PAGKATAPOS ng mahabang paghihintay, nailipat narin sa wakas si Verena sa kanyang sariling kwarto. Nagtataka parin sina Leo at Marco dahil ibang kwarto ang pinagdalhan kay Verena. Nagkatinginan pa ang dalawa dahil sa sobrang pagtataka nila. "Teka Leo, hindi ito ang room na kinuha ko. For VIP ito ah." nakakunot ang noo ni Marco habang kausap si Leo. "May napapansin na talaga Marco, kanina may nagpuntang lalake dito para pirmahan ang mga papers ni V, tapos ngayon bigla siyang dinala dito sa VIP room na ito." iginala nila ang kanilang paningin sa buong paligid ng kwarto. Malawak ito at kumpleto sa mga kagamitan. May malaking flat screen TV, may minnie fridge, may dalawang kama, may mahabang couch at talaga namang nakakuha ng atensyon nila ang iba't ibang klase ng mga prutas at maraming sa

