“WOAH, easy!” sigaw ng katabi ko nang patakbuhin ko nang mas matulin ang sasakyan. Nakita ko pa ang pagkapit nya sa upuan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa harapan.
Pero hindi ko s'ya pinansin. Bagkus ay hinigpitan ko lang ang kapit sa manibela habang iniiwasan ang mga infected at mga katawan na nadadaanan namin.
“Holy s**t! Dahan-dahan at baka tapikin ka ni kamatayan!” dagdag nya pa.
I just bit my lower lip as I made a quick turn papasok sa kanto ng baranggay Santolan. Ito ang baranggay kung saan ako nakatira two years ago—when everything was still in place. Kasunod naman ng baranggay na ito ang baranggay Duhat kung saan ako tumutuloy ngayon—at kung saan ko rin ibababa ang lalaking kasama ko.
Binagalan ko na ang pagpapatakbo nang makarating na kami sa mas liblib na bahagi ng baranggay. Nakita ko namang nakahinga na rin nang maluwag ang katabi ko.
Hinarap n'ya ako habang nakasapo sa dibdib. “What the heck was that dude?” he exclaimed in disbelief.
Seryoso ko lang s'yang tinignan.
“Ayokong magdala ng kumpol ng infected sa bahay ko,” simpleng sagot ko saka tinignan kung may humahabol pa bang infected sa amin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala nang nakasunod.
“You’re crazy,” he whispered under his breath.
“Saan kita ibababa?” tanong ko sa kanya nang madaanan na namin ang malaking sign ng Welcome to Baranggay Duhat.’
Agad naman syang tumingin sa labas at nagpalinga-linga. “Ituturo ko na lang sa’yo. Diretso lang,” he then looked at me. “You also live around here?”
Tumango lang ako habang naka-focus pa rin sa pagda-drive.
“For real? I’ve never seen you though.”
“I just moved here.”
“Oh, I see,” sagot nya bago muling binalot ng awkward na katahimikan ang sasakyan. “Taga saan ka dati?” muling pambabasag nya doon.
“Santolan.”
“Ohhh, so magkalapit lang.” Tumingin syang muli sa labas na para bang sinusuri ang bawat kanto ng madadaanan namin. “Grabe parang naging ghost town na dito—oh god, nasunog yung tindahan ni Aling Tasing? Awww I feel so bad—” Gulat na saad n'ya pa habang pinagmamasdan ang mga abandonado at sira-sirang mga bahay.
“Anong ginagawa mo sa mall kanina?” pagbabago ko sa usapan. I need to know his background para naman mapanatag ako kung tamang tao ba ang sinakay ko sa sasakyan ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko na muli s'yang tumingin sa akin.
“Nakarinig kasi ako ng mga putok ng baril. I thought they were my friends, but when I came in, I only saw other survivors, and then you.”
Oh.
“Where are your friends though?” muling tanong ko.
“Nagkahiwahiwalay kami sa NLEx Marilao Exit when a horde of infected ambushed us. Dumiretso sila habang kumanan naman ako. So, I wandered around Marilao area to search for them up until maubusan ako ng gas sa tapat mismo ng mall. Sakto namang nakarinig ako ng gunshots.”
Tumango-tango lang ako saka s'ya magpatuloy.
“Then I decided to just leave my car to give them a hint as to where I might have headed. They've never been here before, so I doubt they'd be able to track me down that easily.”
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “Bakit? Taga saan ba sila?”
“Manila. Doon kami galing. Ang goal talaga namin ay makaalis sa city ‘coz dude!—sobrang lala ng sitwasyon don. Halos wala ka nang lugar na mapagtataguan dahil sa dami ng infected, hindi tulad dito sa probinsya.”
“Bakit Bulacan ang napili nyo? I think going south sounds a better option.”
“I suggested to go here dahil tagarito ako. I have never been home since the first night of the outbreak. It's been two years. I want to go home, hoping that my family is still alive,” dama ko ang pangamba sa boses nya.
Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko nang maalala ang unang gabi ng nangyari ‘to. Kung papaano unti-unting nilamon ng kung ano mang sakit na 'yon ang pamilya ko. Until now, I still can't believe I was able to survive the night on my own.
