MABIBIGAT ang mga hakbang na nilisan ni Verena ang kanilang pamamahay. Nanlalabo man ang kanyang paningin dahil sa kanyang walang tigil na pag-iyak, pilit parin niyang maglakad makalayo lamang sa kanyang pamilya. Tila nakikisama ang panahon sa kanyang pighati, kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang malakas na pagtangis ng kanyang damdamin. "Ang lupit mo Daddy! " panay ang kanyang pag-iyak at hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan na sabayan pa ng malakas na pagkulog at pagkidlat. Naglakad lang siya ng naglakad nang walang kasiguraduhan ang kanyang patutunguhan. Hanggang sa isang sasakyan ang biglang umibis sa kanyang harapan. Marahil ay napansin siya ng may-ari ng sasakyan kaya biglang umibis ito pabalik sa kanya. "Miss?" tawag sa kanya ng isang baritonong boses. Wala siyang

