NAPADAING ako sa sakit ng likod ko nang bigla akong lumagapak sa sahig. I tried to scream but it came out inaudible because of someone’s hand covering my mouth. I was about to throw a punch at him, panicking, but I stopped when he leaned closer to whisper in my ear.
“Stay still kung gusto mo pang mabuhay,” may halong pagbabantang usal nya, but it sounded more of a plead than a threat.
Sinubukan kong pa ring alisin ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko pero mas humihigpit lang iyon sa bawat paghila ko doon. Muli naman nya akong niyuko. He shushed again before returning his gaze to the entrance of the coffee shop.
Doon ko lang sya nagawang pagmasdan. He is wearing a mask covering half of his face. Tanging mga mata lang nya ang nakikita ko. Just like me, he’s also drenched in sweat, making his grey shirt turned into a deeper shade of grey. He has broad shoulders, a well-defined chest that pokes through his soaked shirt, and I can tell he's fairly tall as well. Hindi na rin kataka-taka ang bigat ng katawan nya na nakadagan sa akin ngayon. Hindi ko matandaang kasama sya ng mga humahabol sa akin, so maybe he’s not one of them.
Muli syang yumuko sa akin. “Tatanggalin ko 'tong kamay ko sa bibig mo, but promise me you’d keep your mouth shut.”
Napatitig ako sa talim ng tingin nya na sumusukol sa akin bago ako tuluyang tumango. Naramdaman ko naman ang unti-unting paggaan ng kamay nya sa bibig ko hanggang sa tuluyan na syang umalis sa ibabaw ko, but he remained crouching, hiding under the counter.
Muli akong nakahinga nang maayos nang muli akong makabalik sa pagkakaupo. He placed his index dinger on his lips, asking me to stay quiet.
I just responded with a nod. I know, isip-isip ko.
Pagkatapos ay itinuro nya ang pintuan sa likuran namin na may nakasulat na ‘For staff’s only.’ Agad ko naman iyong naintindihan kaya muli na lang akong tumango.
Nagbilang sya sa daliri nya—one, two, three!—saka sya gumapang patungo sa pintuan para buksan iyon. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya, bitbit pa rin ang mga supplies ko.
Hindi naka-lock ang pintuan. Sa palagay ko ay kanina pa s'ya nakatago rito bago n'ya ako hilahin. Pagkapasok namin ay mabilis na nyang ini-lock ang pinto saka nya inusad ang pinakamalapit na mesa upang ipangharang doon. Napaupo na lang ako sa pinakamalapit na stool sa gilid habang hinahabol ang hininga ko.
Woooh, akala ko madadali na ko don.
Hindi nagtagal, umalingawngaw sa labas ang sigawan ng dalawang lalaki. Alam ko na agad kung ano ang nangyari sa kanila.
They’ve been eaten.
Muli namang dumako ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. He’s now facing me or more of—scanning me, maybe checking if I’m armed or what. We stared at each other for a whole-ass minute before he finally broke the silence.
“Ikaw ba yung hinahabol ng mga ‘yon?” he asked. Tinitigan ko muna sya nang ilang sandali bago tuluyang sumagot.
“Hmm,” tipid na sagot ko. I cannot fully trust him yet. Kahit pa iniligtas nya ako doon, hindi ko pa rin sya kilala. Malaki syang tao at madali nya akong mapapatumba sa isang iglap lang.
“Dahil--?” muling tanong nya.
Tinignan ko lang ang basket ng supplies sa sahig. “They wanted to steal my loot.”
He nods. “How many are they?”
“Four.”
“Pero dalawa lang yung nakita ko sa labas ng shop,” he wondered.
“I was able to injure the other two,” simpleng sagot ko na ikinataas ng kilay nya.
“Is that so? So you are capable, huh? Nakita kong may baril yung isa sa kanila,” may halong pagkamanghang saad n'ya. Hindi nya ata inaasahan ang sinabi ko.
Hindi ko s'ya sinagot. I didn't know what to say.
“How?” muling tanong nya na ipinagtaka ko.
"Huh?"
"How'd you do it?" paglilinaw nya.
"Oh." Mukhang nagdududa pa rin s'ya na napatumba ko yung dalawa sa kanila. Baka iniisip nito na may mga kasama ako. Pero itinaas ko lang ang hawak kong golf club na ikinalaki ng mga mata nya.
“Do you know how to swing it?” gulat na tanong nya.
Agad akong umiling. “I don’t play golf. But I don’t have any weapons with me, so—”
“Ohhh, I know how to play golf. Anyway, anong ginagawa mo rito?” random na tanong nya. Muli ko namang tinignan ang supplies ko saka sya binigyan ng “obviously”-look.
“Oh-yeah yeah of course to gather some supplies. Malapit ka lang ba rito?”
I shook my head. “I drove all the way here.”
Muling nanlaki ang mga mata n'ya. Kahit nakatago ang kalahati ng muka nya sa mask na suot nya, sure akong gulat ang expression n'ya. “May sasakyan ka? Great!” He didn’t even let me answer. “It wouldn’t hurt if you would give me a ride naman 'di ba?”
Agad na nangunot ang noo ko. Hindi ko pa sya lubusang pinagkakatiwalaan tapos gusto n'yang sumabay? We just met few minutes ago!
“It certainly wouldn’t hurt me... but it might hurt you,” pagbabanta ko.
Bigla naman syang nagtaas ng dalawang kamay nang ma-realize ang sinabi mo. “Look. Hindi pa rin naman kita pinagkakatiwalaan, at alam kong ikaw rin sa akin. Pero kailangan na kailangan ko lang talagang makaalis dito. My place is just few miles from here.”
I pressed my lips. “That’s right you shouldn’t trust me. So dapat hindi ka rin basta-basta sumasabay sa sasakyan ng taong hindi mo pa naman pinagkakatiwalaan,” I said with monotonous tone.
I’m trying my best to convince him na huwag nang sumabay sa akin. I think it’s quite obvious that I don’t want to give him a ride, but I don't know how to refuse after he saved me back there.
“As if naman you’re a threat. How old are you again? Sixteen?” may halong pang-iinsulto nya na ikinakulo ng dugo ko.
The heck?
Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa.
Minamaliit nya ba ako? I may be short for my age but I’m not sixteen!
“Say what you want. Paalala ko lang sa'yo na napatumba ko yung dalawa sa kanila,” pagpipigil ko sa inis ko. “Also, I’m already nineteen,” dagdag ko pa. I don’t know why I even bothered to say that to him. It was really unnecessary.
“Oh, you look a lot younger though.”
I closed my eyes to suppress my frustration. “Shut it.”
“I’m twenty-three,” he randomly said. Gusto ko sanang sabihing ‘nobody asked’ pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Rather, I replied something more childish.
“Oh, you look a lot older. I thought you’re already in thirtiees,” panggagaya ko sa kanya pero narinig kong tumawa lang sya.
“Talaga ba?” panghahamon n'ya saka ibinaba ang mask na nakatakip sa muka nya kaya sumilay sa akin ang buong muka nito. Napataas pa ako ng kilay dahil hindi iyon ang inaasahan kong itsura nya. He looks... a bit better.
He smirked as he stepped closer towards me, but I kept a straight face.
“It didn’t change my mind,” pagsisinungaling ko.
He seems to be a typical college guy. Napaisip pa nga ako kung schoolmate ko ba s'ya dati dahil medyo familiar s'ya sa akin. I thought I’ve seen him in the college department of our school, but it doesn’t matter to me now.
He just rolled his eyes. “Oh, come on! I know I look great,” hambog na turan nya saka muling ngumiti sa akin. Tsk! “Isa pa, you owe me. Kaya isasabay mo ako sa ayaw at sa gusto mo,” pinal na sabi nya saka nagpalinga-linga sa loob ng staff’s room.
I gritted my teeth. He used the 'utang na loob' card. Kung hindi n'ya ako hinila kanina ay baka nabaril na ako nung dalawang kumag na humahabol sa akin o kaya naman nakain na ako ng mga infected.
Ugh!
Isa pa, he seems he wouldn’t take no as an answer. Lugi ako kung makikipag-away ako sa lalaking ‘to.
Fine! One ride won’t hurt me anyways, sigaw ko sa utak ko.
Inilibot ko na rin ang tingin ko sa buong lugar. Sa palagay ko ay stock room ng coffee shop. Napansin ko kasi ang bag ng mga powder at coffee beans sa mga shelves nito. Lumipat ang tingin ko sa lalaki na tahimik lang na kumukuha ng malalaking bag na ikinainggit ko kaya naman kumuha na rin ako saka itinabi ang mga ‘yon sa basket ko.
Napalingon sya sa akin. “Do you also like coffee?” manghang tanong nya habang nakatingin sa bag ng kape ng hawak ko.
I just nod.
“God same. Ever since, coffee has already been my booster. Believe me or not, it keeps me sane during this time,” rinig ko pang usal nya. Parehas pala kami, pero hindi ko na iyon sinabi sa kanya. “Haha swerte mukhang magagandang quality ng kape ‘tong mga ‘to. Sa tingin mo pwede pa ‘to?”
I shrugged. “I think so,” maikling sagot ko saka muling inilibot ang tingin ko sa lugar. Pansin kong may dalawa pang pinto. Sigurado akong banyo ang isa doon.
“Now, we only have to do is to find a way out—” Lumapit sya sa pintong pinasukan namin saka itinapat ang tenga doon “—We cannot go out yet. Marami pa sila sa labas. We’re trapped.”
Tinalikuran ko s'ya saka naglakad patungo sa isang pinto. “No we’re not,” saad ko saka s'ya muling hinarap.
Agad namang nagsalubong ang mga kilay nya. “Huh?”
Naglakad pa ako saka inusad ang isang shelf. Sumilay doon ang ‘emergency exit’ na nakadikit sa pader na natatakpan kanina. Unti-unti namang nagliwanag ang muka ng lalaki bago sya tuluyang ngumiti nang pagkalaki-laki.
“Holy f**k! Ha! Kung sinuswerte ka nga naman,” tuwang-tuwa na sabi nya saka nagmamadali na ring lumapit.
“Huwag ka muna agad magsaya,” muling turan ko saka inangat ang padlock ng pinto. Nakita ko naman ang mabilis na pagbagsak ng balikat nya.
“Eh?” He utters, dumbfounded.
“Baka nakasabit or nakasuksok lang somewhere yung susi. Let’s look around,” suhestyon ko saka muling nilibot ang silid. Pero ilang minuto pa lang akong naghahanap nang makarinig ako ng malakas na pagpukpok ng metal. Literal na tumalon ang puso ko saka nagmamadaling tinignan ang pinanggalingan non.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita yung lalaki na hawak ang stool na inupuan ko. Pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa padlock na ngayon ay nasa sahig na. Sa palagay ko ay hinampas ito nung lalaki.
“What did you do?!” I almost shouted in disbelief.
Nginitian nya lang ako. “Uhm-setting us free?”
Agad akong napahilamos. Hindi ba sya nag-iisip?
Huminga muna ako nang malalim bago sya muling hinarap. “Well, let me inform you that it will only make things worse for us,” frustrated na sabi ko.
Tinignan n'ya lang ako nang may pagtataka habang dali-dali ko namang binuhat ang supplies ko. Muli ko s'yang binato ng matatalim na tingin.
“Go get your stuff and we’ll leave immediately before—” I got interrupted when we heard a loud bang from the door.
Napatulala ako nang ilang segundo dahil sa gulat bago ko muling hinarap yung lalaki. “Wow, great. Look what you’ve done. Bilis!” sarcastic na sabi ko saka nagtungo na sa emergency exit.
Bumakas naman ang pagpapanic sa muka n'ya nang mas dumami at lumakas ang pagkalampag ng pintuan. Sa lakas nito ay parang kahit anong sandali lang ay magigiba na ito.
I heard him curse. “f**k, sorry. I thought that was a great idea s**t s**t shit.”
Hindi ko na lang s'ya pinansin at dahan-dahan ko nang binuksan ang emergency exit. Hinanda ko ang golf stick ko kung sakaling may naghihintay na infected sa likod ng pinto. Pero bumungad lang sa akin ang driveway ng mall nang tuluyan ko na itong mabuksan.
Nasa second floor kami. Tanging ang makipot na hagdan lang ang daan pababa. I quickly scanned the place. No infected in sight. Kaya naman muli ko nang nilingon ang lalaki na ngayon ay nagmamadali na ring papunta sa direksyon ko.
“Get that stool,” Mariing utos ko saka tinignan ang stool na pinanghampas n'ya kanina.
Muli akong napatingin sa pintuan. Dozens of infected are banging it. Sa kondisyon nito, alam kong ilang sandali lang ay tuluyan na itong bibigay.
“Get out, bilis!” dagdag ko nang makuha na nya upuan na bakal. Hindi ko na lang pinansin ang mahihinang mga mura nya nang lampasan nya ako.
Dali-dali na akong lumabas at isinara ang pintuan. “Insert that here!” muling utos ko saka itinuro ang siwang na maaaring paglusutan ng paa ng upuan para magsilbi itong lock sa pinto. It will buy us more time. Pagkatapos ay mabilis na kaming nagtungo pababa nang tuluyan na n'ya 'yong mailagay.
“Nasan yung sasakyan mo?” tanong nya nang tuluyan na kaming makababa, but I immediatelycovered his mouth.
“Shhh. Keep it down. Nakita kong mas marami ang nasa entrance,” I whispered.
Agad naman n'yang tinanggal ang kamay ko saka pabulong na nagsalita. “Where’s your car? I know a way out.”
Tinignan ko s'ya. He looks serious about it. “Few meters away from the overpass.”
He nods. “Great. This way,” he replied before he turned his back and took the point. Pero muli syang huminto nang na-realize n'yang hindi ako sumunod sa kanya. “What?” he mouthed.
I just stood there, measuring the situation. Nang ma-realize n'yang wala pa akong balak sumunod, muli s'yang lumapit sa akin, mukhang frustrated na rin pero pinanatili n'yang kalmado ang sarili.
“Look. Gets kong hindi mo pa 'ko pinagkakatiwalaan, and I truly understand. This time, ako ang may kaylangan sa’yo, so I won't hurt you if that's what bothers you. Plus, I have no intention of getting into a fight with you, unless you started it. I don't have enough time or energy for that,” seryosong turan nya. Tinitigan ko pa muna sya nang ilang sandali bago ako tuluyang tumango na ikinaliwanag ng muka nito. “Great! Now follow me.”
I don’t trust him yet. He can easily ambush me whenever he wants, pero nasa likuran n'ya ako. I have the advantage if ever. Isa pa, nasa akin ang susi ng sasakyan. Hindi nya ako basta-basta masasaktan.
Pansin kong patungo kami sa pader na nakabakod sa mall. Saktong direksyon din ito kung nasaan ko iniwan ang sasakyan. Maya-maya lang ay sumilay sa amin ang butas sa ibabang bahagi ng pader. Mukang gets ko na ang daan na tinutukoy nya. Nang silipin ko ito, nakita ko ang matataas na damo na tumatakip dito.
“Is that safe?” diretsong bungad ko.
Agad naman s'yang tumango. “Dito ako dumaan. I’ll go first,” hindi nya na ako hinintay na sumagot at agad na s'yang lumusot sa butas bitbit ang mga bags ng kape na nakuha nya. Hanggang sa tuluyan na syang nilamon ng mga damo.
Nakipagtalo pa muna ako nang ilang sandali sa sarili ko bago ako tuluyang sumunod sa kanya. Tanging matataas at malalagong damo lang ang sumalubong sa akin hanggang sa tuluyan na akong nabangga na nagpahinto sa akin.
