The Confrontational and The Straightforward

2069 Words
“Hi, Val,” bungad ni Rave sa kaniya. Nakasuot na ito ng dobok at medyo pinagpapawisan na rin ito dahil katatapos lang nitong mag-warm up. Siya naman ay inaayos na ang kaniyang belt dahil kararating niya lang mula sa klase niya. Hindi naman siya late, sadyang maaga lang dumating sina Rave at Cali bilang seniors sila. “Halika, warm up na tayo,” nakapamaywang na anyaya nito sa kaniya. “Yeah, susunod ako. Aayusin ko lang ang suot ko,” sagot niya naman at pagkatapos ay bumalik na ito sa mga trainees. Iginala ni Val ang kaniyang mga mata, hinahanap niya si Cali pero hindi niya ito makita. “Bakit kaya wala pa siya?” tanong niya sa sarili. Bumaba na siya sa bleachers at nagsimulang mag-jogging paikot sa gym. Ito ang unang beses na magtri-training sila ulit pagkatapos ng demo nila noong convention ng AHCU kaya pakiramdam niya ay nami-miss niya ang training nila tuwing Sabado. “Are you sure na nami-miss mong mag-traning o may gusto ka lang makita?” sigaw ng utak niya. “Tss, bakit ko naman siya gustong makita?” sagot naman niya sa sarili. Ipinilig niya ang kaniyang ulo upang maalis ito sa isip niya hanggang sa maya-maya ay namalayan niya na lamang ang sarili na nakasubsob na sa katawan ng isang lalaki. Napayakap siya sa katawan nito at inalalayan naman siya nito na huwag matumba. “Are you okay?” tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya agad na nakaimik dahil tila pamilyar sa kaniya ang boses nito. Kumunot ang kaniyang noo sa naiisip niya. Dahan-dahan niya itong tiningnan at nagulat siya nang makitang si Cali pala ang nakabangga niya. Nagkatitigan sila nang matagal. Iniisip ni Val na para bang nangyari na ito sa kanilang dalawa, kung saan natalisod siya at napayakap sa katawan nito pero hindi niya lang maalala kung saan at kailan. “Are you okay?” tanong ulit ni Cali sa kaniya. Nahimasmasan naman siya nang muli itong magsalita kaya bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak nito sa kaniya. “Y-yeah, I-I’m fine,” nauutal na sagot niya. Sabay silang nag-jogging dahil mukhang kararating lang din nito. Si Rave naman ay makikitang tinutulungan na ang iba na mag-stretching. “I was looking for you kanina, wala ka pa,” sabi ni Val habang tuloy pa rin sa pag-jogging. “Sir Shino and I had a meeting with the university president regarding our team building which will happen next month,” seryosong sagot nito habang diretso ang tingin. Tumango lang naman si Val at napansin naman ito ni Cali. “It will be your first time to join our team building,” sambit nito. “It must be exciting,” sagot niya naman. “It is. Last year’s team building was held in Nasugbu, Batangas,” patuloy nito. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang mag-stretching. Nagsimula sila sa balikat pababa sa kanilang legs. While Cali was doing it ay lihim na nakatingin sa kaniya si Val. He remembered that night at the River Park nang ibigay nito sa kaniya ang suot na jacket. Lihim din siyang napangiti sa naalala niya. “Hey, bakit nakatayo ka lang diyan?” seryosong tanong nito sa kaniya sa boses na maawtoridad. Bigla namang naalala ni Val na mentor niya pala ito kaya may karapatan itong magtaas ng boses sa kaniya ngayon. Agad naman niya itong sinundan sa ginagawa nitong stretching na ngayon ay kailangang umupo habang naka-stretch sideward ang mga legs at naka-lean forward naman ang mga balikat. Pansin niyang walang kahirap-hirap sa kaniyang ginagawa si Cali. Maya-maya ay tumingin ito sa kaniya at sinuyod ng mga mata ang posisyon ng kaniyang katawan. Nang tila may napansin itong mali sa kaniyang ginagawa ay tumayo ito at nilapitan siya. “You’re not doing it right,” sambit nito at tumungo ito sa kaniyang likuran. Ramdam niya ang paglapat ng matipuno nitong dibdib sa kaniyang likod. Hindi rin nakatakas sa kaniyang pang-amoy ang pabangong gamit nito. Habang nakasandal ang dibdib nito sa kaniyang likod ipinatong naman nito ang magkabilang kamay sa kaniyang mga legs dahilan upang lumapat ang mga ito sa sahig. Naisip niyang ito marahil ang napansin nitong mali kanina. Maya-maya pa ay nararamdaman niyang unti-unti nitong dinadaganan ang kaniyang likod dahilan upang mas lalo pa siyang mag-lean forward. Ramdam niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang dalawang hita pero tiniis niya ito dahil may tiwala siya kay Cali. Hindi nila namamalayan na nakamasid sa kanilang dalawa si Rave. Hindi maikakaila ang kakaibang ekspresyon ng mukha nito habang pinapanood sila. “You can say if it hurts,” sambit ni Cali. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang tainga. “It does,” mahinang sagot niya rito Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakadagan sa kaniyang likuran at saka tumayo at iniabot ang kanang kamay sa kaniya upang tulungan siyang tumayo. “You must regularly do the stretching, the more you stretch your legs mas magiging madali na lang ang ibang kicks and forms,” payo nito sa kaniya. “I’ll take that,” sagot niya naman. Umalis ito at kumuha ng kick pads, ipinagpatuloy niya naman ang ginagawang stretching. “Here, you do the forty-five,” utos nito sa kaniya nang makabalik na ito at hawak ang kick pad. Agad naman siyang sumunod sa sinabi nito. Bagamat mabagal pa ang mga kilos niya ay makikitang malaki na rin ang improvements niya. He can easily do the kicks with a correct form at para sa kaniya ay malaking achievement na ito. Val could feel na unti-unti niya nang na-a-achieve ang goal niya sa pagsali sa taekwondo. He already made friends with his team mates, not to mention Rave na laging nakasuporta sa kaniya, and now, si Cali na buong akala niya ay hindi na magbabago ang tingin nito sa kaniya. “I have something to ask you,” tanong ni Val dito habang nakaupo sila sa bleachers for a break. “What is it?” tanong naman nito. “Bakit ako lang ang tinuturuan mo ngayon?” Hindi naman agad ito nakasagot. Sinulyapan nito ang kaibigan na busy pa rin sa mga trainees. “Let’s just say I want to make up for those times na naging mahigpit ako sa ‘yo,” sagot ni Cali. “Tss, dapat nga ilibre mo pa ako, eh,” pabirong tugon nito. “Sure!” biglang sagot nito na ikinagulat naman ni Val. “W-what?” gulat na tanong niya. Hindi niya inaasahan na magre-react ito nang ganito. “What do you want?” tanong nito nang seryosong nakatingin sa kaniya na hindi niya maintindihan kung excited ba ito o sadyang gusto lang nitong bumawi sa kaniya. “Tss, nakakagulat ka namang biruin,” sabi ni Val. “Why? I can treat you wherever you want,” sagot naman nito sa kaniya. Hindi na muling nagsalita si Val, tumayo ito at bumalik na sa kanilang ginagawa. Naiwan naman si Cali na nakatingin lang sa kaniya. Nang ma-realize niyang awkward ang ginawa niya ay pumikit siya nang mariin. “You’re really not good at things like this, Cali,” himutok niya sa sarili. Nang matapos na ang training ay hinanap ni Val si Cali pero hindi niya na ito makita. Mangilan-ngilan na lang din ang mga team mates niyang naiwan habang ang iba naman ay nakasukbit na ang mga sports bag papunta sa shower room para magpalit ng damit. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit umalis agad si Rave. Dati-rati ay nagpapaalam pa ito sa kaniya o ‘di naman kaya ay aalukin siya nito na ihahatid pauwi na malimit niya namang tanggihan, maliban na lamang nitong mga nakaraan na napadalas ang kanilang training sa nakalipas na convention ng AHCU. Bumuntong-hininga na lamang siya at inisip na baka nagmamadali ito at may importante itong pupuntahan. Kinuha niya mula sa bag ang kaniyang towel at isinukbit ito. Naglalakad na siya patungong shower room nang makasalubong niya si Cali. Nakabihis na ito at habang naglalakad ay pinupunasan ng towel ang kaniyang buhok. “I’ll wait for you,” sambit nito. Nagtaka naman si Val sa tinuran nito. Huminto siya at humarap dito. Napansin naman nito ang ginawa niya kaya tumigil ito sa pagpupunas ng basang buhok. “Ba’t nakatayo ka pa riyan?” tanong nito sa kaniya. Pinihit naman niya ang katawan at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi niya maiwasang magtaka. He found it strange that Rave left the gym nang hindi nagpaalam sa kaniya, and now Cali had been acting weird lately. Nang gabing iyon ay hinatid siya ni Cali hanggang sa bahay nila without asking his address. Napaisip tuloy si Val kung nabanggit niya ba ito kay Cali before kaya alam nito kung saan siya umuuwi. Ganoon pa man ay hindi niya na ito inabala pang tanungin. Matagal niya ring inasam na dumating ang araw na maging maayos ang pakikitungo sa kaniya nito. Hindi niya rin maikakaila na lihim siyang natutuwa sa mga ipinapakita nito sa kaniya lalo na at ipinaparamdam nito sa kaniya ang kagustuhan nitong bumawi sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Bago matulog ng gabing iyon ay muling sumagi sa isip ni Val ang bahaging napayakap siya kay Cali nang magkabanggaan sila sa gym. “I am pretty sure it already happened somewhere,” bulong niya sa sarili pero kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala kaya nagpasya na lamang siya na ipikit ang mga mata. Maya-maya ay tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito at binasa ang DM sa IG niya, nagulat siya nang makita ang pangalang Calypso Imperial.                    “Good night. ☺” Napangiti siya matapos basahin ito at muling ipinikit ang mga mata at tuluyan nang natulog. The next day, Val was walking in the campus dahil katatapos lamang ng klase niya sa isang major subject nang mapahinto siya dahil nakatayo si Athena sa daraanan niya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya umimik at tiningnan lamang ito, hinihintay niyang may sabihin ito sa kaniya. Maya-maya ay nag-cross ito ng mga braso at bahagyang nag-angat ng mukha. “You know what, I really don’t like you,” bungad nito sa kaniya. Nagtataka man ay pinilit ni Val na maging maayos ang pakikipag-usap niya rito. “I know,” diretso niyang tugon sa sinabi nito. “What?” tanong na man nito. Hindi nito inaasahan ang pagiging straightforward nito. “I already had a feeling, but I don’t know why,” sagot ni Val. “Why?” muli niyang tanong. “I don’t like the way you act around Cali. It’s annoying,” sagot nito. “Cali and I have been friends since childhood and we know each other well. But when you came, Cali has become different. That’s why I don’t like you,” mahabang paliwanag nito.  “Are you saying that Cali belongs to you?” tanong niya rito. “Don’t you get it? We’ve been together even before you came, he doesn’t need more friends,” sagot nito na hindi man lang kumukurap. “Cali isn’t your property,” sagot naman niya. “So what now? Are you planning to have him?” sarcastic na tanong naman ni Athena. “He’s nice to me, I’m just giving it back to him,” sagot naman ni Val. Napangiti naman si Athena na tila nangungutya. “Oh, really? You want to give it back to him, including the kiss?” nakataas ang kilay na sabi nito sa kaniya. “What are you talking about?” nagtatakang tanong niya. “You don’t remember anything, huh,” sagot nito na sarkastikong nakangiti. “I’ll surely make you remember,” seryosong dagdag pa nito at iniwan siyang naguguluhan pa rin sa sinabi nito. “Kiss?” tanong niya sa sarili. Binalikan niya ang gabing nasa party sila sa bahay ni Athena. He remembered having drank a few glasses of wine and they were playing a game. But after that he doesn’t remember anything. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad na hindi pa rin nawawala sa kaniyang kaisipan ang sinabi ni Athena. “I will make you remember,” naalala niyang sabi nito. He walked past the main gate and went straight to the bus stop. He was still preoccupied by everything that Athena told him. “Tss, she really has her way of getting what she wants,” bulong niya sa sarili bago sumakay sa humintong e-bus at umupo malapit sa may bintana. Isinuot niya ang airpods niya at pumikit kasabay ng muling pagtakbo ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD