Nakapikit na inabot ko ang aking cellphone sa may night table. Ganoon na lang kabilis ang pagbangon ko nang makitang mag-aala-una na nang madaling araw.
Inis kong ipinuyod ang aking buhok saka padabog na lumabas ng kwartong tinutulugan. Ang ingay mula sa baba ang syang nagsasabi sa akin na sinimulan na nila ang party. Amoy ng alak ang syang sumalubong sa akin pagbaba. Lango na ang ilan sa mga taong naroon pero ang iba ay nanatiling nakatayo at panay ang pagsayaw.
These bitches didn’t even bother waking me up bago nagsimula!
Mabilis akong naglakad palabas. My eyes are looking for someone na hindi ko pa nakikita mula kanina.
‘Come on! Where the are you?’ Tanong ko sa isip saka sinipat ang bawat sulok ng villa na aming tinutuluyan.
Ramdam ko ang pagkunot ng aking noo nang hindi ko makita ang taong hinahanap. Maglalakad na sana ako palabas nang maramdaman ang malamig na kamay na pumisil ng dibdib ko.
“What the–Maria?!” Inis na sigaw ko nang makita ang ngingiti-ngiting si Maria sa aking harapan.
Dala nito ang pulang baso habang pagewang-gewang na pilit inaabot ang dibdib ko.
“Have you seen Arthur?” I asked, shouting. Dahil sa lakas ng tugtog ay kinailangan ko na talagang makipagsigawan. Well, sanay naman ako. I go to club every night kaya hindi na bago sa akin ang lahat.
“Where have you been?!” She asked. Sa galaw nya pa lang ay nababasa ko nang medyo lasing na sya. Bukod doon ay mukhang naka-isa na rin ang babaeng 'to dahil sa itsura nya—gulo ang buhok nya at nakabukas ang itaas na parte ng kanyang damit.
“Maria, umayos ka nga!" Puna ko saka iniayos ang kanyang pagkakatayo.
Maria is a famous celebrity pero kung umasta sya ay ganito. Well, she told me na it was never her dream to become one. Napressure lang sya because both of her parents are celebrities.
"Have you seen Arthur?” Muling tanong ko.
Mabilis ko syang hinawakan nang muntikan itong natumba.
“No. Why?” She asked, teasing me.
“What do you mean why?”
“Why are you looking for him?” Muling tanong nya. Hindi nawawala ang pang-aasar sa tono ng kanyang pananalita.
Nakangiwi ko syang tinignan.
“Because he is supposed to be looking after me not the other way around.” I answered with a sarcastic tone and rolled my eyes at her. “He is my bodyguard for a reason, you know.”
He was hired to guard and take care of me pero heto't ako pa ang naghahanap sa kanya ngayon! Eh kung magpalit na lang kaya kami ng posisyon at ako na lang ang magtatrabaho para sa kanya!
“Oh. Is that so?”
“You’re drunk!” Salita ko. Nang muli nyang subukan na abutin ang dibdib ko ay mabilis kong tinabig ang kamay nya.
What's up with this girl?!
“No. I’m tipsy.” She answered, still looking at the most precious melons. “Wait. Did you see Kris?”
“Do I look like someone na titignan ang babaeng yon?”
“What’s wrong with her ba? She’s kind naman and….”
“A slut.” Mabilis na pagdagdag ko. Agad na umasim ang kanyang mukha saka nagpalinga-linga sa paligid bago ako hilain paais sa gitna kung saan kami nakatayo.
“Mindy!” She hissed while laughing. Nang subukan nyang takpan ang bibig ko ay nakangiwi kong tinabig ang kamay nya. “Naughty. Tone down your voice. Baka marinig ka.”
“And?” I arched my eyebrow saka pinagkrus ang mga braso ko, “Do you expect me to care kung marinig man nya ang sinasabi ko?” dagdag ko. Sinadya kong mas lalo pang ilakas ang aking boses para naman marinig talaga ng babaeng iyon. “Come on Maria! You know her. Alam mong alam nya lahat ng sinasabi ko kahit wala sya. Kung paano nyang nalalaman, hindi ko rin alam at wala akong oras para alamin pa dahil wala naman akong pake.”
“Okay. Chill. Chill. Ang init ng ulo mo.”
“Where is he na ba kasi?!” Inis na muling tanong ko. Marahas kong iniapak ang kaliwang paa sa sahig saka nagpalinga-lingang muli sa paligid.
Ang ingay ng mga tao sa paligid ay mas lalong nakadaragdag sa inis na nararamdaman ko.
Makita lang kitang lalaki ka. You' re supposed to be at my side sa lahat ng oras pero ngayon ay hindi kita mahanap! Make sure you're not with some random girl.
"Hey girl, hayaan mo na muna si Arthur at baka nakikipaglaro lang ‘yon sa mga bata." Salita nya saka ako inabutan ng baso na may lamang alak.
“Are you stupid?! It’s past-midnight!”
“Okay chill. Why don’t we play with those men para naman mawala ang init ng ulo mo?” Saad nya saka itinuro ang kumpulan ng mga lalaking naglalaro ng beer pong.
“No–“
“No means yes. I’ll have someone look for him.” Aniya. This girl is really a pain on my ass kapag nalalasing na. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang sya matulog kaysa mangulit eh.
"Then call someone!"
"Alright! Alright!" She raised her hand in surrender. Nagpalinga-linga sya sa paligid saka sumigaw, "Max!" Tawag nya. Agad na lumingon ang isang babaeng mukhang bata lang sa amin ng isang taon.
Nagtataka syang tumingin kay Maria saka itinuro ang sarili.
"Yes you, come here!"
"You know her bodyguard, right? Arthur?" Pakikipag-usap ni Maria kay Max na nakaturo pa sa akin.
Itinunga ko ang laman ng baso ko saka muling nagsalin.
"The hot guy?"
"What the—" agad na hinawakan ni Maria ang braso ko saka ako inilingan. I signed at muling inabala ang sarili sa pag-inom pero nanatiling nandoon kay Max ang masamang tingin ko.
Hot guy, your face!
"Look for him and go back to us."
"Okay." Nakangiting salita nya saka mabilis na umalis.
This is why being friends with a celebrity is a good thing. Lahat sumusunod sa kanya.
"Hey, how was you next movie?" I asked.
"It's good, actually," tugon nya. Ramdam ko ang kawalan ng interes nya sa naging tanong ko. What's best is kahit medyo labag sa kalooban nya ang pag-aartisa, she's still doing her best not to disappoint those people na naniniwala sa kanya.
"Alam ba ng manager mo na nandito ka?"
"Of course not! Bakit pa kailangan nyang malaman?" Natatawang tanong nga.
Literal na nanlaki ang mga mata ko nang masiguradong hindi nga sya nagsisinungaling.
"Maria!"
"Chill now, I told him I'll be at my parents house kaya hindi tatawag yon!" Here we go again with her excuses.
Nanatili kaming tahimik na nagmamasid ni Maria. Pero sadyang hindi ko maenjoy ang party dahil nag-aalala akong baka may ginawa nanamang katangahan ang lalaki na iyon.
"Where is that Max?!" Inis na tanong ko sakainilibot ang paningin ngunit wala pa rin ang taong inutusan nya na maghanap.
"Ano ba, girl?! Just enjoy the party, okay? Hayaan mo na si Arthur at baka may kausap lang dyan sa tabi-tabi."
"And who that might be ha?" I arched my eyebrow.
"You never know. Maybe Kris."
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. "Move!" Pabagsak na inilapag ko ang aking baso sa lamesang nasa malapit at naglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang harangan ako ni Maria.
"I said move!" Mas malakas na sigaw ko pero nanatili lang syang nakangiti sa akin.
"Napakaiksi ng pasensya mo ngayon. Red flag?"
"Tumabi ka at baka ibalibag kita ngayon dito."
"Of course you wouldn't do that to me."
"Wanna bet?" Nakangising tanong ko. Nang tumawa sya ay agad kong hinawakan ang kamay nya saka sya tinalikuran.
Nang maiposisyon ko ang sarili ay agad kong naramdaman ang paulit-ulit na pagdamba nya sa aking likuran.
"Ah! Mindy! Mindy!" She shouted. Natatawang sinilip ko sya.
Agad na binitawan ko si Maria nang makita si Max na papasok sa may pinto. Nagmamadali ito at tila ba may magandang ibabalita dahil napakalai ng pagkakangiti.
"Maria!" Pagtawag nya. Agad kong tinabig ang aking kaibigan saka sinalubong si Max.
"You found him?" Tanong ko. Nang tumango sya ay agad kong naramdan ang excitement. Ngunit ang excitement na naramdaman ko ay bigla ring naglaho nang ibuka nya ang kanyang bibig.
"He's with Kris and I think he's drunk. Kris started touching him." Habol ang hiningang salita nya.
Ramdam ko ang muling pagtindi ng inis ko. Tinabig ko ang kamay ni Maria na nakahawak sa aking braso saka mabilis kong tinahak ang daan papunta sa lugar na sinabi ni Max.
"Mindy!" Ang kaninang lasing na itsura ni Maria ay biglang nawala.
Hindi ko pinansin ang paulit-ulit na pagtawag nyang sa akin. Ikinuyom ko ang aking palad nang marating ang lugar. Kitang-kita nang dalawang mata ko kung paanong haplusin ni Kris ang bawat parte ng katawan ni Arthur na mukha talagang wala nang alam sa nangyayari dahil sa kalasingan.
This man! Iinom tapos hindi naman pala kaya ang sarili!
Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. Hindi na ako nagulat nang ngisian ako ni Kris nang makita nya akong nakatayo sa kanyang harapan.
Malakas na itinulak ko sya saka tinabihan si Arthur.
"What are you doing?" Tanong nya.
"Taking what's mine." Diretsong sagot ko saka sinilip ang lamesa.
Beer. Really Arthur?! Nalasing sya sa beer?! Nakangiwi kong tinignan si Arthur na panay ang paghilig ng ulo sa aking balikat.
"He's yours? Really Mindy?" Nang-iinsultong tanong nya. Isang mabilis na tingin lamang ang ibinigay ko sa kanya saka muling bumaling kay Arthur.
"Arthur!" Mahinang sinampal ko sya para magising. "Arthur!" Muling pagsigaw ko.
Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata. Napangiwi pa ako nang tumatawa itong tumayo at bigla ring matumba sa tabi ko.
"What did you do?!" I yelled at Kris. Naroon sa dibdib ko ang ulo ni Arthur habang minamasahe nito ang kanyang sintido.
"Chill now girl." Nakangiting tugon ni Kris at nilagok ang alak na naroon sa baso nya. "Pinainom ko lang sya. I don't have any idea na mabilis pala syang malasing."
"Can you stand up?" Mahinang tanong ko kay Arthur saka inalalayan syang tumayo.
I was about to take a step forward nang bigla ay marinig ko ang mahinang pagtawa ni Kris.
"Don't you ever lay a finger on him again!" Matalim ang mga matang tinignan ko sya. She should thank Arthur dahil kung hindi ko ito inaalalayan ay baka nasapak ko na sya ngayon pa lang.
"Why? What will you do?" She asked, smirking. Isinandal nya ang kanyang sarili sa sofa saka pinagkrus ang mga paa.
Nanatili akong tahimik. Sa isip ay ilang ulit ko na syang sinaksak gamit ang fork na nasa harapan nya. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, baka ginawa ko na ngayon. This girl is really getting on my nerves!
"Cannot think of anything?" Mahina syang tumawa saka tinignan ang mga taong naroon sa kanyang tabi. "We can always share the same guy you know. I'm up for a threesome. Maybe that'd be fun! Hindi naman—"
I didn't wait for her to finish. I immediately took the glass and pour it on her. My devil smile formed the moment she stood up and look at me with anger.
Yan. Ganyan nga, Kris. Show them your true self.
"Go f**k yourself. I don't share what's mine, Kris. So if you want to continue partying in peace, take my advice. Do not ever lay a finger on him." Madiing saad ko saka hinila paalis sa lugar na iyon si Arthur.
Hindi ko maiwasan ang pagsasalubong ng mga kilay ko nang muntikan syang matumba.
"Miss, dahan-dahan naman." Mahinang saad nya.
Hindi ko alam kung bakit gaanon kabilis tumibok ang puso ko nang salubungin ko ang kanyang mga tingin. Ang malamlam nyang mga mata, ang kakaibang bango nya na pinaghalong amoy ng mamahaling alak at mumurahing pabango, maski ang matipid nyang pagngiti sa akin ay nagbibigay ng ibang pakiramdam sa aking sistema.
"Umayos ka nga!" Mabilis kong inilayo ang sarili sa kanya bago pa man ako may magawa.
Tumikhim ako saka nagpatiunang maglakad.
'Damn it! You' re crazy, Mindy!'