bc

[DOS SAAVEDRA] My Undesirable Love

book_age18+
781
FOLLOW
11.2K
READ
billionaire
one-night stand
HE
opposites attract
badboy
drama
no-couple
campus
office/work place
wild
like
intro-logo
Blurb

Makakaya mo bang magpakasal sa taong hindi mo kilala at hindi mo pa nakikita kahit na kailan?

Masasabing nasa kanya na ang lahat, mayaman, maganda at galing sa isang prominenteng pamilya. May masayang pamilya at may perpektong buhay na hinahangad ng kahit na sino man.

Siya ay si Verena Anderson, 24 year's of age at anak ng isang Congressman.

Siya ay ipinagkasundo ng kanyang Ama na maikasal sa anak ng kanyang kumpare na si Hanz Saavedra.

Pilit niya itong tinutulan kaya noong dumating ang nakatakdang araw ng kanilang kasal, siya ay tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, dito niya malalaman ang isang masakit na katotohanan.

Nahuli niya ang kanyang boyfriend at ang best friend nitong si Mia na magkasama sa iisang kama.

Si Mia na halos kapatid na kung ituring niya. Dito niya napag-alaman na matagal na pala siyang niloloko ng dalawa.

Dahil sa sama ng loob niya sa dalawa, siya ay nagpunta sa isang bar para magpakalasing.

At nangako sa kanyang sarili na kung sino man ang unang lalake na lalapit sa kanya kapag nalasing na siya ay siyang pagbibigyan niya ng kanyang virginity.

At ang pangakong iyon ay natupad nga, naibigay niya ang kanyang sarili sa isang estranghero.

Lumipas ang dalawang buwan, nalaman niyang siya ay nagdadalang tao. Dahil sa labis na kahihiyan, at dahil sa galit ng kanyang mga magulang siya ay mapipilitang lumayo.

Ngunit sa paglipas ng maraming taon siya ay babalik para sa kanyang Amang may sakit.

At sa kanyang pagbabalik, dito niya malalaman ang isang nakakagulat na rebelasyon.

Anong buhay ang naghihintay sa kanilang mag-ina? Paano kung sa ikalawang pagkakataon muling sirain ni Mia ang kanyang buhay?

Hanggang saan ang kakayanin niya para ipaglaban ang taong mahal niya?

Makakaya ba niyang isukong muli ang kanyang pag-ibig sa ikalawang pagkakataon? O pipiliin niyang ipaglaban ito kahit pa ang kaagaw niya ay ang mismong kaibigan niya?

