“Hindi nga ganyan bata.”
I looked at Arthur with surprise after he spoke. Halata kasi ang inis sa pananalita nya habang pinanunuod ang mga batang magtayo ng sand castle doon sa kanyang harapan.
Umusog ang mga bata nang maupo sya sa pagitan ng mga ito.
“Ganito ang tamang paggawa ng kastilyo, okay?” He added and pile up the sand and mold it as if he was good at what he’s doing.
I saw some kids laugh after his so-called castle crumpled to the ground. They were teasing him.
“Manahimik ka baka ipakain ko sa’yo yang buhangin na hawak mo.” Pananakot nya sa bata. Sa isang iglap ay bigla iyong umatungal habang nakatingala sa kanya.
My eyes almost popped out when I saw how Authur stuck his tounge out para mas lalo pa itong asarin. Nagmamadaling naglakad ako patungo sa kanila habang nililingon ang paligid.
Damn it! Hindi bodyguard kundi sakit ng ulo ang ibinigay ni Dad sa akin! Nagtataka nya akong tinignan nang hilain ko sya papasok ng villa.
I massage my temple at saka madiing pumikit. “Don’t. Just don’t Arthur please.” Wala akong pake kung hindi nya iyon makuha pero hindi ko hahayaan na sirain nya ang pagrerelax ko sa resort na ito.
Nakikiusap ang mga mata kong tumingin sa kanya nang dumilat ako. Nagtataka man ay tumango sya sa akin bilang pagsang-ayon. I gave him a smile at pumasok na sa loon pero hindi pa man nagtatagal bago ko sya hinayaan na kalaruin ang mga bata ay narinig ko na ang pagsigaw nya.
“Tama na!” Sigaw nya dahilan para sumilip ako sa may pinto at literal na nanlaki ang mga mata ko nang makitang naroon na sya sa harap ng mga bata habang hawak ang braso ng isang batang lalaki at sa tingin ko ay pinapaalis nya iyon.
“Arthur!” I shouted and run as fast as I could.
Nang makitang tumayo ito at naglakad palapit sa akin ay kusa akong tumigil sa pagtakbo. Hinintay ko sya hanggang makalapit sa kinaroroonan ko habang nagpapalinga-linga sa paligid at tinitignan kung nandoon na ang magulang ng batang iyon.
“Tawag nyo po ako, Ms. Mindy?” He innocently asked nang makalapit.
Nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang aking mga kamay nang sa gayon ay hindi ako makagawa ng bagay na makakasakit sa isip bata na 'to.
“You made that kid cry and now you’re harassing him!” Pigil ang inis na saad ko. Nilingon ko ang batang umiiyak at ganoon rin ang ginawa nya.
“Opo, nakita ko nga po na umiiyak sya pero hindi ko po sya hinaharass, Ms. Mindy.”
“What?!” I exclaimed. “Then what do you think you’re doing ha?!” Inis na tanong ko habang nakaturo pa doon sa bata.
Nilingon nyang muli iyon bago sumagot sa akin.
“Inaaalalayan ko syang tumayo para makaalis sya ng maayos.” Sagot nya saka itinuro ang isang batang lalaki na mas malaki na kaysa sa mga naroon. “Inaaway kasi sya nung isang bata kaya ang sabi nya ay aalis na sya kaso hindi sya makatayo.” Paliwanag nya.
Tingin nya ba ay paniniwalaan ko ang bagay na iyon? I saw what I saw!
“You’re harassing him!” I shouted. Pilit na pinapaintindi ang tamang salita sa ginawa nya. “Do you know the gap between you and that kid?”
“Hindi po ako tanga, Ms. Mindy.” Madiing sagot nya. Pakiramdam ko ay may bahid pa ng inis ang paraan ng pagsagot nya sa akin.
“What?!” I just..Nakapikit na sinabunutan ko ang aking sarili matapos syang marinig.
Nang magdilat ako ay masamang tingin na ang ipinukol ko sa kanya. Bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran ko na sya at bumalik sa loob ng villa.
“Argh!” Paulit-ulit kong sinabunutan ang buhok ko. Inilabas ko ang cellphone para sana tawagan si Daddy at sabihin na tanggalin na ang taong ‘to nang marinig ko si Maria sa aking likuran.
“Hey! Are you okay?” Tanong nya.
“Do I look okay to you?!”
“Chill. What happened?” Muling tanong nya saka iniabot sa akin ang beer na dala.
“That guy happened!” Inis na sagot ko. I pointed towards Arthur na ngayon ay naroon nanaman sa mga bata at gumagawa ng sand castle na paulit-ulit lang din namang nasisira.
“Who is?” Tanong nya saka sinundan ang aking kamay. “Arthur? What about him?” Nagtatakang tanong nya saka humigop ng beer.
“That guy is making me lose my sanity!” I shouted saka sinipa ang mga maliliit na bato na naroon sa akin harapan.
Kung pwede ko lang sya talagang tanggalin ay ginawa ko na! Dad should’ve let me chose! Oh I forgot. He let me nga pala and it was my decision to hire Arthur! So stupid of me!
If only I know that he’s this stupid, hindi sana sya ang pinili ko. Kahapon ay medyo okay pa sya pero ngayon ay lumalabas na ang katangahan nya sa hindi ko malamang dahilan!
“What happened?” Tanong nya nang may pag-aalala.
She’ll be worried, of course! This is my first time to experience such frustration at ngayon pa talagang nasa beach kami kung saan maraming nakakakita! My image is not that good pero hindi rin naman ganoon kasama pero ngayon ay pakiramdam ko magiging murderer ako sa harap ng maraming tao kapag nanatili sa paningin ko si Arthur.
It feels like I am baby-sitting him!
“Pinaiyak nya yung bata sa labas and pinaalis ang isang bata dahil daw inaaway yung isang bata na nandoon.”
“What?!”
“What am I supposed to tell his parents? Na my bodyguard abused her son?!” Puno ng galit na tanong ko. Gusto ko pa sanang maglabas nang rants kaso lang napatigil ako dahil sa pagtawa ni Maria.
“Do you think that’s funny?” Nakataaa ang isang kilah natanong ko.
She shook her head and smile like crazy, “Talaga bang hinarass nya ang bata 'cause what I am seeing is the opposite. They look cute and sweet."
Nakangiwi ko syang pinanuod na tumalumbaba habang tinatanaw si Arthur.
Nang tignan ko ang sinasabi nyang cute ay agad na nakita kong nasa likod na ni Arthur ang batang kanina na ay hawak nya ang braso. Oh! They really are sweet. Argh! Nevermind! Naniniwala ako sa nakita ko and that is he’s harassing the kid kanina!
Inis na naglakad ako papasok, diretso sa fridge saka kumuha ng beer at nilagok iyon hanggang sa mangalahati. Nang muli kong tignan si Maria ya hindi man lang nagbago ang kanyang posisyon kaya binato ko sya ng tsinelas.
“You look stupid!” Sigaw ko saka naglakad papunta sa kwarto.
Maybe I should rest para mawala ang pananakit ng ulo ko.
“Hey! Where are you going?” Nang lingunin ko ang natanong ay agad kong nakita si Kris. Iyong babaeng mahilig sa lalaki at hindi ko alam kung bakit narito ngayon.
“Room. Why?” I said in cold tone. I don’t like her. Pareho naming hindi gusto ang isa’t-isa. Hindi lingid sa kaalam naming dalawa yon.
She talks shits behind my back and so do I. Ang malaking pinagkaiba lang siguro namin ay she loves boys while I love parties. Sya nga yata ang tinaguriang the s*x machine for some reason eh. Lahat ng tao sa clubs na napupuntahan namin ay iyon ang tawag sa kanya.
Don’t get me wrong ha? I also love boys pero all I do with them is play. No more. No less.
“Wanna play with us?” Tanong nya na ipinakita pa sa akin ang uno cards na hawak.
Agad na sumama ang mukha ko, “Of course no!”
“Okay.” Saad nya saka ako tinalikuran.
Nagtuloy ako papunta sa kwarto ko at doon nahiga. Kinuha ko ang aking cellphone and snapped few photos para sa mga followers ko sa social media. Nang matapos ay agad akong pumikit dahil mamayang gabi ay nasisigurado kong magkakaroon ng hardcore party.