“WHAT the heck happened to my baby?” Parang nakakita s'ya ng multo nang makarating kami sa garahe ng bahay. Napangiwi na lang ako nang ma-realize ko kung ano ang tinutukoy n'ya. Pagkatapos ay mariin n'ya akong tinitigan. “What did you do?” I just kept a straight face kahit pa guilty ako kung bakit ganito ang tingin nya sa akin. “I made it as my backup car. Alam mo na, for worst case scenario,” sagot ko habang pinagmamasdan ang mga bintana nitong tinapalan ko ng metal grids na nakita ko noon sa storage room nila sa likod ng bahay. Agad namang nagsalubong ang mga kilay n'ya. Sinubukan pa n'yang tanggalin ang ang mga 'yon pero hindi n'ya na ito mahila na naging dahilan para mas malukot ang mukha n'ya. “I welded it,” saad ko. Mabilis tuloy n'ya akong nilingon. “What?!” he exclaimed. He's