chap-preview
Free preview
The Runaway Bride
This story is purely a fictional, and if there's any resemblance to real life it is not intentional and just a coincidence. ❗ There are some scenes that are not suitable for very young reader's, this story contained of s*x, drugs, violence.❗ INTRO: "Aww .. Ang gwapo!" bulong ng isipan niya, napakagat labi pa siya dahil talagang makalaglag panty ang kagwapuhan ng isang ito. Lasing din ang lalake at nakangiti ito sa kanya. "Hey, wanna dance with me handsome?" She even offered it with a hint of seduction in her voice. The young man smiled at her and his hands suddenly hooked around her waist. Dahil sa sobrang kalasingan gustong magwala ni Verena sa dancefloor. Hindi siya marunong sumayaw pero ngayong gabi gagawin niya ito, kahit parehong kaliwa pa ang kanyang mga paa. Nag-eenjoy din ang lalake habang hindi nito tinatanggal ang pagkakayapos nito sa kanyang beywang. Hanggang sa maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang punong tainga. Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti, nag-iinit ang kanyang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. May kung anong kakaibang pakiramdam sa lalakeng ito. "Take me now Mister, take me out of here please!" the young man smiled at her. "As you wished baby." kasabay ng paghila nito sa kanya palabas ng bar na iyon. VERENA's POV: I BELIEVE that only God can choose the person to be with you for life. Marriage is a sacred one and it binds two people who loved each other. "ILANG beses ko bang sasabihin sa inyo na hinding-hindi ako magpapakasal sa taong iyon! Daddy, mahal ko po si Philip, please naman po huwag niyo namang tanggalin sa akin ang karapatan kong pumili ng taong makakasama ko habang buhay." isang umaga paggising ko, galit na mukha ni Daddy ang sumalubong sa akin. Kauuwi ko lang galing ibang bansa at ito na mismo ang bumungad sa akin. "Try to disobey Verena, at kakalimutan kong anak kita! Mahirap bang intindihin na para sayo ang lahat ng ginagawa namin? Wether you like it or not you have to marry Hanz, and that is final!" desididong desidido si Daddy at Mommy na ipakasal ako sa Hanz na iyon. "Hanz? Who's Hanz Dad? I don't know him yet I don't love him!" "Anak try to understand, para din sa kabutihan mo ito. And some day you'll gonna thank us for choosing Hanz to be your husband." segunda naman sa akin ni Mommy. Tumingin ako kay Kuya, nakikiusap ang mga mata ko na tumitig sa kanya. Mahal ako ni Kuya at alam kong matutulungan niya ako. "Kuya, please!" nakikiusap ako habang nag-uumpisa nang mangilid ang aking mga luha. "I'm sorry princess, kuya can't help you. We both know when Daddy makes a decision it can't be broken. I'm sorry bunso, mahal kita pero kailangan nating sundin si Daddy." wala akong mahingan ng tulong, lahat sila pabor kay Daddy. Ito na siguro ang kapalaran ko, ang maikasal sa taong hindi ko mahal, ang maitali sa taong kailan man ay hindi ko magugustuhan. SABADO ng umaga, masaya ang lahat dahil ito ang araw na pinakahihintay ng aking pamilya. Oo, ito ang araw ng aking kasal. Kasal na kailan man ay hindi ko ginusto. Hindi ito ang pinangarap kong kasal, dahil ang gusto ko ikasal ako sa taong mahal ko. Pero sad to say ikakasal ako sa taong hindi ko pa kilala at hindi ko pa nakikita kahit na kailan. Nang dahil sa negosyo ipinagkasundo ako ni Daddy na maikasal sa anak ng kanyang kumpare. It is said that Hanz is from a rich, famous, and came from a prominent family. Iyon ang sabi sa akin ni Daddy, mga bata pa lang daw kami ipinagkasundo na nila kami para sa isa't -isa. We are now in modern times, but why is arrange marriage still in vogue? Getting married is one of the happiest part of a woman's life, but I can't be happy! My life will be hell, instead of heaven I am going to. "Verena smile, this is your day. Are you not happy girl?" pukaw sa akin ni Marco habang inaayusan nila ako. "Magagawa ko bang sumaya gayong ikakasal ako sa taong hindi ko kilala? Sa taong hindi ko pa nakikita?" garalgal ang boses ko habang tinuturan ang mga katagang iyon. Awang-awa ito sa akin, at pati si Yaya Isabel na naluluha narin habang nakatunghay sa amin. "Marco, please help me! I don't want to get married, I loved Philip, alam mo yan at siya lang ang tanging pakakasalan ko. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Please Marco, tulungan mo akong makatakas habang hindi pa huli ang lahat." nakatulala naman sa akin si Marco, himas ang kanyang baba habang pinag-iisipan ang aking mga sinabi. "How could I do that Verena? Mapapatay ako ni Tito Romualdo." "I don't know? Basta gusto kong tumakas, gusto kong lumayo, Marco help me. Yaya Isabel tulungan niyo po ako Yaya, nagmamakaawa po ako sa inyo." maluha- luhang pakiusap ko sa kanila. Lumapit sa akin si Yaya at mabilis na ginagap ang aking mga palad. "Gustuhin ko man anak, pero wala akong magagawa!" wala na talaga, I'm hopeless, I'm completely losing my hope. "Hahayaan mo bang matali ako sa kasal na hindi ko naman gusto Yaya? Nakasalalay dito ang buhay at kaligayahan ko Marco. Parang awa niyo na, tulungan ninyo ako." nagkatinginan pa sina Marco at Yaya nang dahil sa aking tinuran. "Sige na nga, kung hindi ka lang malakas sa akin pinsan eh hindi ako papayag sa kabaliwan mong ito." naiiling-iling na sabi ni Marco sa akin. Nakakita ako ng munting pag-asa. "Dalian mo na habang wala pa ang sasakyang susundo sayo. Sige na Marco, sa fire exit na kayo dumaan at bilis- bilisan ninyo, ako na ang bahala dito. Magmadali na kayo!" utos pa sa amin ni Yaya. "Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako matitiis. Thank you Yaya, the best ka talaga I love you." hinagkan ko muna ito sa pisngi saka nagmamadaling tinahak ang daan papuntang fire exit ng Hotel Anderson. Pagmamay-ari ng pamilya namin ang hotel na ito. Marami kaming mga negosyo, bukod sa pagkakaroon ng mga hotel may hacienda din kaming pinapatakbo. May malawak kaming taniman ng mga mangga, mais, palay, at ang isa ay malawak na taniman namin ng Cocoa. May sarili kaming pagawaan ng tsokolate at nag-eexport din kami ng aming mga produkto sa ibang bansa. SAMANTALA halos matapilok na ako dahil suot kong high heeled sandals. Ang haba-haba rin ng aking wedding gown na siyang lalong nagpahirap sa aking ginawang pagtakas. "Teka Marco, hubarin ko muna itong damit ko. Ang init, tulungan mo ako, bilisan mo!" sabi ko pa ito kay Marco. Mabuti na lang at may suot akong tube at naka cycling shorts din ako. Mula sa itaas ng hagdanan pinilit kong takbuhin ito pababa. Ayaw kong maabutan kami ng mga tauhan ni Daddy. "I'm sorry Daddy, I'm sorry kung binigo ko po kayo ni Mommy. Sana mapatawad ninyo ako sa gagawin kong ito. Mahal ko si Philip at siya lang ang gusto kong makasama habang buhay." Bumubulong ako sa aking sarili habang tahak ko ang mahabang hagdanan na iyon. "Pwede bang bilisan mo Verena? Naku! Mapapatay ako ni Tito nito eh!" nagmamaktol na sabi sa akin ni Marco. Marco is my cousin, my best friend aside from Heather and Mia. May pusong babae ito kaya naman lalambot-lambot ito. Pagkababa namin ng mahabang hagdanan na iyon, kaagad naming tinahak ang pasilyo nito palabas. Alam ko ang pasikut-sikot dito sa hotel kaya naman madali na lang para sa amin ang makalabas dito. Hanggang sa isang malakas na buzzer na umalingawngaw sa paligid. "May sunog, may sunog!" sigaw ng ilan namin mga staff, walang nakapansin sa amin kaya habang nagkakagulo ang lahat ay sinamantala na namin ang pagkakataon para makalabas ng Hotel Anderson. "Whoahh!!! Kinabahan ako dun girl, Diyos ko mamamatay ako sa ginagawa mo!" sabi ni Marco habang hawak nito ang kanyang dibdib. Pumipilantik pa ang mga daliri nito sa kamay habang nagsasalita. Huminga ako ng malalim, dahil sa wakas nakalabas narin ako. Malaya na akong makakagalaw ngayon. "Anong plano mo?" muli ay tanong ni Marco sa akin. "Where's your key? Give it to me!" sabay lahad ko sa aking palad. Walang ngimi naman nitong ibinigay sa akin ang susi ng kanyang kotse. "Girl, natatakot ako!" nagpapapadyak si Marco na tila isang bata dahil sa takot nito kay Daddy. Daddy is known for being a Congressman, he is powerful and he is the law. Ganoon pa man, mabait si Daddy pagdating sa kanyang mga nasasakupan. Mahal siya ng mga tao dito dahil sa pagiging tapat nito sa serbisyo, marami siyang taong natutulungan kaya saludo ang lahat ng mga mamamayan dito sa aming distrito. But there's a side of Daddy that I hated the most, sa lahat ng bagay gusto niya siya palagi ang nasusunod. Gusto kong kumuha ng Abogasya noong college ako pero dahil sa kagustuhan ni Daddy napilitan akong kumuha ng Business course. Kaming dalawa ni Kuya Xander ay parehong business course ang aming kinuha. Labag man sa kalooban namin pinili parin naming sundin ang kagustuhan ni Daddy. Iniisip lang niya kung sino ang magpapatakbo sa aming mga negosyo. Now I got into Marco's car. I started the engine without any hesitations. I need to get away as soon as possible 'cause at any moment Daddy will find out about what I did. "Girl paano ako? Ahhh, Verena ipapahamak mo talaga ako kay Tito?" nagmamaktol na sabi ni Marco ng makasakay na ako ng kotse nito. "Cous, you are brilliant. Alam kong magagawan mo ng paraan ito. May tiwala ako sayo cous, sige na ba-bye na!" nakangiti ako habang nagpapaalam dito. Halos paliparin ko na ang kotse paalis sa lugar na iyon. Tama lang itong naging desisyon ko, sa hacienda Sevilla ang tungo ko. I want to surprise Philip, alam kong kapag ganitong araw ng Sabado nasa hacienda ito para mag spend ng weekend. It is our third year anniversary, and as a gift I am willing now to give him my everything. Ito ang matagal na niyang hinihingi sa akin, ang aking p********e. Pero hindi ko maibigay -bigay dahil gusto ko maikasal muna kami. I believe in the sanctity of marriage. Gusto ko malinis ako na haharap sa altar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
163.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
188.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
37.6K
bc

Daddy Granpa

read
277.1K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
247.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook