"CALL for your twin brother, nandito ang mga Anderson!"
"He's not answering my call Dad."
"Damn it! Dos where are you!" nanggagalaiti sa galit si Hanz, hindi sila mapakali dahil dumating ang mga Anderson para humingi ng dispensa dahil sa kasalang hindi natuloy.
"Heather your phone. It's ringing. Baka ang kapatid mo na yan." sabi naman ni Shallow sa anak, nang mapansin nito ang cellphone nitong kanina pa nagri-ring.
"Excuse me for a while Mom, Dad." sabi nito para sagutin ang tawag.
"Hello G, gosh mabuti naman naisipan mo akong tawagan!" bungad ni Heather sa nasa kabilang linya.
"He-hello G." garalgal ang boses nito, pansin din sa boses nito na umiiyak din.
"Wait Verena, umiiyak kaba? My gosh G, anong nangyari sayo?" nag-aalalang sabi nito sa kaibigan.
"Heather are you busy, pwede ba tayong magkita?" panay ang singhot nito mula sa kabilang linya, mukhang may problema nga ang kaibigan.
"Yeah! We've got a situation here G." sabi nito kasabay ng buntong hininga nito.
"A big situation G, alam mo bang hindi sumipot sa kasal yung supposedly na bride ng twin brother ko? You know what, nagulat na lang din ako na ikakasal na pala ang kapatid ko. And take note ah, we don't even know that girl. Even Dos, he's against that marriage." natahimik naman si Verena sa kanyang narinig.
"Hello G, are you still there? Verena, hello Verena?" nang bigla na lang naputol ang tawag mula sa kabilang linya.
She even tried to call her but she's now unreachable.
"Anong nangyari 'don?"
Napapaisip na lang siya, gustuhin man niyang puntahan ang kaibigan ngayon hindi naman niya alam kung paano.
She tried to call her again, not just twice, pero unreachable parin ang line nito.
Bumalik siya ng loob ng kanilang bahay.
"Heather si Dos ba ang kausap mo?" tanong ng Mommy niya.
"No Mom, a friend. Yung nakilala ko po dati sa Italy, remember naikwento ko na sayo dati?" sabi pa ni Heather sa Ina.
"Ah, yeah. Dapat dalhin mo siya dito anak para makilala rin namin." sagot naman ni Shallow sa anak.
"Iha, alam mo dapat makilala mo rin ang anak namin. Si Alexander, panganay namin. Naku bagay kayo nun iha." napalunok naman si Heather sa sinabi ni Congressman Anderson.
"Alis na ako dito! Shocks! Parang alam ko na kung saan pupunta ang usapan na ito."
Hilaw siyang tumawa sa mga ito.
"Kayo na lang kaya ni Xander ko ang ikasal? Hanz pare, what do you think? Tutal hindi naman natuloy ang kasal ng anak namin kay Dos."
Lumaki ang kanyang mga mata dahil sa narinig. Hindi siya nagkamali ng hinala, Dito talaga mapupunta ang usapan nila.
"Oh, no! No! No! Hahah.. Over my dead body! Daddy, huwag kang papayag!"
Umiiling- iling siya habang nakatitig sa Ama.
"Ahm pare, siguro tama ang mga bata. Huwag na nating ipilit kung ayaw talaga nila." bigla siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Akala talaga niya papayag na naman ang Daddy niya.
"Oh, thanks Dad."
Tanging bulong ng isipan niya, wala pa siyang boyfriend, at katulad ni Dos ayaw din niyang magpakasal sa taong hindi pa niya kilala.
Kilala niya si Congressman Anderson, bilang isang pulitiko. Pero never pa niyang nakilala ang mga anak nito.
Ayon sa kanilang Ama, magkakaibigan na daw sila dati pa. Way back, when his Lolo was still a Congressman.
Sa Mother side niya, kilala ang mga Jimenez na mga politicians, at sa side naman ng mga Saavedra kilala sila sa pagiging mga haciendero. At pagkakaroon ng mga hotel's and resort's.
Maggagabi na ngunit wala paring matinong pupuntahan si Verena. Nakausap niya kanina si Heather ngunit bigla namang naputol ang tawag nito dahil sakto namang na low-bat ang kanyang cellphone.
Ang sama- sama parin ng loob niya, nasa mataas na bahagi siya ng isang burol. Dito ang favorite spot niya, kung saan tanaw niya ang buong kabuuan ng isang resort. Kilala ang resort na ito sa kanilang lugar, ang Mendez Resort. Napuntahan na niya ito dati, kasama sina Marco at Mia.
Ito na naman siya, naaalala na naman niya ang kaibigan niyang halos kapatid na kung ituring niya.
Nakilala niya si Mia noong highschool pa lamang sila. Mabait naman ito, dahil siya pa ang naging tulay kung bakit nagkakilala sila ni Philip.
Hanggang mag college sila, halos hindi na sila mapaghiwalay. Halos gabi-gabi rin kung matulog ito sa kanilang bahay.
Sa kanya niya nasasabi ang lahat ng problema niya sa buhay, at kung minsan nga kasa-kasama niya ito sa mga travel niya abroad.
"Damn you Mia! I trusted you, pero bakit mo nagawa ito sa akin? I hate you, I hate you both liar's and fraudster's! Mga baboy! Go to hell!"
