Chapter 3 | Intruder

2290 Words
NAGISING ako nang maramdaman ko ang pagsiksik ni Chichay sa leeg ko. Nagpupumilit s’yang sumiksik doon. “Hmmm-“ mahinang daing ko nang agad akong nakaramdam ng pananakit ng likod. Pinagkasya ko kasi ang sarili ko sa backseat at doon nahiga. “Meow,” my cat meowed. Bigla na lang ako napapitlag nang makarinig ako ng pagkalampag. My soul left my body when I saw the angry faces of those people. They are gritting their teeth while trying to reach me. Mabuti na lang ay natulog akong sarado ang bintana ng sasakyan. Bahagya na ring umuuga ang sasakyan dahil sa dami ng nakapalibot dito. Napasin ko ring maliwanag na. I cannot stay here any longer dahil ano mang oras ay maaaring bumigay ang bintana ng sasakyan lalo na kung madagdagan pa ang bilang nila. Lagpas siguro sampu sa kanila ang nakapalibot ngayon sa sasakyan. “Thanks for waking me up,” I told Chichay as I move towards the driver seat. Pinilit ko na lang na huwag pansinin ang mga nakakatakot na pagkalampag ng mga infected sa labas. As I start the engine, mas lalo akong nangamba nang makitang dumoble pa ang bilang nila. They’re coming from different directions. Kanina lang ay walang bakas ng infected sa lugar na ito. Kahit pa marami ang nasa harapan ng sasakyan, hindi na ako nag-alangan at agad ko na itong pinaandar. Muli kong binuksan ang radyo para huwag marinig ang pagkalas ng buto ng mga nasasagasaan ko. Shit. Nang tuluyan na akong nakaandar, sinusubukan kong iwasan ang mga infected na madaanan ko pero sadyang ang ilan ay pinipiling humabol pag nakita nila ako kaya naman wala na akong magawa kundi ang sagasaan sila. If killing these people is a sin, I’ll gladly accept the consequences basta lang ay bumalik na ulit ang lahat sa normal. I don’t think they're still humans though. There’s no such thing that a human will eat their own. Iniisip ko pa lang ay nasusuka na ako. Nakita ko sa rear-view mirror na marami ang humahabol sa akin kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Paano kaya sila nakarating hanggang dito eh wala namang kabahayan sa lugar na ito? “Naitala na ang unang kaso ng naturang kaguluhan sa lungsod ng Cebu kaninang alas-sais nang umaga. Lulan di umano ng Airbus C460 ang isa sa kanila bago pa man ipasa ng Palasyo ang travel ban papuntang Visayas at Mindanao. Sinasabing bago pa man makalapag ang naturang eroplano ay nagpakita na ito ng agresyon kung saan naman nadamay ang ibang pasahero. Dalawampu’t isang pasahero ang sugatan habang isa naman ang namatay.” Muling nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig na balita sa radyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tukoy kung bakit nagiging ganon ang kinikilos ng mga tao? Hanggang ngayon ay ‘isa sa kanila’ pa rin ang term na gamit nila pantukoy sa mga infected? Naglabas na kaya sila ng preventive measures or ano pa mang precautionary measure? Based on my prior observation, it seems like there is some sort of stimulus that pushes people to be aggressive. It’s like they’ve acquired a pathogen that can be transmitted from person to person. Kagaya ng nangyari kay ate Janine at mama. I think ate Janine is already infected in the first place at naipasa lang ‘yon kay mama when she bit her. I am not still sure how, but I think it’s not airborne dahil mukhang hindi naman ako nadamay. Sa palagay ko ay may kinalaman iyon sa sugat but I cannot tell if through saliva, blood, or any body fluids. I’m not a medical practitioner in the first place. But if a mere high school student like me can observe all of these, then I believe the authorities are more capable. Pero bakit hindi pa rin sila nagdidisclose ng information sa media? Muli kong chineck ang phone ko pero muntik ko lang maihagis yon nang makitang wala pa ring signal. f**k. Ilang oras lang ang nakalipas pero tiyak akong mas malawak pa ang naapektuhan at mga pinsala dulot nito. Based from what’s happening, people will die kung hanggang ngayon ay wala pa rin silang nilalabas na information regarding sa nangyayari. O baka naman naglabas na sila at tulog lang ako? Ugh! “Ngayon, lahat ay inaabisuhang manatili pa rin sa kanikanilang tahanan at isuspinde ang pasok sa lahat ng paaralan at trabaho sa bansa. Samantalang kahit anong oras naman ay maaari nang ideklara ang