Chapter 4 | Loot

3420 Words
Two years after the outbreak I TOOK a quick glance at the pantry, making a list in my head. Pansin ko ang ilang bakanteng shleves, ang ilan naman ay bilang na delata na lang ang nakagalay. It's been a month na rin kasi nung huling lumabas ako para kumuha ng supplies. Ngayong paubos na itong muli, I have no choice but to go out again, hoping to gather enough supplies that will last for weeks. Sa panahon ngayon, sobrang hirap nang makahanap ng lugar kung saan makakakuha ng supplies. Bukod kasi sa karamihan doon ay looted na ng mga ilang survivors, ang hirap ding mag-explore lalo na't ang ibang district ay mataas ang cases ng mga infected, and I don't wanna take a risk entering those areas. Isinara ko na ang pinto ng pantry saka isinukbit sa likod ko ang backpack na dadalhin ko. Humigop pa ako sa tasa ng kape bago tuluyang lumabas sa kusina. "Chichay, ikaw na munang bahala sa bahay ha?" bilin ko sa pusa ko saka sya kinamot sa leeg, making her close her eyes. She loves it. I scanned the whole place, making sure that the windows are all locked. Though may grills naman ang mga 'to kaya walang makakapasok kahit pa nakabukas iyon. Just to be extra careful. Naupo ako sa couch ng living room malapit sa main door, staring at the wide flat screen tv that I never used since then. May kuryente naman ang bahay. Nakakuha ako ng solar panels when I looted a warehouse long time ago. Since then, I only use the electricity for electric fan (especially if the heat is too much to handle) and charging my phone. Wala pa rin namang signal at internet. I just use my phone to play some offline games ang sometimes flashlight na rin. Ginagamit ko rin ang kuryente sa pagpapainit ng tubig using an electric kettle (if I’m too lazy to make fire just for a cup of coffee). I’m trying my best to save electricity lalo na’t hindi naman ganoon kalaki ang solar panels na ininstall ko sa bubong ng second floor. I just let my body to relax as I rest my back on the couch. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong lumabas ng bahay na ito, pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba at pangamba sa akin. Kada labas ko kasi rito, it feels like I’m getting myself in a huge death trap. I think I will never get used to it... kahit pa mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.  Hanggang ngayon ay fresh pa rin sa ala ala ko ang lahat. Since the first night of the outbreak, up until I realized that the world will never be the same again.   72 hours after the outbreak Kinabukasan nang mapagdesisyunan kong mag-stay sa bahay na ito, nilibot ko ito at ang buong bakuran just to secure if I can really stay here safely. At habang naglilibot, nakakita ako ang battery operated na radio sa garahe. I immdiately used it to listen to the news, hoping that the government is already taking some actions--hoping that the rescue will arrive sooner. In a span of three days, nakarating na ang iba’t ibang cases hanggang Visayas at Mindanao. Tanging ang mga maliliit na isla na lang sa dulo ng Pilipinas ang nanatiling safe dahil hindi naman ito basta-basta mararating ng sino man. Nasailalim na rin sa martial law ang buong bansa. Ang lahat ay kinakailangang sumunod sa curfew na magsisimula ng 7 pm. During that hour, may magroronda na militar (kung minsan ay pulis o tanod). They were instructed to shoot everybody who will be in sight, whether infected or normal ones. How about those homeless people? isip-isip ko. Kaso lang ay narealize ko rin na maaaring wala na rin sila in the first place dahil malamang ay nakain na rin sila ng mga nilalang na iyon.   One week after the outbreak Naglabas na ang mga autoridad ng precautionary measures at warning.  