KINAUMAGAHAN maagang gumising si Verena dahil ito ang araw ng alis nila ng Valencia. Mabigat man sa dibdib niya ang kanyang paglayo, pero kailangan niyang gawin ito para sa kanyang Ama. "Paalam Valencia, paalam Daddy, Mommy. I don't know when we'll see each other again. I hope that you'll be happy this time Daddy, dahil mawawala na ang nagpapasakit sa ulo mo at nagbibigay ng malaking kahihiyan sayo." as she wiped her tear's again. "Umiiyak ka na naman cous? Tama na, ano ready ka na ba para sa flight natin mamaya? Kung gusto mo pang umurong cous, magsabi ka lang." lumapit sa kanya sa Marco sabay abot nito ng tissue. "Desidido na ako cous. Ayaw ko nang magtagal pa dito, kawawa naman si Daddy baka masilip ng mga kalaban niya sa pulitika ang kalagayan ko. Baka ito pa ang ikabagsak ng pang

