The breeze was even unusually colder than the previous days. Ramdam ni Cali ang panunuot ng malamig na hangin sa suot niyang uniform. As he walked past the main gate ay ramdam niyang tila pinagtitinginan siya ng ibang mga estudyante. Lumingon siya sa likuran at hindi nga siya nagkakamali dahil makikita sa reaksyon ng mga ito na siya ang pinag-uusapan nila. Mula sa main gate hanggang sa makarating siya sa kanilang faculty ay sa kaniya pa rin nakatingin ang mga ito. Maya-maya, habang papasok na siya sa building ay may nakasalubong siyang dalawang estudyante na hawak ang mga cellphone nila na para bang may binabasa sila rito at sabay na tumingin sa kaniya at dinistansya ang mga sarili nila sa kaniya na para bang saskit siyang nakakahawa.
Dala ng curiosity ay dinukot niya ang cellphone niya mula sa bulsa at binuksan ang kaniyang messenger. He also found it unusual na flooded ng messages ang GC nila. As he was scrolling ay napansin niyang tila may pinag-uusapan ang mga ito tungkol sa isang litrato na pinost ng isa sa kaniyang mga kaklase.
Laking gulat niya nang makita ang sarili niya sa picture. Sa isang iglap lang ay bigla niyang naalala ang lahat ng nangyari sa party ni Athena. Naalala niyang hindi pa pala siya hinatid ni Rave pagkatapos niyang uminom ng ilang glasses ng wine. Naglaro pa sila ng game kung saan nagkaroon ng dare para sa kanilang dalawa ni Cali.
Napahawak siya sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa nakitang picture. Maya-maya ay isa pang link ang nakita niya. Nang in-open nita ito ay mga picture nila nila ni Cali ang nakita niya, pero ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang nakasulat na caption.
“What will you do if this guy seduces your boyfriend?” basa niya sa nakasulat na caption.
Isa pang picture ang nakakuha ng kaniyang atensyon. Ito ang aksidente siyang napayakap kay Cali at nagkadikit ang kanilang mga labi. Labis ang kaniyang pagkabigla, dahil ngayon niya lang naalala ang lahat ng nangyari sang gabing iyon
Matapos makita ang lahat ng pictures ay nag-angat siya ng tingin at doon napansin niyang mas lalong dumami ang mga nakatingin sa kaniya na para bang nakagawa siya ng napakalaking kasalanan.
Sa dami nang gumugulo sa isipan niya ay hindi niya na inisip kung sino man ang posibleng nag-post ng mga pictures na iyon. Mas laman ng isip niya ngayon ang mga nangyari nang gabing iyon at kung ano ang mararamdaman ni Cali tungkol dito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang nakatungo ang ulo dahil naiilang siya sa mga matang nakatingin sa kaniya. Ilang hakbang pa at biglang may humarang sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang tatlong lalaking estudyante ang nakaharap sa kaniya. Nakahalukipkip ang mga ito at nakatitig sa kaniya nang mariin. Tiningnan niya lang din ang mga ito at iiwas na sana pero muling humarang ang mga ito.
“Ikaw ‘yon ‘di ba?” seryosong tanong ng isa sa mga ito. Hindi siya sumagot, tiningnan niya lang din ito. “I think, you’re really good looking, like me,” dagdag pa nito at sabay na nagtawanan ang mga ito.
“I need to keep going, I still have a class,” mahinahong saad niya.
“Sure. I’m sure kanina ka pa hinihintay ng class mo. But if you want to hang out with us, we’ll be very pleased to give you… anything you want,” sabi nito at pagkatapos ay hinaplos nito ang kaniyang kanang braso na para bang may iba pa itong nais ipahiwatig.
Bahagya niyang iniwas ang kaniyang braso matapos niyang maramdaman ang ginawa nito. Patuloy naman sa pagtatawanan ang mga ito.
Gusto man niyang magsalita pero pinigilan niya ang sarili. Naisip niyang wlaang patutunguhan kahit subukan niyang magpaliwanag sa totoong nangyari.
Hindi naman na siya ginulo ng mga ito nang sinubukan niya muling humakbang palayo pero rinig niyang nagtatawanan pa rin ang mga ito. Halos lahat naman ng mga nakakasalubong niya sa corridor ay nakatingin sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang siya.
“Nakita na kaya ito ni Cali?” tanong niya sa sarili.
Hindi naman talaga niya inaalala kung ano ang sasabihin ng iba sa mga kumakalat nilang pictures sa social media. Ang mas inaalala niya ay kung ano ang magiging epekto nito kay Cali. He’s been a role model and famous sa buong university for being an achiever both in academic and sports. How can he just ruin that.
Saglit siyang tumigil sa paglalakad at hinilamos ang dalawang palad sa kaniyang mukha hoping to make sense of everything that’s happening.
Nang nasa pintuan na siya ng kaniyang classroom ay bigla siyang tumigil. Naisip niya na kung papasok siya sa klase at pagtitinginan lang din naman siya ng mga kaklase niya ay gugustuhin niya na lang na um-absent than bear the discomfort sa buong duration ng klase. He sighed deeply saka nilisan ang building ng FAD.
Isa lang ang laman ng isip niya ngayon—ang makita si Cali. He wanted to know that it didn’t affect him as much as he thought. He went straight to the office of the club. Mula sa mga corridors ng main building na dinadaanan niya ay kapansin-pansin pa rin ang reaksyon ng mga estudyanteng nakatingin sa kaniya. Wala siyang magawa kung hindi ang iyuko ang kaniyang ulo at marahang inihahakbang ang mga paa.
Pagdating niya sa labas ng office ng club ay sinubukan niyang kumatok, pero walang nagbubukas ng pinto. Nang pihitin niya ang door knob ay doon nya lang napagtantong naka-lock pala ito.
“It’s odd. There should be someone inside, at least,” bulong niya sa sarili nang maalala si Rave.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang ma-realize na maging si Rave ay hindi niya makita sa mga oras na ito.
Bagsak ang mga balikat na inihakbang niya ang mga paa palayo. Lumungkot ang kaniyang mga mata saka dahan-dahan ang mga hakbang na binabagtas ang kahabaan ng corridor.
“Nasaan kaya siya?” tanong niya sa sarili.
Bigla niyang naalala na tawagan ito kaya kinuha niya ang kaniyang cellphone kinontak ito sa kaniyang IG account pero hindi rin ito sumasagot.
Muli niya itong ibinalik sa kaniyang bulsa saka marahang ipinagpatuloy ang kaniyang mga hakbang. Hindi niya naman napansin na makakasalubong niya ang coach nila na si Sir Shino.
“Val, why are you here?” magiliw na tanong nito sa kaniya.
Marahan naman siyang yumukod bago sumagot.
“I’m looking for Cali, Sir,” magalang niyang sagot dito.
“Hindi ba kayo nagkita? Nagpaalam siya sa akin na may importante daw siyang aasikasuhin, but I don’t know if babalik pa siya,” paliwanag ni Sir Shino.
Tumango naman siya bilang tugon at muling yumukod dito.
“Thank you, Sir. I should go,” paalam niya rito at ngumiti naman ito sa kaniya at sinundan pa ng tingin habang siya ay papalayo.
“Val,” tawag nito sa kaniya. Huminto siya at lumingon sa kaniyang coach. “If you need something, you can talk to me,” sabi nito sa kaniya.
Muli siyang ngumiti at tumango, at bahagyang yumukod ulit saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi na alam ni Val kung saan siya pupunta, hindi na siya pumasok sa lahat ng kaniyang klase. Ang tanging gusto niya ay makausap si Cali pero malabo itong mangyari dahil hindi niya alam kung nasaan ito.
Pumunta siya sa gym at doon ay nakaupo lang siya. May iilang estudyante na naglalaro ng volleyball na siyang pinagmumulan ng ingay na umaalingawngaw sa buong gym. Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa hindi niya namalayang madilim na pala sa labas. Inabutan siya ng gabi sa loob ng gym na nakaupo lamang doon.
Nagpasya siyang lumabas na ng gym, alam niyang ilang oras na siyang nakaupo sa bleachers pero ang pakiramdam niya minuto lamang ang lumipas. Paglabas niya ng gym ay may iilang estudyante pa rin na paroo’t parito. Ang iba marahil sa kanila ay nagti-take ng evening classes. Sa kanang bahagi naman ay makikita ang malawak na football court, maliwanag ito dahil may mga athletes na nagpa-practice.
Nang mapadaan siya sa main building ay huminto muna siya sandali, saka ipinamuls ang dalawang kamay at ipinagpatuloy ang paglalakad. Parang wala sa sarili na binabagtas niya ang pathway patungong main gate, dala ng lungkot na nararamdaman niya.
“Tss, I really feel bad for him,” bulong niya sa sarili.
He was supposed to stop to wait for the e-bus pero dire-diretso lamang ang mga paa niya sa paglalakad. Kasabay ng pagdilim ng paligid ay ramdam na rin ni Val ang mas malamig na hangin na nanunuot sa kaniyang balat. Pero hindi niya na ito ininda dahil ang tanging gusto niya lang ay ang maglakad nang maglakad kahit saan man siya dalhin ng mga paa niya.
Hindi niya maikakaila na tuluyan na siyang napalapit kay Cali. It’s funny how everything he used to know about him suddenly changed sa ilang araw lang na naging madalas silang magkasama. He also wondered to himself kung talaga bang nag-aalala siya para sa reputasyon nito o nag-aalala siyang muling lumayo ang loob nito sa kaniya dahil sa mga kumakalat nilang litrato sa social media. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya.
“He kissed me in the forehead, I remember it,” sabi niya sa sarili.
Huminto siya at napahawak sa kaniyang noo nang maramdamang may sumigid na sakit sa kaniyang ulo. Ilang sandali pa ay mas lalo pa itong tumindi kasabay ng tila mga yabag ng paa at mga kaluskos mula sa kaniyang likuran. Ramdam niyang tila may mga paang papalapit sa kinatatayuan niya.
Kahit pa ramdam niya ang sumisigid na sakit sa kaniyang ulo ay dahan-dahan siyang lumingon. Nasa pagitan siya ng dalawang poste ng ilaw pero dahil malayo ang distansya ng mga ito sa isa’t isa ay hindi sapat ang liwanag nito upang mamukhaan niya ang tatlong lalaki na ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa kaniya.
“Mukhang may naliligaw yata, mga pare,” saad ng isang lalaki na sa tantya niya ay mas matanda lamang sa kaniya ng ilang taon. Bahagya siyang napaatras na hawak pa rin ng kanang kamay ang kaniyang sentido.
“Baka gusto mong sumama sa amin para matulungan ka namin. Kami ang bahala sa ‘yo,” sabi naman ng isang lalaki na unti-unti nang humahakbang palapit upang hawakan siya.
Hindi na alam ni Val kung ano ang nararamdaman niya. Patuloy pa rin sa pagsigid ng kirot sa ulo niya kasabay ng unti-unting panlalabo ng kaniyang mga mata.
Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kaniyang balikat. At sapagkakataong iyon ay muling bumalik sa kaniyang alaala ang mukha ng isang pari habang ginagapos ito sa kamay at nilalagyan ng busal sa akniyang bibig.
Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang takot. Hindi lamang sa nagbabadyang panganib na maaaring idulot sa kaniya ng tatlong lalaki na ngayon ay nakapaligid na sa kaniya kung hindi takot na dala ng alaala niya.
Iwinaksi niya ang kamay nito na nakahawak sa kaniyang balikat at bahagyang umatras. Hindi pa rin tumitigil sa pagsakit ang ulo niya.
“’Wag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan basta sumama ka lang sa amin nang maayos,” nakangising sabi ng isa pang lalaki.
“P-please, just leave me alone,” pakiusap niya sa mga ito.
Pero hindi na sumagot ang mga ito, naramdaman na lamang niya na may humawak sa kaniyang dalawang kamay at iginapos ito sa kaniyang likuran habang nilalagyan naman ng busal ang kaniyang bibig ng sa isa pang lalaki.
Hindi na alam ni Val kung nasa reyalidad pa ba siya o bahagi pa rin ito ng tila isang bangungot na paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala. Nagpupumiglas siya at pinilit niyang sumigaw pero naubos na ang natitira niyang lakas. Wala siyang nagawa. Tuloy-tuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha habang patuloy sa mga mahihinang pag-ungol at pagpupumiglas mula sa pagkakaladkad nito sa kaniya patungo sa madilim na bahagi.
Ilang sandali pa ay naramdaman niya na lamang na tila may isa pang yabag ng mga paa na papalapit sa kanila. Narinig niya itong sumigaw sa tatlong lalaki at bigla naman siyang tinulak ng mga ito. Natumba siya at tumama ang kaniyang ulo sa isang puno, naramdaman niyang tila may mainit na likido na dumaloy sa kaniyang noo pababa sa kaniyang pisngi. Ilang sandali pa ay wala na siyang naalala.