Maaga akong bumangon kinabukasan. Plano kong pumunta sa isang restaurant kung nasaan nakita kuno ni Maria si dad at Kris na magkasama pero hindi ko mahanap kahit saan si Arthur. Damn! Kung pwede lang akong umalis mag-isa ay baka ginawa ko na kaso paniguradong mayayari ako kay daddy kapag nakita nya akong mag-isa. "Arthur!" Puno ng inis na sigaw ko. Agad na inayos ko ang ilang hibla ng aking buhok at inilabas ang salamin na naroon sa bag na dala ko. Kapag talaga nasira ang make-up ko, I'll ruin his life! "Arthur!" I shouted his name again pero tulad kanina ay wala akong ibang nakita. I am so ready to be a criminal nang lumabas ang isang katulong mula sa room ni dad. Sisipol-sipol itong naglakad habang dala ang basket ng mukhang maruruming mga damit at nang makita ako ay magalang itong tu