It’s too late. The cases have already spread throughout the country, I thought. According to them, if a person has shown the symptoms, they should immediately quarantine them or they should immediately leave. Ang mga simtomas na binanggit nila ay: lagnat, pangangati at pamamanhid ng lalamunan, blood shot eyes, and showing some aggression. Binanggit din na posibleng napapasa ito sa pamamagitan ng kagat. It took them a whole damn week to understand what’s happening, sabi ko sa utak ko. Nang mga unang araw kasi ay pinaniniwalaan nilang terorista ang mga may kagagawan non. For the first twenty-four hours, I witnessed how it immediately wiped out our whole street and barangay. Naisip kong matapos ang isang linggo, for sure ay ganon din sa buong Pilipinas. I just can’t imagine the number of deaths and casualties. Maliban na lang kung makontrol ito ng martial law... which I doubt.   Two weeks after the outbreak Binago ng mga autoridad ang kanilang instructions. They advised healthy people to isolate themselves to their homes or other safe places, while those who are showing symptoms should remain outside. I think it is because infected people have already outnumbered those healthy ones. Mas marami na ang bilang nga mga infected kaysa sa mga normal. Then I realized that the military was not able to suppress or take control of the outbreak. And soon, I believe only two percent of the population would be able to survive. Two weeks, at wala pa ring rescue na dumarating.   One month after the outbreak After a month, nawalan na ako ng pag-asa na may darating pang rescuers para sa mga kagaya kong naka-survive. Paubos na rin ang pantry ng bahay kaya naman sa unang pagkakataon ay napilitan akong lumabas para manguha ng supplies. It's either mamamatay ako sa gutom, or I will fight for my life. Of course, I went with the latter. Six months after the outbreak Nangamba ako nang isang araw ay bigla na lang naputol ang nagbabalita at nagbibigay information sa radio. At magmula rin noon, I never heard the authorities again. Doon ko mas naramdaman na nag-iisa na lang ako. Alone in the dark, waiting for my turn to become one of them. I feel like there’s no hope left. Akala ko kalaunan ay may kakatok na sundalo sa gate ng bahay para i-rescue ako, but it never happened.  Even the media has abandoned us. Since day one, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong umiyak at nag-break down. Lalo na’t kada labas ko ay nakikita ko ang sandamakmak na mga infected na nagpapaalala sa akin na everything will never be the same again. Mas pipiliin ko pang sumama sa educational tour namin sa school at makihalubilo sa maiingay na kaklase ko kumpara sa nangyayari ngayon. I can tolerate being around with people... rather than being around of those monsters. But later on, I got forced to learn how to survive... only by myself.   Present Today, I’m going out to loot some places again since I’m running out of supplies. Tumayo na ako at tinungo ang pinto para lumabas. Wearing my denim jacket and sweat pants, I already know that I will sweat a lot dahil sa taas ng sikat ng araw. Pero kailangan kong ibalot ang sarili ko, hoping that these fabrics will prevent the bite of the infected to pierce deeper into my skin. Dinampot ko sa gilid ang remote control toy car na naging dahilan para tumunog ang mga lata na nakatali rito. I also slid a knife into the back of my shoe as I held the golf club in my other hand. I immediately pulled myself up the concrete wall that prevents the infected from entering. Doon ko natanaw ang lima... anim... pito... walong infected na nagkalat sa kalsada. Agad kong nakuha ang atensyon nila kaya't dali-dali silang tumakbo pasugod sa akin. Mukha silang mabangis na hayop na para bang hayok na hayok sa lamang nakahanda sa harapan nila. I can also hear their growls that make my skin crawl. Nang tuluyan na silang makalapit, they extended their hands up in the air, trying to reach me. Pero hindi nila ako maabot sa pwesto ko. Muli akong tumalon sa loob ng bakod saka ko pinuwesto ang dekontrol na laruang sasakyan sa maliit na siwang ng gate sa ibaba. Dali-dali ko na itong pinaandar na naging dahilan para gumawa ng ingay ang mga lata na nakatali doon. Nakita ko naman sa ilalim ng gate ang mga paa ng infected na nagsitakbuhan palayo.  