I’ve been driving around this baranggay for the past two years and I’ve never seen a single survivor yet. I didn't want to kill his hopes, so I remained silent and said nothing about it.
“I just realized something.” Napatingin ako sa kanya nang sabihin n'ya 'yon. “Kanina pa tayo magkasama pero hindi ko pa alam ang pangalan mo.”
Ibinalik ko ang atensyon ko sa daan. Wala akong balak makipagkaibigan o makipagkilala man lang sa kanya, kaya’t hindi na ako nag-abala pang alamin ang pangalan nya.
“That’s nothing important,” simpleng sagot ko pero hindi nya 'yon pinansin.
“f**k it. Minsan lang ako makakilala ng ibang survivor, kung meron man karamihan ay mga gago, lalo sa Manila. C'mon. At least give me your name before we separate our ways. I’m Tanner,” pagpupumilit n'ya.
Fine, he won’t shut his mouth, will he? isip-isip ko. Isa pa, ngayon ko lang na-realize na after two years ay ngayon na lang ulit ako nakihalubilo sa ibang tao. Hindi na rin nakapagtataka na hindi ko alam kung paano sya pakikitunguhan lalo na’t noon pa man ay ilag na ako sa mga tao.
I sighed. “Quin,” banggit ko.
“Quin as in queen?”
“No. Quin, short for Quinton.”
“Interesting name, huh?” he sounds amused.
“There’s nothing special about it, honestly.”
“But it sounds great.”
“Doesn’t matter.”
Muli s'yang lumingon sa akin. Tinitigan nya muna ako bago sya tuluyang nagsalita. “You’re a man of few words, aren’t ya?”
I didn’t answer. Kunot-noo lang akong nakatingin sa daan.
“See? Hindi ka magsasalita kung hindi tatanungin. Come on, I just told you something about me. Tell me something about you,” muling pagpupumilit nya.
Ugh.
“What would I tell you? I have nothing to share.” Pinilipit kong tapusin ang conversation namin dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Noon pa man ay hindi na ako komportable kapag may kumakausap sa akin na hindi ko kilala personally.
“Like, uhm—” huminto muna sya para mag-isip “—like bakit mag-isa kang kumukuha ng supplies? Bakit hinahayaan ng mga kasama mong lumayo nang mag-isa ang batang gaya mo?”
Agad ko s'yang tinapunan ng matalim na tingin. “I told you, I’m not a kid!”
“Still. So tell me.”
I took a deep breath to suppress my frustration. Inisip ko muna kung dapat ko bang sabihin na mag-isa na lang ako dahil baka bigla nya akong ambushin pag na-realize n'yang walang ibang tutulong sa akin. Pero naisip ko rin na may bahay rin sya rito, so probably my resources na s'ya kaya’t hindi n'ya na ako kailangan pang nakawan or what.
“I live alone,” I told him.
Nang lingunin ko sya, nakita ko ang pagbagsak ng panga nya at panlalaki ng mga mata nya.
“Since when?” hindi makapaniwalang tanong nya. "Anong nangyari sa mga kasama mo?"
“Since that night,” pagtukoy ko sa unang araw kung kelan nagstart ang lahat na mas lalo n'yang ikinagulat.
“What? We-Wait. As in nung gabi nung outbreak?”
I nod.
“Where’s your family then?”
I didn’t answer. Mukhang nakuha naman na nya agad ang ibig sabihin non.
I heard his sigh. “Dang it. Papaano ka naka-survive?”
“I told you. Don’t underestimate me. I have some skills." I just said that to let him know that I'll put up a good fight if he ever attacks me.
“I can’t even imagine it. Hindi ka ba nalungkot? You know, na-depress? I mean, dude, you’re living alone for two freaking years in this depressing time.” Nakasense ako ng awa mula sa tono ng boses nya.
If you only knew. I was crying every single day, sagot ko sa utak ko.
“I’m not totally alone, at least. I have my cat,” sagot ko na lang.
“Oh, so how about your supplies? Hindi madaling kumuha ng loot. Judging your physique, even with your small body frame, you still seem healthy.”
“I have my ways. I can say that I’m very much capable. That’s why I survived.”
Muling napunta sa labas ang atensyon nya. “Ayon, turn left,” pagturo n'ya sa daan kung saan may malaking bahay na nakatirik.