Habang nakaupo ito sa harapan ng kanyang kotse, panay din ang tungga nito ng canned beer na nabili niya kanina.
Nakailang basyo na siya ng beer, pero hindi pa siya nakukuntento.
"Agggggg!!!! I hate youuuuuuu...."
Sumisigaw niyang sabi habang nakatayo sa mataas na bahagi ng burol.
Hanggang saan siya dadalhin ng galit niya sa dalawa? Isang lata na lang ng beer ang natitira. Dumidilim narin ang paligid kaya kailangan na niyang bumaba.
Pero hindi niya alam kung saan siya pupunta, kung uuwi siya ng condo niya siguradong katakut-takot na galit ng Ama ang sasalubong sa kanya.
Lowbat narin ang cellphone niya, kahit gustuhin niyang tawagan sina Heather at Marco para sana may makasama siya pero wala siyang magawa.
"Ugggggg!!! I hate this life! Ayaw ko na'ng maging ikaw Verena.Sana ipinanganak na lang akong isang ordinaryong tao. Ayaw ko ng ganito!"
Nagdrive siya pababa ng lungsod, without even knowing kung saan talaga siya dadalhin ng kanyang kabaliwan ngayon.
Hanggang sa mapatapat siya sa isang bar.
"Montreal Platinum Bar and Lounge? Hmmm.. Masubukan ka nga!"
Nakaramdam narin siya ng hilo dala ng mga nainom niyang beer kanina.
"Akala mo ikaw lang ang may kakayahang maghanap ng iba, nagkakamali ka Philip! From now on, you are just a part of my past now!Magpakasaya kayo ng malandi kong best friend, dahil ako magsasaya ako ngayong gabi at ipapakita ko sayo na kaya ko ding maghanap ng iba! Damn you Philip, mamatay na kayong dalawa!"
Bumaba na siya ng kanyang kotse at nagtuloy tuloy siya sa loob ng bar.
"Good evening Ma'am, may I have your order please!" lumapit sa kanya ang isang waiter.
"Hindi ako kakain, dalhan niyo ako ng pinakamasarap at pinakamahal na alak ninyo!"
"This is your chance Verena, yeah!"
When suddenly a mischievous idea came up to her.
"Kung sino ang unang lalakeng lalapit sa akin mamaya kapag nalasing na ako, shoot! Sa kanya ko ibibigay ang aking virginity!"
Nakapagdesisyon na siya, dala ng matinding galit niya kina Philip at Mia, maghahanap din siya ng iba.
"Kung ano ang kaya mong gawin Philip, kaya ko rin!"
Sabay tungga nito sa isang bote ng alak. Magpapakalasing siya ngayong gabi, at maghahanap ng lalakeng pagbibigyan niya ng kanyang katawan.
Nakailang bote na siya ng alak, dumarami narin ang mga tao sa bar na iyon. May nakikita siyang mga couples mula sa malapit niya. Naniningkit na ang kanyang mga mata dala ng kalasingan niya.
"Tse! Magsaya kayo hangga't gusto niyo! Mag_hi_hiwalay din kayo pro_ promise! Heheh, wa- walang forever mga jud." lasing na nga siya, hindi na niya alam ang kanyang mga sinasabi.
"Ano bang problema mong babae ka?" mataray na sabi ng isang babae mula sa kabilang table.
"Wa_la! Mark my words, maghihi_walay din kayo ng lalakeng iy_an! They are not worth it, mga man_lo_loko ang mga lalakeng iyan!" sinisinok -sinok na turan niya kasabay ng pagduro niya sa lalakeng kasama nung babae.
Akmang susugurin na siya nung babae, nang biglang pumagitna ang isang bouncer.
"Ahm, Ma'am excuse me po ah! Lasing na po si Ma'am ganda. Huwag na po nating patulan Ma'am." wika ng isang bouncer na lumapit na sa kanila.
"Shi_no ang lashing? Hindi pa ako lashing 'no." pilit niyang wika kahit magkanda bulol-bulol na siya.
"Ma'am sa tingin ko hindi niyo na po kaya. Wala po ba kayong kasama? Pwede ka naming dalhin sa VIP room, para makapagpahinga na po kayo." Saad pa ng bouncer sa kanya ngunit ayaw niyang pumayag.
"Umalis ka sa harapan ko! Hindi mo ba ako kilala? I am the daughter of Congressman Romualdo Anderson. Try me, patatanggal kita sa tra_ba_ho mo!" pinakatitigan siyang mabuti ng bouncer saka muling nagsalita.
"Sorry Ma'am. Sige po, kapag kailangan niyo po ng tulong dito lang po kami." saad pa nito saka tuluyang iniwan si Verena.
"Akala niyo hindi ko ka_yo kayang pagtanggal sha tra_baho ninyo." pinipilit niyang magsalita. Kahit pa lasing na lasing na siya, sige parin siya sa pag-inom.
Hanggang sa napagpasyahan niyang tumayo at magpunta sa dance floor.
The loud music with it's thumping beats and pulsing rhythm's filling in the air.
"Whoaw! This is life, yeah! Come on, let's dance!"
She was lost in the moment, dancing and vibing with some groups of drunken people.
"Awwww.. Ang gwapo!"
bulong ng isipan niya, napakagat labi pa siya dahil talagang makalaglag panty ang kagwapuhan ng isang ito. Lasing din ang lalake at nakangiti ito sa kanya.