They’re chasing after the toy car. Nang makitang sapat na ang layo nila ay muli na akong sumampa sa bakod para mas mapagmasdan ang paligid. Dumako ang mata ko sa walong infected na patungo sa nakahintong laruang sasakyan. Lahat sila ay nakatalikod sa akin kaya naman muli kong pinaandar ang remote-control car palayo. Gaya ng inaasahan, sinundad nila iyon dahil sa malakas na tunog na ginagawa nito. When they already made a safe distance away from me, agad na akong tumalon palabas para magtungo sa sasakyan kong naka-park mismo sa tapat ng gate. Umiwas pa ako sa dalawang pares ng kamay na sinubukan akong dakmain. I just stared at them blankly before I hopped in the car. Nagtali lang naman ako ng dalawang infected noon sa gate... to keep the other survivors away. Alam ko kasing may mga magbabadyang manloob ng bahay. I thought hindi magiging safe kung aalis ako at iiwan ito nang walang nagbabantay. Kaya naman tinalian ko ang dalawang infected sa leeg at tinali iyon sa gate na para bang aso na kakahol kapag nakakita ng magnanakaw. I immediately turned on the engine and drove away. Ilang kahabaan ng malawak na bukirin pa muna ang nadaanan ko bago ako tuluyang makarating sa mga kabahayan. Nang tumingin ako sa side mirror, nakita ko ang dosena ng mga infected na humahabol sa akin. Of course I would attract some of them dahil sa tunog ng sasakyan. Kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. It doesn't bother me that much. I will lose them eventually. Pinilit ko na lang huwag pansinin ang mga abandonadong bahay na nadadaanan ko na naging dahilan para magmistulang ghost town ang buong baranggay. Ang ilan pa ay kung hindi natupok ng apoy, basag-basag na ang mga bintana at pader dahil panloloob ng mga survivors. The mere sight of it still gives me goosebumps. I prepared myself when I finally reached the highway. Mas marami kasi ang mga infected dito.  Hindi nga ako nagkamali nang may makita akong malaking horde ng infected sa gilid ng isang grocery store. I suspect may mga tao sa loob non kaya may kumpol ng mga infected sa labas. Something shoul've drawn them there. And ilang infected naman ay hiwahiwalay na naglalakad kaya madali lang silang iwasan kung sakali. Hindi ko na hinintuan ang grocery store na may kumpol ng infected dahil matagal na akong nakapag-loot doon. Halos wala na ring laman 'yon at hindi na ako susugal na huminto pa doon. I drove west. Hangga’t maaari ay iniiwasan kong magtungo sa east dahil may tatlong highschool and college schools doon. Mahirap na at baka mas marami ang infected na naghihintay doon. May malaking mall ahead of me... at doon ko planong magpunta. Matagal ko nang pinaplanong magtungo doon, but that was a public place. Mas malaki ang lugar, mas delikado. Kaya naman kahit habang nasa loob pa lang ng sasakyan at habang nagda-drive patungo sa direksyon non ay sinusubukan ko nang timbangin at planuhin ang mga pwedeng mangyari. The possible risks are: One, the mall is a public place. Mas malaki ang lugar, mas delikado. Second, for sure maraming survivors ang magtatangkang pumasok doon and when they succeeded—Third, they will attract a lot of infected that will camp outside the mall (na magiging dahilan para mahirapan akong makapasok o makalapit man lang), and Last, kung makapasok man ang mga survivors, may chance na makapasok din ang ilang infected sa loob. Sa kabilang banda, naisip ko ring gabi nangyari ang first outbreak which means sarado na ang mall at wala nang tao sa loob. Pero malaki pa rin talaga ang chance na may mga nanloob na rito. Nevertheless, I will still try, but I will still measure if I can make it. I’m not that dumb to enter in a death trap that will kill me in snap, without allowing me to have a good fight at least. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang malaking mall. Hindi rin nakatakas sa akin ang higit sa tatlong dosena ng infected na nakakumpol sa main entrance ito. Agad tuloy nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan. “s**t,” I muttered when I stopped the car. Marami kasing mga abandonadong sasakyan ang nakaharang sa daan. Ilang metro pa ang layo ng mall sa akin kaya’t mapipilitan akong maglakad kung sakaling pipilitin kong tumuloy. Inilibot ko ang paningin ko habang nakikipagtalo pa ako sa sarili ko.  Wala ka nang makakain, bulong pa ng isang side ng utak ko. Dumako naman ang tingin ko sa overpass na connected sa entrance ng mall sa second floor. I don’t have to face that huge horde camping the main entrance if ever. Ang kaso lang ay may twelve... thirteen... fourteen infected na nakakalat sa daan papunta sa hagdan ng overpass. Hiwahiwalay naman sila pero tiyak na mahihirapan pa rin ako kung sakaling susugudin nila ako nang sabay-sabay. I stayed there for five more minutes before I finally grabbed my backpack and went outside. Yumuko ako para magtago sa sasakyan ko habang hindi ko naman inaalis ang paningin sa unang tatlong infected na malapit sa akin. I started to move my feet patungo sa pinakamalapit na sasakyan. I’m trying my best to calm my breathing, too afraid that the infected will sense my presence. Nang makarating ako sa sasakyan sa harapan, muli akong nagtago sa likuran nito. I can already feel my knees and hands trembling from fear. I took one more deep breath before I started to move towards the next car. I quickly crouched when one of the infected quickly faced in my direction. Nakita ko pang umamoy-amoy ito na naging dahilan para manlaki ang mga mata ko. Naamoy n'ya ba ako? I swiftly grabbed my knife, getting ready just in case this infected will try to make a move. Pero muli akong nakahinga nang hindi naman ito sumugod. Wooh. I stayed in that position for a moment bago ako muling naglakad habang nagtatago pa rin sa gilid ng mga sasakyan. Muling dumako naman ang tingin ko sa hagdan ng overpass. Tantya kong sampung hakbang na lang ang lapit ko doon. I was about to move towards the next car nang bigla na lang may kumapit sa denim jacket ko na nasundan pa ng mahihinang pag-ungol. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napatakip pa ako sa aking bibig para pigilan ang sarili na huwag mapasigaw lalo na nang makita ang maputla at tila ba naaagnas na kamay ang nakakapit sa jacket ko. May infected sa loob ng sasakyan kung saan ako nakatago! It was a man, in his forties. May lumalabas na laway sa bibig nito na para bang ulol na aso. Hindi rin nakatakas sa pang-amoy ko ang nakasusulasok na amoy mula sa tila naaagnas na katawan n'ya. Nakita kong inilabas nito ang ulo sa bintana ng sasakyan saka umamba ng kagat sa braso ko. Mabilis ko namang inangat ang kutsilyo na hawak ko saka dali-daling isinaksak sa ilalim ng baba nito. He twitched for a second before his grip finally loosen up. He’s dead... I mean dead-dead. Bumwelo ako para kumuha ng pwersa at bunutin ang kutsilyo. Medyo nahihirapan pa ako dahil sa dami ng dugo sa kamay ko na nagpapadulas ng kapit ko doon. Pero bago ko pa man ito mabunot, agad akong napamura sa utak ko nang makarinig ng mas malalakas ng growl. Nakita ko ang mga infected na iniwasan ko kanina na ngayon ay tumatakbo na pasugod sa akin. Napahinto pa ako nang ilang segundo bago ako tuluyang tumakbo palayo. Hindi na ako nag-abala pang bunutin ang kutsilyo. I quickly grabbed my golf club in my backpack as I ran towards the overpass.  I can literally hear my blood rushing through my ears dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Adrenaline is kicking in. Nang marating ko ang hagdan, muli akong lumingon sa likuran ko na sana pala ay hindi ko na lang ginawa. Mas naalarma kasi ako nang makita ang kumpol ng infected na ilang metro na lang ang layo sa akin.  Shit. Dali-dali na akong tumakbo paakyat ng hagdan. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay bibigay na ang baga ko sa pagtakbong ginagawa ko at sa labis na kaba. “f**k!” I cursed when I saw another three figures waiting ahead of me. I quickly swung the golf stick without stopping. Tumama iyon sa sintido ng unang infected, making her drop dead on the floor. Hindi rin nakatakas sa pningin ko ang ilang katawan na nakakalat sa buong overpass. Muli akong humampas habang tumatakbo pero tumama lang ito sa braso ng isa pang infected. But the impact made him stumble on the floor. Hindi ko na sya pinansin at nilagpasan ko na lang ito. For sure ay tatayo pa ‘yon para humabol sa akin. Ang huling infected naman ay pasugod na sa akin, but again, I didn’t stop. Bagkus ay sinalubong ko pa sya at hinanda ang golf stick para hampasin ito. Kagaya ng nauna, tinamaan ito sa sentido na naging dahilan para tuluyan itong manatili sa sahig. Nakita ko ang basag na entrance ng mall. Hindi ko alam kung anong nag-aantay sa akin sa loob pero wala na akong choice. May lagapas isang dosenang infected ang humahabol sa likuran ko. Mabilis akong yumuko para iwasan ang metal na roller shutter na nakababa hanggang kalahati. Lumusot ako sa basag na bahagi ng salamin ng entrance at dali-daling kumuha ng pwersa para isara ang shutter. Nakita ko pa ang ang mga tila ba gigil na itsura ng mga infected na humahabol sa akin bago ko tuluyang maisara ito na nasundan agad ng mabilis na pagkalampag ng mga ito dito. Napaluhod ako dahil sa labis na panginginig habang hinahabol ang hininga ko.  Muntik na ako don.  Pero muli akong tumayo para lumayo sa lugar na iyon dahil ilang sandali lang ay may infected (kung meron man) nang pupunta rito dahil sa ingay ng pagkalampag ng metal shutter. Sa kaliwa ko ay isang arcade habang isang kainan naman ang nasa kanan. Dali-daling tinungo ng paa ko ang hagdan pababa ng ground floor dahil nandoon ang mga kailangan ko. Maingat akong humahakbang dahil kaunting ingay ay mag-e-echo sa buong lugar. So far, the mall is pretty empty. I mean, no infected and other survivors in sight. But I shouldn't let my guard down. Pansin kong basag ang ibang salamin ng ilang stores kaya for sure ay may mga nakapasok nang iba rito. Hindi ko rin maiwasang kilabutan dahil sa lawak ng lugar. I feel like at any moment ay bigla na lang may dadakma sa akin. May nadaanan akong sikat clothing line at nasilip ko ang mga damit na tinda nito na maayos pa rin na nakasalansan. Nate-temp akong kumuha pero pikit-mata ko na lang itong nilagpasan dahil mas priority ko ngayon ang pagkain. I don’t have enough compartment for those clothes. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa hypermarket kung nasaan ang mga groceries. Some of the shelves are already empty, pero may mga natira pa rin naman kahit papaano. Wala na akong inaksayang oras at dali-dali ko nang kinuha ang backpack ko at sinilid ang mga delata na pinakamalapit. I don’t want to explore the whole store. Hindi kasi ako mapalagay na wala akong  nakasalubong na infected o iba pang survivors. Malaki ang chance na mayroon nang nakatago dito sa hypermarket dahil ito ang main target ng sino man.  Nakakita rin ako ng basket sa gilid at agad ko iyong kinuha saka naglagay ng mas marami pa. Canned goods, bottled water, coffee, kumuha na rin ako ng ilang snacks, at kung ano pa sa tingin kong kailangan. Nang mapuno ito, agad na akong umalis doon. I cannot stay there for too long. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang tuluyan akong makalabas, nakarinig ako ng bulungan sa gilid ko. It’s obviously not from the infected... but from the other survivors. I immediately held my golf stick. I know what will gonna happen next. They're going to attack me and steal my loot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD