"Hiyaaa!!! Whoaw.. Habulin mo ako Dos!" nag-eenjoy ang dalawa habang sakay-sakay sila ng kabayo at naghahabulan sa mahabang daan na iyon paakyat sa burol. "Heather, watch out!" sigaw pa ni Dos, dahil malapit na si Heather sa isang bangin. Medyo mataas ang bahaging iyon, sa ibaba nito ay isang batis na malinis na kung saan umiinom ang kanilang mga alagang hayop sa hacienda. "Snow, stop." ito ang paborito niyang kabayo na tinawag ng Lola Astrid nilang si Snow dahil sa mala- niyebe nitong kulay. "Ang bilis mo pa ding magpatakbo ah, whoahh!" bumaba narin si Dos mula sa kabayo at lumapit kay Heather. "Alam mo bro, sayang talaga na hindi nakasama si Verena. Alam mo bang hindi ko matalo- talo 'yon sa horse racing? Grabe ang babaeng iyon, sayang talaga. Tsk. tsk. pero hindi bale, may nextime p

