kapag naririnig nyo namang tinatawag kayo," salita nya nang mahanap ako.
I arched my eyebrows and crossed my arms.
"Are you giving me orders?" I asked.
He shook his head. Nang makitang dala nya na ang mga gamit ko ay agad akong lumabas ng kusina.
I heard heavy footsteps and deepbreaths behind me. I smiled devilishly. Wala naman akong gamit doon sa isang bag na dala nya. Lahat ng laman non ay stones from the backyard na inipon ko kaninang madaling araw.
Sinadya ko talaga iyon para pahirapan itong si Arthur dahil sa ginawa nyang pagtanggi sa akin.
Like duh? I am Mindy Mortel. No one can resist me. Lahat ay nakukuha ko lang sa isang ngiti. Everyone is dying to talk to me.
"Ms. Mindy, dala mo ba ang buong kwarto mo?" Tanong nya saka ko narinig ang paglapag ng mga bag na dala-dala nya.
Palihim akong lumingon at mahina akong tumawa nang makita ang magkasalubong nyang kilay habang nagpupunas ng pawis.
Sumakay ako sa kotse bago pa man ako maabutan ni Arthur sa paglalakad.
"Hey girl! I'm on my way." Sagot ko sa aking cellphone matapos itong paulit-ulit na tumunog.
Nang sumakay si Arthur ay agad kong pinatay ang tawag at itinuro sa kanya ang direksyon.
Mabuti na lang matalino sya dahil nakuha nya kaagad ang sinasabi ko.
We arrived at the resort in no time. Napikon yata si Arthur doon sa isang nag-overtake sa kanya kaya mas binilisan ang pagpapatako.
I wonder if he's that fast din sa bed.
"Bring my small bag. Hindi mo na kailangan dalhin yan dahil stones lang ang laman nyan." I told him without looking. Abala ako sa kakukuha ng lugar para pagtuunan pa sya ng pansin.
"Ano?!"
"Are you shouting?"
"Pasensya na, Ms. Mindy."
"Good. Let's go." Hindi na nawala ang nakakaloko kong ngiti nang maglakad kami papasok.
Agad na sinabi ko ang reservation ng friends ko at doon kami sa isang pinakamahal na villa nakapwesto.
Hindi ko ininda ang tingin ng mga tao sa amin, kay Arthur to be exact. Pero kung wala akong pake ay mas wala syang pake dahil abala ang mga mata nya sa kung saan-saan.
Parang batang nagpalinga-linga si Arthur sa lahat ng aming madadaanan. Mukha na nga syang tanga dahil inaabot nya lahat ng fountain at mga halaman na naroon.
Nang marating namin ang villa ay mas lalong nagmukhang ignorante si Arthur. Patakbo syang tumakbo sa maliit na fond na naroon sa tapat ng tutuluyan namin.
"Is this your first time?" Hindi na ako nakatiis. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang bigla ay lingunin nya ako at bigyan ng isang napakagandang ngiti bago muling ibinalik ang atensyon sa dinaraanan. "Unang beses kong nakakita ng mga ganito. Sa probinsya ay may dagat naman at lagi kaming nandoon pero iba kasi yung itsura dito," tugon nya. Mabilis akong nag-iwas nang bigla ay magbaba sya muli sa akin ng tingin.
"Isa talaga sa lugar na gustung-gusto ko ay ang tabing dagat. May kung ano kasi sa tanawin na nagdadala ng kakaibang saya sa akin kapag nakikita ko ang mga alon na sumasayaw kasabay sa kanta ng hangin," dagdag nya pa.
Ibinulsa ko ang aking cellphone at diretso ring tumingin sa dagat.
Tulad nya, beaches always relax me. This is my safe haven, my paradise, my favorite place. Kahit gaano pa yata ka-stressful ang nangyayari sa buhay ko, basta nakapunta ako sa beach parang lahat ay agad na nawawala.
"At sa pampang ang huling masayang ala-ala ko kasama ang mga magulang ko." Hindi ko malaman kung paanong naramdaman ko rin ang lungkot nya kahit wala pa man akong ideya sa pinagdaanan nya.