SARIWA pa sa alaala niya ang lahat, kung paanong nilagyan niya ng gamot ang inumin ni Dos. Bigla siyang naalarma no'ng marinig niyang pupuntahan ni Dos si Heather sa hospital para magkakilala sila ni Verena. Lihim niyang nilagyan ng gamot ang bote ng alak na hawak niya saka ibinigay iyon kay Dos. "Ganyan nga Dos, inumin mo!" he smirked as he watched Dos take a sip of that wine. Naging mabilis ang mga pangyayari, tatayo na sana ito ng biglang napahawak si Dos ng kanyang ulo. Kitang-kita niya kung paano nawalan ng malay si Dos. "Lovely, tulad ng napagkasunduan gagawin mo ng maayos ang trabaho mo at makukuha mo ang kalahati ng bayad mo pagkatapos ng gabing ito." Tuwang-tuwa naman ang babae, "Syempre naman Leo— kilala mo naman ako hindi ba? Kailangan ko ng datung, hihihih.." nakatawang s