buong Pilipinas na maisailalim sa martial law ayon sa Palasyo.” Sakto namang napatingala ako nang makita ang tatlong helicopter sa himpapawid. Paikot-ikot sila na tila ba inoobserve ang kalagayan ng mga lugar na nasa ibaba nila. Humigpit ang kapit ko sa manibela. I have to find a place where I can stay bago pa man magdeclare ng martial law ang gobyerno. I cannot go back to our house dahil tiyak na mas marami nang infected ang bubulaga sa akin. Isa pa ay hindi rin ako nakasisigurado kung safe pa ba magstay sa bahay dahil may mga infected na rin sa loob non. Kumirot tuloy ang dibib ko nang maalala ang nangyari sa parents at kapatid ko. Mas tumindi naman ang pangamba ko nang makitang paubos na ang gas ng sasakyan. Ilang minuto na lang ang aabutin nito bago tuluyang tumirik. “f**k. f**k. Fuck.” Paulit-ulit na mura ko dahil hanggang ngayon ay nasa gitna pa rin ako ng daan kung saan tanging bukirin lang ang makikita. Wala akong mapupuntahan kung sakaling dito titirik ang sasakyan. Nabuhayan lang ako nang makakita ako ng mataas na bahay sa hindi kalayuan. Napatingin tuloy ako ulit sa rear-view mirror kung saan nakita ko ang kumpol ng mga infected na patuloy pa ring humahabol sa sasakyan. Shit sana umabot. I prayed. Kahit pa aircondinioned ang sasakyan, hindi ko pa rin maiwasang pagpawisan dahil sa kaba. Kaunti na lang. Mukang hindi ata effective ang prayer ko nang bigla na lang huminto ang makina. Kasabay ng paghinto non ang paghinga ko dahil sa labis na kaba. Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. s**t. s**t. s**t. Muli akong napatingin sa mga humahabol na infected at doon sa bahay na ilang metro na lang ang layo sa akin. Bahala na! I immediately grabbed my backpack. I didn’t even have the time to put Chichay back in her bag kaya naman binuhat ko na lang s’ya saka tuluyang lumabas ng sasakyan. And then I ran as fast as I could, as if I am running for my life. I am not that athletic kaya hindi ko alam kung makakaya ko bang umabot. My mind stopped functioning nang makarating ako sa tapat ng mataas na gate. Mataas din ang bakod nito. Tila ba namental block ako nang makitang nakalock iyon. Lalo pa nang nakita kong papalapit na ang isang dosena ng mga infected na humahabol sa akin. I don’t know what to do! I saw a small opening sa ibabang part ng gate kaya dali-dali kong ibinaba si Chichay at pinapasok s’ya doon. And then I scanned the place for any possible way to get in. “Tulong! May tao po ba dyan?!” I cried for help, hoping na may himalang dadating. Pero wala. Wala na akong nagawa kundi ang hubarin ang backpack ko. Inadjust ko ang strap nito para humaba. Sana lang ay magwork kung ano man ang gagawin ko. Walang alinlangan ko itong hinahis sa taas ng gate. Tila tumigil naman ang paghinga ko nang makitang sumabit ito sa matulis na part sa pinakataas nito. I immediately jumped to reach the strap of my backpack saka dali-daling binuhat ang sarili ko paangat. Pagkatapos ay inabot ko na ang metal na maari kong makapitan paakyat. Pagkatapos ay pinilit kong iangat ang mga paa ko sa concrete na bakod nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahabol na ang mga kaninang humahabol sa akin at nagtatatalon pa ang mga ito para abutin ako. But the gate is too high for them to reach. Maingat ko nang sinampa ang sarili ko sa bakod saka ko muling kinuha ang backpack ko bago tuluyang tumalon sa loob. Sumalubong naman sa akin ang pusa ko. Napasalampak na lang ako sa simentadong bakuran saka huminga nang malalim. My chest is burning from what happened. Akala ko ay katapusan ko na. Ilang minuto ako nanatili sa ganoong posisyon habang pinagmamasdan ang mga paa ng mga infected sa maliit na siwang sa ilalim ng gate. They keep on banging it but I think it is sturdy enough to handle the force. Tumayo na ako bitbit si Chichay saka humarap sa two-storey house na nasa likuran ko. Mataas ang bakod kaya sa tingin ko ay hindi mapapasok ito. Ngayon ay kailangan ko na lang pakiusapan ang nakatira dito kung pwede ba akong magstay muna kahit sa garahe lang nila. I just need a place where I can stay safely before the President declare and pass the martial law. Malawak ang bakuran. Sementado ang karamihan dito pero may malupang part pa rin kung nasaan ang mga malalaking puno na nagbibigay lilim sa malawak na part ng bakuran. Tinungo ko na kung nasaan ang part ng main door. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok doon. “Tao po! Pwede po bang makisilong? Please po, wala na akong mapupuntahan,” I shouted. Napansin ko ang sasakyan na nakaparada sa garahe kaya mukang hindi naman umalis ang mga nakatira dito. “Hindi po ako gaya nila. Ligtas po ako,” dagdag ko pa pero ilang minuto na akong kumakatok doon ay wala pa ring sumasagot sa akin. “Kahit dito na lang po muna ako sa garahe nyo.” I gave up. Mukang wala silang balak harapin ako or sadya lang walang tao. Nevertheless, at least may ligtas na lugar na akong pagiistay-an. Sumilong ako sa garahe nila. Naupo pa ako sa isang bench na nandoon saka inilapag si Chichay sa tabi ko. Pero ilang minuto lang ang nakalilipas nang biglang kumalam ang sikmura ko. Kagabi pa ako walang kain at sa tingin ko ay tanghali na ngayon. Tumayo ako para magtungo sa gilid na bahagi ng bakuran kung nasaan ang mga puno. Nang tingalain ko ito, nakita ko ang hitik na bunga ng kaimito. I don’t have any food with me. Pwede na siguro yon pampawi ng gutom. Madali ko lang naman itong naakyat. Pero nasa kalagitnaan ako ng pamimitas nang mapansin ko ang nakaawang na bintana sa balcony ng second floor. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero agad ko iyong tinalon. Napakapit ako sa railing ng balcony saka dali-daling sinampa ang sarili doon. I didn’t know na may skill pala ako ng akyat-bahay, err. Nakita kong bukas nga ang bintana pero may grill iyon kaya hindi rin ako makakapasok. Nakalock din ang pinto papasok sa loob. “Tao po!” I shouted again to check if there’s people inside. Sumilip pa ako sa bintana pero bakanteng pasilyo lang ang nakita ko. So I tried to reach the lock of the door through the window. Nanlaki pa ang mga mata ko nang maabot ko iyon... lalo na nang magclick ito nang tuluyan ko na itong pinihit. The door swung open. “May tao po ba dito? I’m getting in,” muling sigaw ko saka dahan-dahang tinapak ang paa ko sa loob. The house is more spacious than I thought. Sumalubong sa akin ang tatlo pang pintuan but all of them are locked. Ilang lakad pa ang ginawa ko while my heart is thrusting through my chest. Pakiramdam ko ay nanloloob ako ng bahay kahit iyon naman talaga ang ginagawa ko. Nakarating ako sa hagdan pababa. Nakita ko pa ang malaking family picture sa gilid. They seem like a wealthy family. Halata naman base pa lang sa laki ng bahay na ito. Habang bumababa ay pinakikiramdaman ko ang paligid. It’s too quiet. It also feels empty. May nadaanan akong golf club rack kaya maingat akong kumuha ng isa. I hope this can protect me from any danger that will come. Also, if any member of their family is playing golf, then they really damn rich. Nang makarating ako sa baba ay sumalubong sa akin ang malawak na pasilyo. Naikot ko na rin ang kusina, banyo, at dalawang living room nila pero walang bakas ng tao. May isa pang pinto sa floor na ito pero nakalock. I tried to knock but I received no response. I was about to leave the kitchen when a note sticking on their ref caught my attention. It was written in bold ink kaya agaw pansin ito. It says: TL, the fam is having a trip in Palawan. We’re gonna stay there until weekend. If you want to join us, just book a flight. I already sent money to your acc.- Mom Agad na nabuhay ang dugo ko nang mabasa iyon. Wala ngang tao sa bahay na ito maliban don sa TL na inaasahan nilang uuwi. I don’t think that someone will be able to go home because of the travel ban and soon, martial law. Pero kung makauwi man s’ya, pakikiusapan ko na lang s’ya. For now, I will stay in this place. Dali-dali ko nang tinungo ang main door at binuksan ito. Nagtungo ako sa garahe kung saan ko naabutan si Chichay na natutulog sa ibabaw ng sasakyan. I carry her and brought her inside. Nang maisara ang pinto, dumiretso ako sa kusina saka nangalkal ng kung anong meron doon. Literal na nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang puno ng grocery ang pantry nila. It will make me through for weeks to a month. I feel sorry for the owner of this house. Pero sa panahong kagaya nito, I will do everything to survive. From now, this will be my temporary shelter. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD