“HOY bata!” Nanigas ang likod ko nang biglang may sumigaw sa likuran ko. I know they’re calling me.
Am I gonna look or... should I run? Pagdadalawang-isip ko but I chose the former.
Tumigil ang paghakbang ko at dahan-dahan silang nilingon. I maintained a straight face. Kailangan kong ipakita na hindi ako naaalarma sa presensya nila kahit pa ang totoo ay nagpapanic na ako deep inside. I must show them that they picked the wrong target; but with my looks, I don't think they'll buy it.
Bumungad sa akin ang tatlong lalaki at isang babae. The first guy seems in a mid thirties, with broad shoulders, agaw pansin din ang malaking tattoo nito sa kanang braso at sa leeg. Yung pangalawang lalaki naman ay mukang nasa bente anyos lang but he’s the tallest among the group. The last guy, looks like in the late twenties, he’s the shortest among them but I noticed a gun on his side. Yung babae naman, sa tingin ko ay kaedaran ko lang--barely twenty, she’s holding a baseball bat with a stern look on her face.
Judging their looks, I would be dead meat for sure if I would attempt to run away.
“Mag-isa ka lang?” tanong nung lalaking may tattoo.
To be honest, I can already feel my knees trembling, but I'm trying my best not to show it. I just stared at them, not showing any emotion.
“What do you want?” I asked, not answering his question. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga nya na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko.
Ooops.
Naagaw ng pinakamaliit na lalaki ang atensyon ko. Nakita ko kasing gumalaw ang kamay nito at kinuha ang baril sa tagiliran nya. He then looked at me with a grin on his face.
“Simple lang ang gusto namin. Iyan,” diretsong sagot nya saka itinuro ang mga na-loot kong supplies.
I cleared my throat. Pakiramdam ko ay nanunuyo na iyon dahil sa kaba. “Bakit hindi kayo kumuha sa loob? Marami pa naman,” pagmamatapang ko na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay nila.
“Hindi ka ba natatakot samin, ha?” maangas na tanong nung pinakamatangkad.
I didn’t answer.
“Ibibigay mo 'yan sa amin o bubutasin ko 'yang noo mo gamit ito?” pagbabanda nung huling lalaki saka itinaas ang baril na hawak n'ya. I admit that the sight of that metal in his hand sends shivers into my body.
“Hoy bata wala kang laban sa amin,” dagdag pa nung babae.
I know and hindi ako bata. I’m already turning twenty next year.
Ilang sandali akong hindi sumagot. Nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Ibigay ko na lang ba sa kanila ‘tong supplies at kumuha na lang ng panibago sa loob?
Tama.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang paningin ko pabalik sa entrance ng hypermarket. I noticed three figures of the infected walking in one of the shelves. Mabuti na lang ay nakatalikod ang mga ito sa amin.
No.
I cannot give these to them. I cannot go back inside with all those infected. Ni hindi ko nga alam kung saan ba sila galing. For sure hindi ito nakikita nung apat dahil nakatalikod sila sa entrance ng hypermarket habang nakaharap sa akin.
“No, these are mine,” matigas na usal ko. “Nagawa ko ngang kumuha nito mag-isa. Tatlo kayo. Y’all will be fine,” dagdag ko pa habang pasimpleng pinagmamasdan ang tatlong infected sa loob ng hypermarket.
“Aba’t ang tigas ng bungo mo ha—” Hindi na natapos nung unang lalaki ang sasabihin nya nang kumuha ako ng isang lata ng sardinas sa basket ko saka binato iyon sa kanila. Gumawa ito nang malakas na ingay nang tumama ang lata sa tiles na sahig.
Tinignan nila ako nang may pagtataka. Bahagya pang natawa ang lalaking may hawak ng baril bago n'ya ako tinutukan.
“Ha! Babato ka na lang, duling pa!” pang-aasar nya, pero binigyan ko lang sila ng isang ngiti.
I did that on purpose. Mas napangiti ako nang makita ang mabilis na pagbaling ng ulo ng tatlong infected papunta sa direksyon namin. Ilang sandali lang ay pasugod na itong tumakbo sa amin.
I'm sure they have already heard the infected's screech when a shock expression registered on their face. Mabilis nilang nilingon ang tatlong infected na ngayon ay ilang metro nalang ang layo sa kanila. The short guy instantly pointed his gun at the nearest one and fired. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong tumakbo palayo sa kanila. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang muli kong marinig ang sigaw nila.
“Tumatakas sya!” sigaw nung babae.
Nasundan pa iyon ng panibagong sigaw ng isa sa mga lalaki, “Habulin nyo!”
Shit. I cursed when I heard some footsteps chasing me. Hindi ko na nagawang lumingon at nagmamadali na lang akong nagtungo sa nakahintong escalator paakyat ng second floor.
Dali-dali akong pumasok sa pinakamalapit na stall pagkaakyat ko. Saka ko lang narealize na kitchenware shop ang napasukan ko. Agad naman akong humila ng kutsilyo sa knife set na nadaanan ko saka mabilis na nagtago sa likod ng mga appliances sa bandang sulok ng store.
“Nakita kong pumasok sya rito,” narinig kong usal ng isang lalaki sa entrance ng store. Isinuksok ko ang kutsilyo sa likod ng sapatos ko saka hinawakan nang mahigpit ang golf stick ko.
“Magbantay ka rito,” dagdag pa nung lalaki bago muling natahimik ang paligid, maliban sa mangilan-ngilang putok ng baril na naririnig ko galing sa ibaba.
Napigil ang paghinga ko nang marinig na mas lumalapit ang paghakbang sa direksyon ko. Isang pares lang iyon ng mga paa. Kaya naman hinanda ko ang sarili ko sa kung ano mang pwedeng mangyari.
Three... two... one! I crouched.
Bumwelo ako saka umamba ng hampas nang makita ko ang binti ng lalaki sa gilid ko. Tumama ang golf stick sa tuhod nya na nasundan pa ng malakas na pagdaing nito. I heard a loud snap from his bone, but I took that as an opporunity to escape. Dali-dali ko nang binuhat ang basket ng supply sa kabilang kamay ko saka nagmamadaling tumakbo palabas ng entrance.
Sa entrance ay nakita ko ang gigil na itsura ng babae. Nabitawan ko ang golf stick ko nang yumuko ako para iwasan ang paghampas nya sa'kin ng baseball bat.
“You b***h!” rinig kong sigaw pa nya.
Mabilis kong hinugot ang kutsilyo na nakasuksok sa sapaos ko at agad iyong ibinaon sa binti nya. She cried. Nang mapaluhod ito dahil sa sakit, muli ko nang dinampot ang nabitawan kong golf stick. Narinig ko pa ang pagsigaw at pagmumura nung babae pero hindi ko na s'ya pinansin at agad ko nang nilisan ang stall na ‘yon.
My lungs were already crying from all the running. Take note na may buhat pa akong mabigat na backpack at basket na may laman na supplies. Malalim na rin ang paghinga ko dagdag pa ang labis na kaba na nararamdaman ko.
Now, aside from worrying about the infected, I also need to be more cautious because of those survivors that are after me. Bakit ba hindi na lang nila ako lubayan?!
I got startled when I heard another gunshot... that sounded too close behind me. It almost rang my ear.
I cursed under my breath the moment I looked back. Nakita ko ang dalawang lalaki na tila ba galit na galit habang humahabol sa akin. Sila yung dalawa na naiwan sa ibaba kanina. Worse is--the other guy has his gun pointing at me.
Damn, they’re more terrifying than those flesh-eating creatures.
Muli akong napayuko nang muli syang bumaril. f**k! But I just kept running.
Lumiko ako sa kaliwa, hoping to lose them. Sa dami ng stalls dito, sa tingin ko ay mahihirapan silang hanapin ako sa sandaling magtago ako sa isa sa mga ito. I'm not certain that I'd be able to lose them, but it would definitely buy me more time.
Pumasok ako sa isang coffee shop sa pinakadulo. Sakto namang nakita ko mula sa salamin na pader na lumiko na rin sila. They immediately scanned the place, searching for my presence. So, I quickly hid under the counter, tightening my grip on my golf stick.
My heavy breathing is audible, as is the loud hammering of my heart through my chest. Nararamdaman ko na rin ang init ng singaw ng katawan ko. Doon ko lang napansin na basang-basa na pala ng pawis ang damit ko.
I bit my lips when I heard a crashing sound few meters away from me. Sa palagay ko ay binabasag nila ang mga salamin na pader ng bawat stalls para mas mabilis akong mahanap.
Hindi ba nila alam na dahil sa ingay non, maa-attract nila ang mga infected na malapit sa area? Sa palagay ko nga ay sa tunog pa lang ng baril ay ilang dosena na ng infected ang patungo sa direksyon namin ngayon.
Ughh, what to do?
Hindi pa man ako nakakapag-isip ng gagawin, pumalahaw ang malakas na sigawan ng dalawang lalaki. Mas lalo akong nangamba nang marealize na malapit na iyon sa coffee shop na pinagtataguan ko.
Nasundan ang sigawan nila ng tila pag-vibrate ng sahig. Damang-dama ko iyon dahil halos nakadapa na ako sa ilalim ng counter. Hindi ko na kailangang silipin pa ang nangyayari nang makarinig ako ng malalakas na ungol na nanggagaling sa mga infected. For sure, dozens of them are already approaching towards our direction. Sa sobrang dami nila ay parang nagvi-vibrate na ang sahig dahil sa impact.
I mentally slapped myself. Ngayon ay pinagsisisihan ko na ang mga desisyon ko. Kung ibinigay ko na lang sana sa kanila ang supplies ko, hindi na sana ako maiipit sa sitwasyong ito. Hindi sana ako madadamay sa katangahan ng mga ‘to.
Sino ba naman kasing tanga ang gagawa ng malakas na ingay sa delikadong lugar? Idiots.
I stood up to scan the whole place. I have to come up with something bago pa man tuluyang makarating dito ang kumpol ng mga infected.
Pero bago pa man ako tuluyang makahakbang, nahinto ako nang bigla na lang may marahas na humila sa akin na naging dahilan para muli akong matumba ako sa sahig.