Ang akala ko ay ayon na ang bahay nya pero pagliko ko ay pinadiretso n'ya lang ako. Hanggang sa paunti na nang paunti ang mga bahay at tuluyan na kaming napunta sa daan kung saan tanging bukirin na lang ang makikita.
This is the exact way to my house, I thought. So he lives near me, huh?
Maya-maya lang ay may tinuro na s'ya sa kalayuan. “There, there! Oh gosh! I miss my home.”
He’s joking right? Nanlaki ang mga mata ko nang sundan ko ng tingin kung saan s'ya nakaturo.
Ilang metro na lang ang layo namin doon sa bahay nang huminto ako. Tanaw na rin kasi ang ilang infected na malapit dito.
I quickly faced him. “You’re joking, right?” gulat na tanong ko sa kanya.
Agad namang nangunot ang noo nya. “What do you mean?”
“Are you being serious?”
He paused. “I’m so damn serious. Huh?”
Napamura ako sa isip ko.
Ang tinutukoy n'ya kasing bahay ay ang bahay kung saan ako tumutuloy ngayon.
Nang titigan ko sya, doon ko lang na-realize kung bakit familiar s'ya sa akin. Hindi ko s'ya sa campus nakita. Nandoon s'ya sa malaking family picture na naka-display sa bahay paakyat ng second floor.
Shit.
Why am I so dumb?
Bigla tuloy akong nakaisip ng mga hindi magagadang bagay. Naisip kong sipain sya palabas ng sasakyan at ipakain sa mga infected pero mas nanaig ang konsensya ko. I stayed in their house for so long. Napakasamang tao ko naman kung gagawin ko ‘yon. Agad tuloy akong nakaramdam ng utang na loob sa kanya.
Ugh.
“What’s the problem?” tanong nya na may bakas ng pangamba. “Yung mga infected ba? Sagsaan mo na lang.”
I locked my gaze on him for a few moments before returning my attention back to the road. I bit my lips, thinking about what should I do.
Papaalisin n'ya ba 'ko?
Saan ako tutuloy kung sakali? Hahanap na lang ng ibang bahay? Pero nandoon na sa bahay nila ang mga resources ko.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko saka ko inilabas ang controller ng remote-control car.
Bahala na!
Pinaandar ko ang laruang sasakyan. Mabilis namang nagsilingunan ang mga infected dahil sa ingay na ginagawa ng mga lata na nakatali sa laruan. Pinaandar ko ‘yon palayo sa amin, ilang metro rin ang layo sa bahay. Dali-dali namang hinabol iyon ng mga infected.
“Ano ‘yan?” Narinig ko pang tanong ni Tanner pero hindi ko na lang sya pinansin at inabot ko na lang sa kanya ang controller.
“Paandarin mo palayo sa bahay,” utos ko saka muling pinaandar ang makina ng sasakyan bago pa man kami mapansin ng mga infected na ngayon ay sapat na ang layo sa amin.
Sinunod nya ang utos ko kahit pa bakas ang pagkalito sa muka nya.
Agad ko nang hininto ang sasakyan nang tuluyan na kaming nakarating sa tapat ng bahay.
“Baba! Bilis,” ssal ko saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan at tinungo ang backseat.
“Holy s**t! Ano yan?!” napasigaw s'ya nang makita ang dalawang infected na nakatali sa gate. Napatalon pa sya palayo nang sinubukan syang abutin ng mga ito.
Dali-dali ko na lang kinuha ang backpack ko sa backseat na puno ng supplies at hinagis iyon sa loob ng bakod. Pagkatapos ay ang mga bags ng kape.
“Tulungan mo ko rito bilis,” pagkuha ko sa atensyon nito na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa presensya ng dalawang infected. Pero agad din naman syang sumunod at ginaya ang ginagawa ko.
Huli naming inilabas ay ang basket. Nag-alangan akong ihagis iyon dahil baka masira at magkalat ang mga supplies. Kaya naman binuhat ko na lang iyon saka mabilis na inilock ang kotse.