“Aw!” rinig kong daing nito.
“Sorry,” nahihiyang usal ko bago tuluyang hinawi ang damo na nakaharang sa aming dalawa.
Nang tignan ko sya, napansin ko na kaya nyang ilabas ang ulo nya sa damo dahil sa tangkad nya. Samantalang hanggang balikat nya lang ako kaya’t kakailanganin ko pang lumundag para lang matanaw ko ang nasa taas ng damuhang ito. Pero bago ko man ito magawa, agad n'ya na akong pinigilan.
“Don’t jump. Magagalaw ang mga damo at baka makaagaw pansin ito. May nakikita akong tatlong infected sa kalsada,” seryosong sabi n'ya na ikinayuko ko na lang. What a nice timing para maging maliit. Meh.
I gasped when I suddenly felt a pair of hands on the side of my chest. Ilang sandali lang ay wala na ang paa ko sa lupa.
“Take a look,” muling bulong n'ya habang buhat ako. Tanging ulo ko lang ang nakalabas sa damuhan.
Doon ko lang napagmasdan ang kalsada na ilang metro lang ang layo sa amin. Gaya nga ng sabi nya, may tatlong infected doon. Sa isang banda ay tanaw na rin ang sasakyan ko. Mabuti na lang at medyo malayo ito doon sa tatlong infected. Mukhang natangay ko na ang karamihan sa kanila nang habulin nila ako papunta sa entrance ng second floor kanina.
“Okay na. T-Thanks,” nahihiyang usal ko saka nya ako tuluyang ibinaba.
“Isa ba doon yung sasakyan mo?” tanong nya. Sa palagay ko ay tinutukoy nya yung kumpol ng mga sasakyan sa kalsada.
Tumago ako. “Hmm. Yung grey sa pinakadulo.”
“Great spot. We can just avoid those three. Let’s go.”
Ilang minuto pa kaming naglakad. Ingat na ingat kami sa bawat paghawi ng mga damo para huwag makaagaw pansin, lalo na ng mga infected. Dahil nga hindi ko nakikita ang labas, tahimik lang akong nakasunod sa kan'ya hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas doon. Dali-dali kaming yumuko at nagtago sa isang sasakyan na malapit lang sa sasakyan ko.
Doon ko lang nasilayan ang kabuoan ng kalsada. Ilang metro ang layo sa amin nung tatlong infected. We can make it for sure.
This time, ako na ang nauna. I guided him towards my car without making a sound. Maingat kong binuksan ang backseat at nilagay ang ang mga supplies na nakuha ko. Agad kong naramdaman ang pangangalay ng likod at braso ko dahil sa bigat non, pero hindi ko na ininda ito. Inilagay na lang din doon ng lalaki ang mga bags ng kape na nakuha n'ya.
Nagtungo na ako sa driver’s seat nang hindi inaalis ang mga tingin sa tatlong infected. Nang tuluyan na akong nakapasok ay agad ko nang ini-start ang engine. Bumukas na rin ang passenger’s seat kung saan umupo ang lalaki.
“Wait, do you really know how to drive?” bungad nya. Tinapunan ko lang s'ya ng matalim na tingin bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan. Binalot naman kami ng ilang sandaling katahimikan bago ako nagsalita.
“Saan ka bababa?” I asked without looking at him.
“Sa susunod na munisipyo—Bocaue. Tuturo ko na lang sa’yo kung saang baranggay.”
Napadiretso ako ng upo. “Tell me. Taga-Bocaue ako.”
“Oh!” he exclaimed. “Baranggay Duhat! Alam mo yon?!” He sounds excited.
I stayed silent. No wonder kung bakit familiar s'ya. Magkasunod lang kami ng baranggay. Siguro ay nakita ko na s'ya somewhere.
Tinanguan ko s'ya.
“Very well,” sagot ko na lang saka na mas binilisan ang pagpaatakbo ng sasakyan.