Nagtungo ako sa gilid ng bakod kung saan may maiksing tali na nakalabas mula sa loob nito. Nang hilahin ko iyon ay agad naman itong humaba. Iyon ang ginagamit ko paakyat ng bakod. Masyado kasing delikado kung bubuksan ko ang gate dahil baka masalisihan ako ng mga infected.
“Akyat." Pagtulak ko sa lalaki.
“Teka bakit—” Aalma pa sana sya pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga infected kanina na pasugod na ngayon sa direskyon namin. Napansin na nila kami!
“Basta, akyat!” matigas na sabi ko kaya wala na s'yang nagawa kundi ang hilahin ang sarili paakyat gamit ang tali. Nang tuluyan na s'yang nasa taas ng bakod, itinaas ko ang basket ng supplies para maabot nya. Nang kuhain nya ito ay dali-dali na rin akong umakyat sa bakod. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko dahil sa adrenaline at kaba. Kaunting hakbang na lang kasi ay maaabot na ako ng mga infected sa ibaba.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan na akong makaakyat. Nanindig pa ang mga balahibo ko nang makita ang kumpol ng mga infected sa ibaba. Ang iba ay sinusubukan pang tumalon para abutin kami.
“Holy s**t,” bulong ni Tanner habang pinagmamasdan din ang mga ito.
“Amina yung controller,” sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay muli kong pinaandar ang laruan na sasakyan saka iyon nilusot sa maliit na siwang ng gate. “Let’s go,” usal ko na lang saka tuluyang tinalon ang loob ng bakod.
Nang sumunod si Tanner, agad s'yang naglibot ng tingin sa buong bakuran bago s'ya muling tumingin sa akin. I think he already understood the situation.
“Anong ibig sabihin nito?” makabuluhang tanong n'ya.
My heart almost skipped a beat, but I made sure to keep a straight face. “I live here,” diretsong sagot ko na ikinakunot ng noo nya.
He didn’t answer.
“Since day one,” dagdag ko pa. “No one was here when I arrived.”
Agad na sumilay ang pagkagulat sa expression n'ya dahil sa huling sinabi ko. Ilang segundo s'yang natulala bago tuluyang nagsalita.
“What do you mean? Where’s mom? Si papa? Tristan? Timothy? Asan sila?” Bakas ang pangamba sa kanya.
I shrugged. “I’m sorry. Walang tao rito pag dating ko.”
“What—”
“Pero huwag ka panghinaan ng loob,” pagbawi ko saka ko inilabas ang wallet ko na palagi kong dala kahit pa hindi na ‘to mahalaga sa panahon ngayon. Inilabas ko ang kapiraso ng papel at inabot iyon sa kanya.
Ito yung note na nadatnan kong nakadikit sa ref nila two years ago. I made sure to keep it kahit pa walang kasiguraduhan na makauuwi pa ang tinutukoy doon.
Binasa n'ya ‘yon.
“I think that’s yours. Sa tingin ko ay umalis sila bago pa magkagulo. So, may chance na buhay pa sila... if they got lucky,” dagdag ko pero pabulong na lang ang huli kong sinabi.
I honestly don’t know what to say.
Nakita ko naman ang pag-relax ng expression nya nang muli n'ya akong tignan. “But that was too long ago—I mean—why do you still have this?” Inangat nya ang papel na hawak.
I crossed my arms. “Tinabi ko yan para sana panghuthot sa kung sino mang 'TL' ang tinutukoy sa note. Sabi ko, if ever na umuwi sya ay makikiusap akong huwag akong paalisin dito,” diretsong sagot ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
Sumilay ang mga ngiti sa muka n'ya.
“Sure, but—” muli n'yang inilibot ang tingin n'ya sa buong bakuran at sa bahay, “—living in my house for two years is not for free.”
Nangunot ang noo ko. “We’re currently facing the end of the world, mister. Money has no value anymore."
“Uhmm wala akong sinabing gusto ko ng pera. I haven’t thought about it yet, but you owe me, ha?”
I just rolled my eyes, but I’m still relieved that he has no plan on throwing me out.
“Whatever it is,” sabi ko na lang saka s'ya tinalikuran para pulutin na isa-isa ang mga supplies sa sahig. Narinig ko na lang ang pagtawa n'ya sa likuran ko.
Damn, hindi ko alam na darating pa ang araw na ito.
What a coincidence.